CHAPTER 27

1.7K 90 40
                                    

"Ano yun, Si?" tanong ko kay Simon.

"Uhmm.." lumingon siya sa paligid bago nagsalita ulit. "Can we talk somewhere private?"

Nilingon ko sina Yves na naglalakad papuntang parking lot.

"Pasensya ka na, Si. May lakad kasi kami ngayon. Pwede bang next time nalang?"

"5 minutes lang Ysa"

"Huh?"

Hanggang ngayon napagkakamalan pa rin akong si Ysa. Akala ko ba nakita na nila ito 3 years ago.

Ngumiti lang siya sa'kin. Kumunot naman ang noo ko sa reaksyon niya.

"Importante ba yan?"

Tumango naman si Simon. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Sig--"

"Simon"

Napalingon kaming dalawa sa likuran ko. Nagtama ang paningin namin.

Sandro Marcos.

Nakasuot siya ng formal attire. Naka brushed up din ang buhok niya. Napakalakas ng dating talaga. Sobrang neat niyang tingnan. Kahit ang mga empleyado napapalingon sa kanya. Papalapit siya sa gawi namin habang nakatingin lamang siya sa akin.

"Let's go" saad niya kay Simon pero ang mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin.

"Sands, tell her."

Bumaling ang tingin ni Sandro sa kanya. Nagtitigan sila na tila nag uusap ang kanilang mga mata.

"Ano ba sasabihin niyo?"

Lumingon silang dalawa sa akin. "Ano ba yun?" pag uulit kong tanong.

"It's not really that important. Tara na, Simon."

"But--"

*YVES NADIMUNYU CALLING*

Sinagot ko ang tawag.

"Saang lupalop ka ba pumunta? Napaka engot mo naman kung hindi mo alam nasaan ang parking lot"
"Tch. Papunta na ako dyan"

Pagkababa ko ng tawag tiningnan ko si Simon.

"Si, pwede bang sa susunod nalang yan? Kailangan ko na kasi umalis atsaka.." tiningnan ko si Sandro. "Mukhang nagmamadali din kapatid mo."

"Sige. Take care." saad ni Simon.

Ngumiti naman ako sa kanya bago ako patakbong pumunta sa parking lot.

"Napakatagal mo naman Amanda."

"Eh kasi naman may sasabihin daw si Simon"

"Ano naman yun?"

"Aba malay ko. Hindi na natuloy kasi dumating si Sandro tsaka tumawag ka na"

"Feeling mo tungkol saan yun?"

"Hindi ko alam. Mukha ba akong manghuhula?"

"Hindi. Mukha ka lang mangkukulam HAHAHA"

Ayan na naman siya. Tuwang tuwa sa pang-aasar sa'kin. Kung hindi lang siya nagd'drive baka kanina ko pa siya kinalbo.

"Pero alam mo--" saad ko

"Hindi ko alam"

Hinampas ko siya ng malakas sa balikat. Nakakainis. Seryoso na ako e.

"HAHAHAHA sorry. Ano yun?"

"Tinawag niya akong Ysa"

"Oh. Yung nakwento mo sa'kin noon na kamukha mo daw?"

Tumango naman ako. "Pero nahanap na nila yun 3 years ago. Bakit napagkakamalan parin ako?"

Tiningnan ko si Alexis na natutulog sa likod.

"Hmm. Nakita mo ba mismo yung Ysa?"

"Hindi. Hindi ko na rin tinangkang magpakita pa sa kanila nung nag break kami"

"Mandy paano kung ikaw talaga si Ysa?"

"Haaaa?! Nagpapatawa ka ba? Paano naman ako magiging si Ysa. Wala akong matandaan na nagkakilala kami noong mga bata pa kami."

"Exactly. Wala kang matandaan. It means baka nangyari yun at nakalimutan mo lang"

"Impossible talaga. Desisyon ka rin e noh?"

"Hindi yun impossible. Nagtanong ka ba sa mga kumopkop sayo kung nasaan ang mga totoong magulang mo?"

"Iniwan nila ako. Sapat na dahilan na yun para kalimutan ko sila"

"Totoo nga bang iniwan ka nila?"

Bigla akong natahimik. Ang totoo niyan hindi ko talaga alam. Kasi kapag nagtatangka akong magtanong palagi nilang iniiwasan sagutin yun. Tila may tinatago sila na hindi ko pwedeng malaman. Pero hindi na rin ako nangulit kasi baka akala nila hindi ako kontento sa kanila. Kaya itinanim ko sa isipan na iniwan nga talaga ako ng totoo kong mga magulang.

"Kung hindi nila ako iniwan edi sana andyan pa sila"

"Paano kung kagaya ng mga magulang ni Ysa, namatay din sila? Kaya wala sila kasi hindi na sila babalik pa. Paano kung ikaw nga talaga si Ysa?"

"Impossible talaga Yves. Alam kong parehas kaming maganda kasi magkamukha kami. Pero sobrang layo ng attitude namin. Nakita ko siya sa picture, hindi siya nakangiti. Mukhang suplada at may malaking problemang dinadala"

"Suplada ka rin naman ah"

"Aba gago to. Anong suplada sinasabi mo?!"

"Oh kita mo na? HAHAHAHA"

"Bwiset ka. Mag drive ka na nga lang dyan!"

Muli ko siyang hinampas sa braso bago ako umayos ng upo.

--------

Natapos ang araw na iyon lang ang iniisip ko. Hanggang sa makauwi kami tanging tungkol lang kay Ysa ang nasa isip ko. Pati sarili ko hindi ko na kilala. What if tama nga ang sinasabi ni Yves? Pero bakit hindi ko sila matandaan? Bakit kahit isang memorya wala talaga?

Kelangan ko na siguro mag memory plus gold mukhang nagiging makakalimutin na ako HAHAHA

Tiningnan ko ang sarili sa salamin.

"Your eyes, your dimple, your smile.."  biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Sandro noon.

Napabuntong hininga ako at tinapik ang magkabilang pisngi.

"Ikaw si Amanda. Hmm. Amanda with an A. Whoop HAHAHAHA"

*1 message received*

Nabaling ang tingin ko sa cellphone na nakalapag sa mesa. Pagkatapos kong basahin ang message tumayo ako para kumuha ng hoodie sa cabinet. Sinuot ko ito bago tuluyang lumabas ng bahay.

11 PM.

Naglakad ako palabas ng subdivision at pumunta sa pinakamalapit ng convenience store.

Pumasok muna ako at bumili ng maiinom. Nang makalabas nadatnan ko ang itim na kotse. Lumapit ako doon at kinatok ang bintana.

"Hi" nakangiting bati ko.

Ngumiti din siya sa akin. "Hop in"

Pumasok ako sa loob bago kami tuluyang umalis.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now