Seah's Point Of View
Nasa harap na ako ng dating bahay namin habang dala sa magkabilang kamay ang dalawang bagahi na ang laman ay ang mga damit ko, habang nasa likod ko naman ang aking guitara.
“Hagang sa muli,” paalam ko sa tirahang kinalakihan ko habang nabubuhay pa ang aking ama.
Lahat ng mga masasayang alala ay dadalhin ko sa puso't isip at hanggang kamatayan.
“Ma'am tara na po! Nasa taxi na po lahat ng gamit n'yo 'yung dala n'yo nalang po ang hindi pa na ikakarga.” Saad ng taxi driver at agad na akong tumalima at tinungo ang sasakyan.
“Mamimiss mo talaga s'ya ng subra,” agad akong napatingin sa nagsalita sa aking tabi at napatango.
"He's my hero," sagot ko rito.
Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang aming bahay at maya-maya pa ay sumakay na ako sa taxi at umandar na agad ito.
Napamahal man ay ni isang peraso ng lupa nito ay hindi sa amin. Kailangan ko nang lisanin ang bahay na iyon sapagkat ipapagbili na rin ito ng may-ari.
Noong buhay pa ang ama ko ay balak na talagang ibenta ng may-ari ang bahay at lupa ngunit, dahil sa pagmamakaawa ni ama ay napaki-usapan pa n'ya itong makituloy muna kami at pagdating nang araw ay lilipat din kami kung may sapat na kaming ipon.
Ngunit, 'di paman kami nakakapag-ipon ay na una na itong umalis. At dahil sa wala rin naman akong trabaho kailangan ko ng lisanin ang pamamahay na minahal namin ni papa.
“Kailangan muna s'yang kalimutan,” saad na naman nito habang katabi ko sa loob ng taxi. Hindi nalamang ako sumagot at ibinaling ang tingin sa ibang direction.
“Hmm! I bet hindi mo kaya, wala ka namang papel sa mundo kung wala s'ya diba?” pangungulit nito ngunit hindi ko na ito pinakinggan at tinignan nalang ang tanawin sa labas.
Lumilipad ang aking utak ng tapikin ako ng taxi driver. Agad akong napabalik sa katinuan at tinignan ang labas ng sasakyan. Nasa harap na kami ng ihawan habang naka-abang 'yung ginang na may-ari ng kwartong uupahan ko.
“They look pleased to see you,” napa-ikot mata nalang ako sa saad ng kasama ko. Ang akala ko ay umalis na ito kasi natahumik na rin naman s'ya kanina sa sasakyan, pero nananahimik lang pala ito at nasa tabi ko lang. Ibinalik ko nalang ang atensyon sa labas.
Nakangiti sa gawi ko 'yung babae habang nasa tabi nito ang anak nitong lalaki. Nang makababa ay tumulong sa paghahakot ng gamit ang anak nito habang 'yung ginang naman ay agad akong nilapitan.
Hinawakan niya ako sa aking kamay at ngumiting muli.
“Maligayang pagdating o pagbabalik ijah!” May ngiti nitong salubong na ikinangiti ko rin. She's tall, fair skin, balingkinitan din ang katawan n'ya na aakalain mong dalaga pa ito sa pustura, pananalita at pananamit.
“Mamayang tanghalian sumabay kana sa amin ahh! At nga pala 'di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si aling Iya, 'yung anak ko naman si Raphael 'yun.”
Tumango nalang ako bilang sagot at maya-maya pa ay may papalapit na batang lalaki sa gawi namin habang 'di ito gaanong nakakatakbo ng maayos.
Malaki rin ang suot nitong tsinelas kaya nahihirapan ito sa pagtakbo. Maya- maya pa ay nakarating na ito sa aming gawi at agad na niyakap si aling Iya.
“Mama” bulalas nito habang nakikita ko ang apat nitong ngipin na kakalabas palang. Mga nasa dalawang taong gulang 'ata ito.
