CHAPTER 24

1.8K 87 13
                                    

[SANDRO'S POV]

I sipped on my wine as I stared at her laughing with someone. Nasa engagement party ako along with my friends. I didn't expect na nandito din siya.

I was staring at them from afar. Nasa kabilang side sila at kitang kita ko kung paano siya ngumiti sa kasama niya. Inubos ko ang wine at kumuha ulit.

My jaw clenched when I saw her feeding him with some food. Napahigpit ang hawak ko sa baso at tinungga ang laman nun.

Ysabelle..

Ysabelle..

Ysabelle..

Why do you have to make me feel this way?

When the music starts to play and people were dancing. I immediately went out. I need some fresh air. Ayoko makitang may kasayaw siyang iba.

I pulled one cigarette out of my pocket and lit it. I learned to smoke 3 years ago. Paminsan minsan lang din kapag sobrang stress na.

I slid my hands inside my pocket and leaned my back against a coconut tree. Feeling the cold breeze on my skin as our memories keeps flashing back. Her sweet smile. Her scent that's so addictive. Her silly jokes. Everything about her.

I run my fingers through my hair and sighed. Tinapon ko ang sigarilyo at akmang papasok na ulit sa loob nang makita ko siya. She was heading out. Nagtago ako habang sinusundan siya ng tingin.

She removed her heels not minding kung masugatan ang paa niya.

Same old, Ysabelle..

I was looking intently at her. Mukhang hindi niya pa ako napapansin. Napakalamig sa labas tapos ganyan ang suot niya? Tsk. Nasaan ba kasama niya?

"Damn." I whispered.

Hindi niya alam kung gaano siya kaganda habang nakatingala siya sa langit at tinitingnan ang mga bituin.

That became her habit.

She's glowing. I could stare at her all day.

She hugged herself because of the cold breeze. I am fighting the urge to talk to her. I know she's happy with her life right now. Ayoko na siyang guluhin pa.

Let's just keep it this way, Sands.

As I was about to leave, I spotted two guys na iba ang tingin sa kaniya. Bakit kasi ganiyan ang suot mo Ysabelle.

I walked towards her and covered her back with my coat. She turned her gaze and our eyes met.



That's when reality hit me..










After three long years..






















[MANDY'S POV]

"Sandro Marcos.." bulong ko habang tinitingnan siya sa mata.

Ilang minuto kaming nagtitigan bago ako tuluyang umiwas at tumingin sa ibaba. Kinagat ko ang labi.

"It's good to see you again"

"Hmm" iyan lang ang tangi kong naisagot sa kaniya. Nanatili akong nakayuko habang pinaglalaruan ng paa ko ang buhangin.

"You look good" saad niya.

Inangat ko ulo at nagtagpo ang paningin naming dalawa. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo pababa sa katawan hanggang paa. Napahigpit ang hawak ko sa coat niya. Malakas naman ang hangin pero bakit parang ang init dito.

Binalik niya ang tingin sa'kin.

"Much better than I remembered.."

"S-salamat.."

Gusto ko humakbang paalis sa harap niya pero parang napako na ang mga paa ko.

Juicecolored.

Napalunok ako. "S-sige papasok na ako sa loob."

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad nang hawakan niya ako sa kamay. Napatigil ako at nilingon siya.

"B-bakit?"

"Lov---"

"MANDY!"

Bumaling ang tingin namin sa sumigaw. Papalapit sa amin si Yves.

"Uwi na tayo" saad niya ng makalapit sa aming dalawa.

Hinigit ako ni Yves ngunit natigil naman ito kasi hawak parin ni Sandro ang isa kong kamay. Naguguluhang tumingin kami ni Yves sa kanya.

Nakatingin lang siyang diretso sa'kin.

"I need to talk to her" sagot niya habang mahigpit parin ang hawak sa kamay ko.

"Gusto mo ba Mandy? Mag-uusap daw kayo"

Umiling ako. What for diba? Ano pa bang dapat naming pag-usapan? The good old days? Mag throw back? Alam kong masaya na siya. At okay na din ako sa buhay ko.

Nakagat ko ang labi. Okay nga ba ako?

Bumuntong-hininga ako at ngumiti ng pilit.

"Bitawan mo na ako." saad ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

Parang nasaktan siya sa sinabi ko. Nakikita ko sa mata niya ang lungkot.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya hanggang sa binitawan na niya ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bakit sobrang bigat? Bakit masakit pa rin? Bakit ang bigat sa pakiramdam habang papalayo ako sa kanya?

"Mandy"

Naramdaman kong may yumuyugyog sa'kin. Dinilat ko ang mga mata. Nakauwi na pala kami.

Naunang pumasok si Yves sa bahay at ako ay nanatili lang sa loob ng kotse. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa coat ni Sandro na hanggang ngayon ay suot ko pa'rin.

Hindi siya panaginip. Nangyari nga talaga iyon kanina.

Wala naman akong ginawa kanina pero nakakapagod. Ang sakit sa ulo.

-------

Tahimik akong namimili ng libro ngayon dito sa isang mall.

Nang may narinig akong tumikhim sa likuran ko. Nilingon ko ito at bumungad sa'kin ang napakagwapong mukha ng isang lalaki.

Ngumiti ito sa akin. Nahihiyang ngumiti din ako sa kanya. Ngunit nagulat ako nang nilapit niya ang mukha niya sa'kin. Napaatras naman ako ngunit patuloy parin siya. Hanggang sa wala na akong maatrasan.

Napapikit ako nang akmang itataas niya ang kamay niya at hahawakan ang mukha ko. Ngunit ilang minuto ang nakalipas walang akong naramdaman na may humawak sa'kin. Dinilat ko ang mata at nagtama ang paningin namin dalawa.

Ngumisi siya ng nakakaloko habang pinapakita ang libro na kinuha niya na nasa likod ko pala.

"Expecting huh?" saad niya habang nakangiti sa'kin.

Namula naman ako sa kahihiyan.

"A-anong expecting ka dyan?!" tinakpan ko ang mukha ko at mabilis na tumalikod sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa ng malakas. Halatang tuwang tuwa siya sa'kin.

"You never failed to make me laugh, Ysabelle"

Narinig kong sabi niya bago tuluyang umalis.

Ano bang ginagawa mo sa'kin Sandro?

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now