Chapter Thirty Eight: Her Gravestone Lover

2 1 0
                                    

Iyah/Thaleah Point of View

Middle week of September, nasa tabing dagat kaming magbabarkada ngayon. Naka-uniform pa kaming lahat at tirik ang araw, nagkakatuwaang nagtatampisaw kami sa dalampasigan.

Ngayong araw ang pangalawang besis naming pagskip sa klasse. Mga lima kaming lahat at tatlo kaming babae at dalawang lalaki. Ang kagandahan lang sa amin ay puro mga matatalino at running for honors ang mga kasama kung nagskip ngayon akalain mo iyun.

Masaya kaming nagtatampisaw sa tabing dagat at kalaunay umahon sa dalampasigan para pagsaluhan ang dala naming chichiya na aming binili kanina sa may tindahan.

“Ito gamitin mo,” lahad ni Noah sa kaniyang dalang tuwalya.

Si Noah ang matagal ko nang kasintahan. Ngunit kahit mga kaibigan ko ay hindi alam kung ano ba talaga kami. Hindi na lingid sa kanila na malapit kami sa isat-isa pero hindi namin inaming mas malapit pa kami sa malapit lang sa isat-isa.

Subrang mapagmahal si Noah na dahilan kung bakit ko ito nagustuhan. Siguro sa pagmamahal nito sa musika ang dahilan kung bakit na hulog ang loob ko sa kaniya.

“Nga pala may sasabihin ako sa yo mamaya,” saad ko habang nakatingin nang seryuso sa kaniya.

Ayukong may malaman mga kaibigan ko sa akin kaya mas mabuting kami lang makaalam. Kahit kailan ay nakangiti lang ito habang nakatingin sa mga kaibigan naming papalapit na sa kung nasaan kami.

***

Matapos ang aming pagtatampisaw sa dalampasigan ay sabay kaming umuwi sa apartment nito. Oo! umuuwi ako sa apartment nito sa kadahilanang wala rin naman akong ibang pupuntahan matapus ang mangyari sa amin.

“Ano ba sasabihin mo?” pagtataka nitong saad. Paniguradong nagtataka rin iton kung bakit ako sumama ngayon sa kaniya na hindi naman ako madalas sumasama kaniya pauwi.

“Buntis ako?” saad ko habang may lungkot sa aking mga mata. Agad naman akong nagulat nang may kamay ang humila sa aking mga balikat at may ningning sa mga mata nitong naka-uwang ang bibig at ‘di makapaniwala sa kaniyang narinig.

Hindi makapaniwalang masaya ito sa narinig ay hindi ko nalang siya kinausap sa nararamdaman ko. Subrang saya nito na hindi ko nalang kukunin sa kaniya ang pananabik na maging ama.

Hindi na siya nagtanong pa at masayang nag-iisip nang pangalan nang kaniyang magiging anak. Nag-iisip na nga ito kung babae o lalaki ba ang magiging anak namin, ayuko naman siyang saktan kaya nanahimik nalang ako.

Sa nagdaang buwang lumalaki ang aking tyan ay napilitan akong huminto sa pag-aaral, sumasabay sa mood swings ko ang nakakastress kung mga subject at pansin kung nakakahalata na mga kaibigan ko sa pagbubuntis ko. Subrang alaga naman si Noah sa akin sa school man o sa apartment.

May iilang araw din akong ayukong kumain o kaya naduduwal ako sa amoy ni Noah. Kaya minsan ay bago tumabi ito ay naliligo o kaya minsan ay hindi ko talaga ito pinatatabi. Nagtagal sa subrang hirap minsan ay umiinom ako nangmapait para matanggal ang malas sa aking tyan.

Dagdag pa sa init nang ulo ko minsan ang walang makain at mga bayarin na hindi namin mabayaran, may panahon na inaaway ko na ang may-ari nang apartment sa walanang sawang bunganga nito at papaalisin na talaga kami.  

Sa palagian naming away dumating sa punto na pinahnto ko na ito sa pah-aaral at pinagtrabaho para may makain kami. Gustuhin ko mang manghingi nangtulong sa pamilya ko ay wala na silang paki sa akin, pati mga kapatid ko ay ayaw akong tulungan. Wala ring silbi kung sa pamilya ni Noah, matagal nang patay mga ito at baka sa susunod kami na susunod, sa walang makain.

Matapus ang siyam na buwang dilubyo nang buahay ko ay may natanggap akong text mula sa aking ama.

KUNG GUSTO MONG BUMALIK, BUMALIK KA AT IPAPAKILALA KA NAMIN SA MAS MAY KAYANG BUHAYIN KA.

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now