Mabibigat na hakbang pa-alis sa kung saan nagsimula ang sakit, basang kalsada, at malakas na pagbuhos ng ulan ang pumapatak sa aking buong katawan.
Basa at nilalamig kong sinuong ang masamang panahon habang walang ni isang payong na handang bigy...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(Raphael's Illustration. Thank you pic.me for the pic.)
“Hello? Tulog kana ba?” Pang-uusisa ko sa aming tenant habang nasa labas ako ng kan’yang pinto.
I'm sure she’s still awake, narinig ko pang may tumutugtog ng guitara kaya alam kung hindi pa ito nagpapahinga.
Agad akong napaayos ng tayo ng makitang nagbukas ito ng ilaw at maya-maya pa ay nagbukas ito ng pinto.
Gulat ako ng makitang mugto ang mata nito habang napapasinghot pa ito sa kan’yang ilong.
“Hi! Kukunin kulang sana ‚yung petchil ng juice at ‘yung baso na naiwan ko kanina rito, hehehhe!” I awkwardly said. Agad naman s’yang nataranta at agad na umalis sa harap ko at bumalik sa loob.
“Pasensya na! Sana pala isinama ko ‘yan kanina sa pagbaba. At salamat nga pala!” At yumuko ito na agad kung ikinangiti.
She's really amazing. Medjo magaling s’ya magtago ng lungkot, pero hindi gaanong sanay magpanggap. Pansin ko pa rin kasi ‘yung bakas ng luha n’ya sa kan’yang pisngi kahit na nakuha na n’yang magpunas kanina.
I wonder why she's crying right now and also, whose the cause of those tears on her eyes.
“Nako wala ‘yun! Sige na magandang gabi, bababa na ako! Mag sabi kalang kung may kailangan ka pa. Babye! And good night!” Saad ko at bumaba muna upang ihatid sa kusina itong dala ko.
Gusto ko sanang makinig pa sa tugtug ng kan’yang guitara dahil sa tunog nitong parang tinutusok ang puso nang kung sino man ang makakarinig nito.
Ngunit, parang hindi para sa akin o sa kahit na sino ang tugtug n’yang iyon, kaya minabuti kung ’wag na lamang pakinggan pa ito. Batid kung sa kung sino man ang kan’yang pinag-alayan no’n ay espesyal ito sa kan’yang puso.
Agad kung inilapag sa lababo ang mga kailangan hugasan. Nakangiti kung hinuhugasan ang mga pinggan at agad na pinaglilinis ang mga kalat sa kusina at sa mismong ihawan.
I don't know why I'm so energetic and I think it's bad because I must sleep early tonight dahil sa pasukan na bukas. Minadali kung hugasan ang mga pinggan at maagang namahinga.
***
And yeah! Hindi nga ako nakatulog buong gabi akong gising at matamlay kung tinungo ang banyo para maligo. I was expecting na makakatulog ako sa dami nang ginawa ko kanina ngunit hindi ako pinatulog ng mga iniisip ko.
Lutang ang utak ko at pakiramdam ko ay magaan ang ulo't buong katawan dahil sa puyat ako.
Labnaw at mahinhin pa sa babae kung sinuot ang uniform ko at nagsuklay na rin. Naligo man ay pansin pa rin sa repleksyon ko sa salamin ang pagkasabog ng mukha ko.
“Raphael dalian mo na malalate ka n'yan sa unang pasok mo!” Sigaw ni mama sa labas ng aking kwarto.
Napatampal ako ng noo't agad na binuksan ang pinto ng aking kwarto at madaliang shinushhh ang nanay kung maingay.