CHAPTER 6

1.7K 85 31
                                    

Ysabelle..

Please don't leave me..

Nooo!!!

Please comeback..

"YSABELLE!!"

Nagising ako nang maramdamang may yumuyugyog sa'kin. Habol habol ko ang hininga ko nang magising. Napanaginipan ko na naman.

Simula nang magtrabaho ako kay Sir Sandro at simula nang tawagin niya akong Ysabelle lagi na akong may napapanaginipan. Laging may tumatawag sa akin ng Ysabelle. Isang batang lalaki. Impossible naman na si Sir Sandro iyon kasi ngayon lang kami nagkakilala. Wala akong maalala na nagmeet kami nung bata pa kami. Hindi ko maaninag ang mukha niya sa panaginip ko. Pero alam kong ako yung tinatawag niya.

Sino ba kasi yun?

Wala naman akong maalala na may kalaro ako noong bata pa.

Hindi naman siguro yun ligaw na kaluluwa noh? Malayo pa naman ang November para magparamdam sila.

Wala din akong kapatid na lalaki.

Hays.

Hindi ko alam kung matatakot ako o maaawa kasi yung batang lalaki laging umiiyak sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak.

Kung in real life natatawa sila sa'kin. Sa panaginip naman umiiyak sila.

My golly -,-

"Hey. Are you alright? You look pale" bumalik ako sa wisyo ng magsalita si Sir Sandro.

Nasa harap ko siya ngayon hawak ang magkabilang balikat ko. Bakas sa mukha ang pag aalala. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakahintay na matapos ang meeting niya.

"Sir, andyan na po pala kayo. Sorry po nakatulog ako" paghingi ko ng pasensya sa kanya. Inalalayan niya akong tumayo. Bumalik na ako sa table ko.

Binigyan niya ako ng tubig. "What happened? Are you having a bad dream?"

Tumango naman ako at ininom ang tubig.

Mag iisang linggo ko na din 'tong napapanaginipan.

"Dala lang po siguro ng pagod sir" saad ko.

Sa first day lang pala ako chill. Next day stressful na -,- dami na niyang pinapagawa. Katulad ng pa-arrange ng ganto ganyan. Paki-ayos ng sched. Tawagan si ano. Iprint mo ito. Photocopy. Gawa ka kape. Bili ka pagkain. Assist mo si ano. Samahan mo 'ko. Hays. All around na ako, e. Pati sa bahay may sinesend pa siya na files para i proofread ko.

"You can go home. Magpahinga ka na muna"

"Naku sir hindi na po. Okay na okay po ako" ngumiti ako ng malapad.

Nanatili siyang nakatingin sa'kin tila ba chinecheck kung okay lang ba talaga ako. Akmang hahawakan niya ang mukha ko. Medyo nagulat ako kaya lumayo ako.

Napatigil naman siya.

"Your bangs" saad niya

"Sir? Bakit po?" inayos ko naman ang bangs ko.

Ayaw niya ba sa may bangs?

Cute kaya ng bangs ko. Tsaka medyo nasanay na din ako na may bangs.

"N-nothing" umiling iling siya na ipinagtaka ko.

"Ayaw niyo po ba sa bangs ko?"

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. "Silly. I just remember someone. May bangs din siya but unlike you, her hair is short.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now