CHAPTER 18

1.6K 82 16
                                    

"Hi. Are you alone?"

Walang emosyon na tiningnan ko ang lalake na tumabi sa'kin. Andito ako ngayon sa isang bar. Hindi ko alam bakit ako nandito basta ang alam ko dito ako dinala ng mga paa ko.

"Bulag ka ba? Anong alone pinagsasabi mo? Ang daming tao oh"

Tinuro ko sa kanya ang mga taong masayang nagsasayawan sa dance floor. Mga umiinom. Nagyo-yosi. May mga nagme-make out sa second floor. Sobrang wild nila. Habang eto ako nasa sulok at nag e-emote dahil hindi ako sinipot ng boyfriend ko at sumama pa sa ex niya. The acidity -,-

Muli akong uminom at napangiwi sa lasa. Sobrang pait. Masakit pa sa lalamunan. Anong klaseng alak ba to? Tinry kong buksan ang isa pang bottle pero ayaw magbukas. Gusto ko lang naman uminom bakit pinapahirapan pa ako.

"Bakit ka umiinom mag-isa?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Isa pa 'to. Ibato ko kaya sa kanya tong bote. Kaasar -,-

"Bakit? Kapag ba uminom kailangan by group? Hindi ako nainform yun na pala uso ngayon."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Kung makatawa parang close kami ah. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag inom. Napatigil naman ako ng kunin niya ang baso ko at ininom ang laman nun.

"Alam mo? Kung wala kang pambili ng alak umuwi ka nalang. Hindi yung makikihati ka pa sa'kin" inis na saad ko sa kanya.

Napangisi naman siya.

"Sa ganda mong yan wala kang kasama?

"Sa pambobola mong yan wala kang nabola?"

Muli na naman siyang tumawa.

"HAHAHA you know what? I like you."

Walang ganang tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pwede na. Pero mas gwapo pa rin talaga boyfriend ko. Umirap ako at tinalikuran siya.

"Bakit ka ba umiinom? And based sa pananamit mo mukhang may date ka. Hindi ka sinipot?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Para sa isang lalake masyado siyang makulit at madaldal. Sarap tapalan ng tape ang bunganga.

"Hindi ko alam na kailangan na pala ngayon may reason para uminom. Hindi ba pwedeng trip ko lang? At ikaw? Ano bang trip mo?"

"Ikaw ang trip ko" kinagat niya ang pang ibabang labi at binasa ito.

"Siraulo" konting konti nalang babasagin ko na tong bote sa ulo niya. Hindi ko na siya pinansin at muling uminom.

"Pwede kitang samahan if you want" saad niya.

"Hindi kita kailangan" sagot ko.

Inirapan ko siya at tumayo. Pagewang gewang na naglakad ako palabas ng bar. Marami na ata akong nainom. Umiikot na yung paningin ko.

Sumubsob pa ako sa lupa dahil sa heels ko. Inis na tinanggal ko ito at umupo sa gilid ng daan.

-------

[SIMON'S POV]

"Vinny did you call Sandro?" I asked.

"Sandro's not answering his phone"

Kanina pa kami tawag ng tawag kay Sandro pero hindi niya talaga sinasagot. Damn. It was clear as daylight that Ysabelle was crying over the phone.

"Should we look for her?" Vinny asked.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now