CHAPTER 4

1.8K 75 55
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na kalabog sa pinto ng bahay. Badtrip naman! Antok na antok pa ako. Pupungas pungas na binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin si Aling Maring - landlady ng apartment na tinutuluyan ko. Nagtataka ako bakit Maring pangalan niya. Dapat kasi Marites. Bagay sa kanya yung Marites e. Suplada. Chismosa.

"Yung bayad mo sa renta?" taas kilay niyang sabi sa'kin.

Ang taray ni Aling Maring ah. Ginawa na naman niyang coloring book ang mukha niya. Ang aga aga mukhang may pupuntahan siyang circus o di kaya children's party.

"Pft." Di ko mapigilan matawa sa mukha niya. Gandang bungad e. Magkakasala pa ako kay Lord dahil sa kanya. Bigla naman akong nagseryoso nang makita na mukha na siyang sasabog dahil sa inis. Baka mapalayas pa ako ng wala sa oras. Juicecolored.

"Ah. Aling Maring hindi pa po kasi ako nakakasweldo. Pwede bang sa susunod na araw nalang?"

"Aba! Lagpas ka na sa bayaran ah. Siguraduhin mo lang yang susunod na araw mo. Kung hindi ka parin makakabayad mas mabuting magsimula ka ng mag impake!" bulyaw niya sa'kin bago umalis.

Potek tumalsik pa yung laway niya sa mukha ko -,-

Tulala akong nakaupo sa kama. Nag iisip kung saan ako pwede magnakaw ng pera lol charing lang. Kahit mahirap ako hindi ko naman kayang gawin yun.

Ibenta ko nalang kaya isang kidney ko?

Napahawak nalang ako sa sintido. Nahihiya na din ako mangutang kay Yves kasi ang laki na ng utang ko sa kanya. Ang hirap. Ang hirap maging maganda lol. Ang hirap lalo na kapag ikaw nalang mag isa sa buhay. Hays.

Ilang minuto din ako nakatingin lang sa cellphone ko. Naghihintay ng himala. Baka hindi talaga ako na hire sa pinag apply'an ko.

*1 message received*

Dali-dali kong binasa ang message. Baka sakaling galing iyon sa pinag apply'an ko.

NAG EXPIRE NA ANG IYONG--- ibinato ko sa kama ang cellphone. Bwiset. Mag e'expire na din 'tong renta ko -,-

Pumasok ako sa banyo at naligo para lumamig ang ulo ko. Napaiyak nalang ako dahil sa dinaranas ko ngayon. Pero hindi yung pang sosyal na emote ha. Yung umiiyak sa ilalim ng shower o di kaya nasa bathtub. Wala akong ganun e hehe. Ang meron dito balde, tabo at palanggana lang. Alangan naman mag swimming ako sa palanggana edi nagmukha akong tanga.

Bakit kasi hindi ako mayaman. Kung sana naging anak nalang ako ng isang mafia boss o di kaya inampon ako ng isang matandang bilyonaryo.

Kaso yung nag ampon sa'kin di naman mayaman pero masaya din naman tsaka hindi ganito kahirap ang buhay.

Ang nakakalungkot lang maaga sila kinuha ni Lord. Bakit kaya hindi ako sinama? Di ata ako bagay sa langit. Hehehe. Lord, sunduin mo nalang din kaya ako.

Nang matapos maligo. Nagbihis at nag ayos na ako. Maghahanap nalang ulit ako ng trabaho. Cheer up Amanda! Di baleng mahirap basta maganda mwehehehe.

Chineck ko ulit ang cellphone ko kung may message ba. Syempre umaasa parin ako na bumalik siya este umaasa ako na makuha ako sa trabaho.

*You have 1 unopened message*

Binuksan ko ito at nanlaki ang mata ko sa nabasa. Nakuha ako!! I'm hired!

Nagtatalon ako sa tuwa.

Sumayaw.

Gumulong.

Tumambling.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now