Napangiti ako sa aking nakikita habang nilalaro nito ang kyut na anak nito.
“Nga pala ito naman si Rain ang bunso namin,” pakilala nito sa kanyang kargang bata na ikinalapit ko at ikinakurot sa pisnge nito.
Agad namang hinawakan ng bata ang hintuturo ko at nilaro-laro ito.
Agad namang tinapik ni aling Iya ang kamay ng bata kaya napabitaw ito agad. Hindi man umiyak ay kita ko paring napahikbi nang ka-unti ang bata. Agad namang inalo ng kanyang inay at pinatahan.
“Awehh bunso bawal kasing mangulit kay ate Okay?” Tumango naman ang bata habang napangiti naman ang mama nito.
“Hali ka ihahatid kita sa tutuluyan mo,” saad nito at nagpatiuna sa paglalakad.
Agad naman akong sumunod dito habang dala ang Hand carry na bag ko. Kakailanganin pa naming dumaan sa sala nila papa-akyat sa taas bago makarating sa naturang palapag.
“May dalawang kwarto dito, ang isa ay 'yung anak kung si Raphael ang gumagamit. At ito namang kwartong kasunod nito ay s'yang uupahan mo. Ma's malawak itong kwartong 'to, may sariling banyo rin kaya hindi kana makikipagpilahan sa baba.” Saad nito habang papa-akyat kami sa itaas.
Medjo may pagkamahaba ang hagdanan nila at may dala rin s'yang bata kaya hinay-hinay kami sa pag-akyat baka magkamali s'ya sa paghakbang at mahulog kaming tatlo.
Nang makarating sa itaas ay kita kung mas malaki nga ang kwartong uupahan ko. Nauna na rin ang ilan kung gamit at nasa harap na ng pinto ng silid.
Agad na ibinigay ni aling Iya ang susi ng kwarto at hinayaang ako na ang magbukas. Pagpihit ko ng pinto ay mga lumang kagamitan at libro agad ang bumungad sa akin.
“Linis lang talaga ang kulang at bagong pintura kung gusto mong baguhin ang desensyo ng loob n'yan, ijah!” Saad nito at ngumiti.
“Kung aabutin ka man ng buong araw sa paglilinis ay pwede naman tayong maki-suyo kay Raphael na patulugin ka muna sa kwarto n'ya.” Agad akong nagpasalamat sa saad nito.
“Magbibihis lang po ako para makapagsimula na po ako ngayon,” may sigla kung saad at ngumiti rito. Ngumiti naman din ito pabalik at hinayaan akong maiwan sa taas.
Dahil sa wala namang katao-tao ay agad kung hinalungkat ang isang maleta ko at agad naghanap ng pambahay na damit. Nang makapili ay walang lingunan kung hinubad ang aking t-shirt na suot na agad nakapagpabungad ng aking bra at dibdib.
Nang maisuot ko na ang aking pamalit ay isang lagapak ang aking narinig na agad kung ikinatungo sa hagdanan at nakitang nakabulagta na ang anak ni aling Iya sa paanan ng hagdan habang yakap-yakap ang isa ko pang maleta.
Agad akong napakurap ng ilang beses bago maproseso ng aking utak ang nangyari. Posibling nakita n'ya akong naghubad at sa taranta n'ya ay nahulog sya mismo sa hagdan.
Agad akong napatampal sa aking noo at namumulang nakayukong bumalik sa harap ng aking magiging kwarto.
“Tanga mo talaga Seah!”
A/N: Thank you to those readers who read this story. I am very happy na nabasa n'yo ang gawa ko. Thank you so much!
Enjoy!
YOU ARE READING
Leaving The Lights On
RandomMabibigat na hakbang pa-alis sa kung saan nagsimula ang sakit, basang kalsada, at malakas na pagbuhos ng ulan ang pumapatak sa aking buong katawan. Basa at nilalamig kong sinuong ang masamang panahon habang walang ni isang payong na handang bigy...