CHAPTER 22

1.6K 80 40
                                    

3 years later....




"Mommy wakey wakeeyyy" naramdaman kong may sumusundot sa pisngi ko.

"Hmm baby give me 5 more minutes" tugon ko sabay nagtalukbong ng kumot.

"But mommy were gonna be laaaatee" bulong nito sa'kin.

Hindi ako kumibo. Nang bigla may humampas sakin ng unan.

"Hoy Amanda Ysabelle gumising ka na!" sigaw ni Yves.

"Aiiishhh ano ba aga aga nambubulabog ka! At wag ka nga magpakita ng violence sa harap ng bata"  pagmamaktol ko.

"Anong maaga? Ala-una na ng hapon. Mahuhuli na tayo sa flight natin kaya tumayo ka na dyan kung ayaw mong iwan ka namin ni Alexis"

"Yes! Don't wanna leave mommy behind" pagpapacute ni Alexis sa'kin.

Ngumiti naman ako at pinisil ang pisngi niya. Napaka gwapong bata. Mana sa tatay.

"Eto na mag-aayos na nga"

"Good. Okay let's go Alexis. I'm gonna treat you some ice cream. What flavor do you want?"

"Okay dada! I want some strawberry ice creaam. But is it okay for me to eat?"

Sabay silang tumingin sa'kin. Natawa naman ako sa kanila. Ang cute nilang tingnan. Ngayon ko lang napansin na matching pala sila ng suot.

"Mommy is it owkaay?" naka-pout na tanong ni Alexis.

"Okay isa lang ha"

Tumango tango ito at malapad na ngumiti. "Yes Mommy!" sabay kinarga siya ni Yves at lumabas ng room.

-------

"It's been 3 years huh.." bulong ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Wala namang masyadong nagbago bukod sa mas lalo akong gumanda. Charing. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon. Maayos naman yung pagpapatakbo ni Yves sa business nila. Madami din mga business man na gusto mag invest kaya sobrang busy.

Eto kami babalik ng Pilipinas para dumalo sa isang engagement party ng isa sa mga close friends/ business partner ni Yves. Ayoko sana sumama at magpapa-iwan nalang kami ni Alexis pero yung bata gusto niya daw puntahan lolo at lola niya. Wala akong choice kaya sasama nalang.

"Tatlong taon na ang lumipas pero ang pangit mo pa'rin" asar ni Yves. Nakatayo siya sa pinto at naka cross arms.

Inirapan ko siya. "Nasan si Alexis?"

"Naglalaro sa sala. Ready ka na ba?"

"Malapit na" sagot ko habang nagla-last minute check sa mga luggage namin.

"That's not what I mean Amanda" napatigil ako sa ginagawa. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Napabuntong-hininga ako.

"Sobrang tagal na nun. Sigurado akong naka move on na yun"

"Ikaw naka move on ka na ba?"

"A-anong klaseng tanong yan Yves. Syempre masaya na ako ngayon."

Masaya nga ba?...

"Bakit ba ang dami mong tanong? Halika na nga" pag-iiba ko ng usapan. Hindi naman siya nagtanong pa ulit.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now