Chapter Forty: Happy Birthday

5 0 0
                                    

Raphael's Point of View

   Balisa na naman si mama nitong mga nakaraang araw kaya hinayaan nalang muna namin. Maaga palang nasa library na ako, may quiz kami mamaya maya kailangan ko magreview ng maaga.

   "Kailan nga birthday ni Seah?"

   Agad akong napahinto sa pagbubuklat ng marinig ito sa hindi kalayuan. Oo nga naman, matagal tagal na siyang naninirahan sa amin tapus hindi ko man lang alam kaylan ang kaarawan nito.

   Dahil na rin sa curious ako sa kung kaylan nga ang birthday ni Seah ay lumapit na ako kung saan ito nag-uusap usap. Hindi rin naman ako nila pansin na papalapit sa dami rin at natatabunan naman ng shelves ang katawan ko. Bali nasa kabilang side ako at napapagitnaan ng shelves ng libro ang distansya namin.

   “Hindi rin naman siya nagsasabi kaylan, but may plano ako.”

   I was listening to their conversation na dapat naman talagang hindi pero iwan nababagabag din ako kung kaylan nga birthday nito.

  “Sa ngayon, mag-aral muna tayo baka mazero na naman tayo baka ma-running for  bagsak na naman tayo," saad noong isa na ikinahinga ko ng malalim sa dismaya.

Jean's Point of View

   Nagkakamot ulo at kinakagat ko ang dulo ng aking ballpen habang nakayuko sa papel na nasa desk ko. Yep! I'm struggling, kung sa high school pa ito ang easy nalang magcheat. Sa college mukhang utak nga yata labanan at diskarte.

   Pero ni dilihensya nga na sagot diko makita diskarte pa kaya. “Aharm!” ayun na nga ang diskarte na hanap ko.

   Agad akong tumingin sa gawi ni Seah and then ayun, ang answer na hanap ko ay nandoon na nga. Kahit nga subrang labo ng mata ko sa malayo luminaw sa panahon ng tag-gutom. Gutom ng answers.

   “Aherm!” and then I heard that familiar voice. Ako naman na malapit-lapit sa kaibigan kung isa rin na gutom ay agad kung inilagay sa likod ko ang papel ko na may sagot na.

   Ang gaga kasi salikod pa pumwesto kala mo naman may makukuha siyang sagot sa likod. E same rin naman sa likod nangangaylangan ng sagot.

   Pinapadali ko nga sila na komopya sa nakopya ko rin na sagot kasi baka mahuli kami ng prof namin. Maldito pa naman iyun at nambabagsak ng mahuli niyang nangungopya.

   “Oh! Dami ng makati lalamunan ah! Walang sagot?” at ayun na nga.

   Agad akong napatago sa papel ko at baka ako pa masampolan ng singko sa papel ko. Baka nakopya na naman ni Kris lahat, alam ko naman na malinaw din mata no'n. Halos nga kita Niya kahit 100 kilometers layo ng crush niya, sagot pa kaya.

~Fast Forward~

   “Tangina salamat naman at tapus na!” atungal ko matapus lumabas ng among prof.

   “Para namang nahirapan ka e nangopya kalang naman!” saad ni kristyl habang nakatotok sa cp nito.

   Ngumisi naman ako at binigwasan ito. “Mahirap din kayang nangopya,” pagdedepensa ko sa aking sarili at agad na sumimangot.

   “But anyway, tara Kain!” pag-aaya ko pa. Akmang tatanggi na sana so Seah nang harangan ko na agad ito at isinubsob pa sa bibig nito ang hintuturo ko.

   “Shesht! Wala ng papalag, Tara na!” Saad ko at kinaladkad ko na Ito.

   Bali  lima kami ngayon na babae kasama ang isang lalaki na kaibigan saw ng isa naming kasama ang magkakagrupo ngayon. Wala lang naisipan kung isama ang iba para naman kahit papaano ay malibang naman kami na may kasamang iba.

   “Saan ba tayo kakain? Sa bakery?” tanong ni Seah habang sumusunod sa akin.

   “Basta ay! Puro tanong magshesh ka nalang. Mas better na isip ko,” sagot ko at tumango naman si Kris.

   Papunta kami ngayon talaga sa bakery of course para bumili ng makakain. We did choose na sponge cake nalang at sa subrang brainy ko bumili na rin kami ng isang 1.5 na coke and plastic bottles.

   At dahil katabi lang naman ng bakery and party shops ay agad na run akong pumasok doon at nagkukuha ng balloons, yung torotot, nagpabili pa si Kris ng party hat na ikinathumbs up ko pa.

   Habang na mimili kami of course itong si Seah sunod lang din ng sunod. My plan is to celebrate her birthday without us knowing when is her birthday talaga. Kahit naman papaano ano macelebrate namin kahit na tapus na or hindi pa birthday niya.

   Ayaw rin naman kasi niyang magsabi and ayaw din namin tanungin. “Bili ka posporo Kris dali” Utos ko pa at nagkukumahog naman sa pag-bili ang babaeta.

   Nang papunta na kami and after mabili na namin lahat ay agad na kaming nagpunta sa pambansang tambayan ng mga estudyante rito sa amin. The boulevard, malapit ito sa dalampasigan kaya maaliwalas ang hangin.

   Matapus nang makarating kami sa boulevard na tinutukoy ko ay agad na kaming nagset up. At dahil puro kami siraulo agad na ipinasuot ni Kris kay Seah ang party hat na the cars pa ang print at nagsikantahan na agad kami ng Happy birthday.

   Nagsipalakpakan naman mga kasama namin at sumasabay at akala talaga na birthday ni Seah. “Happy birdy, happy birdy to yah!” masigla ko pang pagbati at sinayawan pa ito ng chicken dance at nakikisayaw din naman ang iba.

   Mga ilang minuto rin kaming nagsasayawan at nagkakantahan at naisipan na nga ni Kris na ilabas ang sponge cake na binili namin.

   “Patay walang kandela!” tarantang saad ni kris na ikinailing ko lang. “No problem!” pagmamayabang ko pa at hinalukay ang binili niyang posporo.

   Agad akong naglabas ng iilang stick ng posporo at itinusok sa cake at ginawang kandela. “Happy birdy, happy birdy to you!” kanta kung muli na ikinahagalpak nalang naming lahat at nagsitawanan pa lalo ng sumayaw na naman ng chicken dance si Kris.

   We laughed and laughed while celebrating someone's birthday in advance or late. “Thank you guys,” agad namang nakuha ang attention ko ng nagsalita si Seah.

   I handed her the sponge cake na kanina ko panhawak na ikinangiti nito habang nakatingin sa hawak na niyang cake.

   “I never had a cake before, so thank you!” agad kaming natahimik sa saad nito.

   Pasin mo nga kasi talagang manghang mangha siya sa hawak nitong cake. Na awkward na nga siguro si Kris sa subrang tahimik na ikinakagat niya doon sa cake na akala mo para siyang Titan sa laki ng kagat nito.

   “Hapeh birdy" pilit niyang saad na ikinahalakhak namin.

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now