Chapter Forty Two: Forbidden

7 0 0
                                    

Raphael's Point of View

   Nang makita kung maputla si Seah ay agad akong na bahala. Parang lantang gulay ko itong nakasalubong sa may bandang palikuran.

   Pansin ko rin na nakahawak siya sa kaniyang bandang puson. Baka dinatnan ito, ganon din kasi nanay ko pag dinadatnan hindi namin makausap ng maayos at lagiang nasa banyo.

   “May bibilhin lang ako,” paalam ko pa Kay Isabell na nakakapit sa akin.

   Malapit na Ang next sub kaya nagmamadali akong bumaba ng third floor. Nasa ground floor pa ang pagbibilhan ko at medjo distansya kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

   Mabilisang pumasok sa isang shop dito at nilaitan ang isang stall at agad na pinaghahablot ang kung ano ang kaylangan ko.

   “Ito po lahat?” takang tanong noong cashier na ikinatango ko naman. Hindi ko na makuhang sumagot dahil sa paghahabol ko rin ng aking hininga.

   Pinonch niya naman agad at pagkatapus ay tumakbo na naman ako ulit paakyat. Habol hininga kung hawak ang dalawang supot at nang makapasok ako ay nasa harap na ang next instructor namin.

   Gulat pa sila noong halos mahimatay ako sa hingal. Mabuti at hindi pa ito nagsisimula, agad akong naglakad papasok at walang lingonan kung inilapag sa kaniyang desk ang sandamakmak na napkin at iilang mints sa kaniyang armchair.

   “A-anong—” gulat niyang saad ngunit hindi na ako tumingin rito at dumiritso ng upo sa aking upoan.

   Nang makaupo ay agad akong siniko ni Isabelle na ikinabigay ko naman sa gustong-gusto niyang lipgloss na pinipilit niyang bilhin ko noong nakaraan.

   Napangiti naman ito at ikinadikit na naman nito sa akin.

   After the class hindi ko na nakita si Seah. Baka na una na sa pag-uwi dahil na rin sa masakit niyang puson. Ako naman ay nandirito pa sa isang ice cream shop. Nag-aaya si Isabelle ng ice cream at di ko man lang matanggihan.

   “Raffy, next time huwag mo na akong iwan.” Seryuso nitong saad habang nilalaro ang kaniyang ice cream.

   Agad naman akong ngumiti at ginulo ang buhok nito. Just like when we were young she's still the little sister I always with.

***

   Hanggang sa pag-uwi ay pangiti-ngiti akong naglalakad papasok ng bahay nang makitang nasa tapat na ng pinto ang nanay ko.

   “Ang tagal mong umuwi!” salubong nito habang ako naman ay napakunot ng noo na nakatingin sa kakaibang kinikilos nito.

   “Alas kwatro insakto naman ang uwi ko nay, bakit?” takang tanong ko pa.

   Wala itong reaction sa kaniyang mukha at agad akong ipinapasok. Di ko na rin naman ito pinansin at agad na sanang paakyat ng kwarto ngunit pinigilan ako nitong maihakbang ang ikalawang pantog ng hagdan.

   “Sa kwarto ka ng tatay mo matutulog muna ngayon. May inaasikaso kami sa kwarto mo.” her tune was flat and she can't even look into my eyes saying thus things to me.

   “Okay! Kukunin ko nalang muna ang mga gamit ko,” pigil na naman niya akong paakyat.

   “Nasa kwarto na ng papa mo binaba ko na,” Saad nito na ikinatango ko nalang at ikinababa ng hagdan.

   Naninibago at nagtataka ay sumunod nalang din ako sa pinag-uutos ni mama. Di ko man lang alam kung bakit at anong dahilan pero sa ngayon ay susunod na muna ako sa pinag-uutos nito.

Seah’s Point of View

   Matapus ang aking shift sa cafee ay nagmamadali akong umuwi dahil na rin sa pagod. Nilakad ko ng mabilis ang daan pauwi at sawakas ay kita ko na rin ang bahay.

   Pansin kung madilim ang labas ngunit open naman ang pinto papasok kaya minabuti ko na rin na pasukin.

   Hindi pa nangyayari itong tahimik ang buong bahay at madilim kaya nakakabahala.

   “Huwag na huwag mong lalapitan ang anak ko.” Napaiktad pa ako sa nagsalita pero alam ko na kung sino ito.

   “Hindi ko alam kung paano mo ako nahanap pero huwag na huwag mong lalapitan ang mga anak ko.”

   Hindi ko man maintindihan ang pinagsasabi nito pero pansin ko ang galit sa boses nito. Hindi nalang din ako umimik at inaantay na mawala ito.

   Napahinga ako ng maluwag ng mayat-maya ay wala na akong narinig sa kaniya. Mabigat man sa damdamin ay agad na akong umakyat sa taas. Kapareho ng setwasyon sa baba ay madilim din ang buong paligid.

   Napahinga nalang ako ng malalim at agad na binuksan ang aking kwarto. Amoy palang ng bagong bukas na silid ang unang bumati sa akin ng magandang gabi.

   Agad kung sinakop ang aking kama kahit wala pa akong ligo o punas man lang sa katawan. Mabigat na dibdib ay napahinga akong malalim at taimtim na napatunganga na lamang kasabay ng pagmemorya ko sa anong kulay ng kisame ng aking kwarto.

   Lahat ng pagod ko sa katawan ay ramdam ko na. Lahat ng hapdi sa aking katawan, mga ngalay na aking iniinda at mga sugat na pilit kung kinakalimutan ay ramdam ko na.

   Unti-unti ay ramdam kung bimibigat ang mga talukap ng aking mata at kalaunan ay napapikit na lamang sa pagod.

   Wala sa isip kung itinulog lahat ng nangyari ngayon kahit di pa ako bihis at nakakain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now