CHAPTER 7

1.6K 84 43
                                    

Sunday, 1:30 pm.

Nandito kami ngayon ni Yves sa isang mall. Kagagaling lang din namin sa simbahan.

Ipinagdasal ko na sana makatuluyan ko si Sir Sandro or yung mga kapatid niya. More choices, more chances of winning. The more the merrier. HAHAHAHA charing!

Magkasama kaming bibili ng groceries ngayon. Kakasweldo ko lang kaya may pera ako pambili ng mga kaek-ekan ko sa buhay. Nag advance payment na din ako sa renta. Tuwang tuwa si Aling Maring. Buti nalang para di ko na muna makita ng pansamantala yung pagmumukha niya. lol

Tiningnan ko si Yves habang naglalagay siya ng kung ano ano sa cart ko. Siya talaga yung namimili ng bibilhin kasi kapag ako puro unhealthy foods lang nilalagay ko. Mauubos na nga pera ko mamamatay pa ako ng maaga.

"Alam mo pwede ka na mag-asawa"

Nilingon naman niya ako at ngumisi.

"Masyado akong gwapo para matali ng maaga"

"Ah talaga ba? Kaya pala hanggang ngayon wala kang girlfriend" pang aasar ko sa kanya.

"Really? Coming from you? Diba NBSB ka? No boyfriend since break up"

"Eeennnkk!!! Mali ka sa meaning ng NBSB. Dapat kasi No boobs since birth!" nag X sign pa ako sa kanya

Humagalpak naman siya ng tawa.

"Laptrip ka talaga Mandy. Kaya walang nagtatangkang manligaw sayo kasi para kang timang. Sobrang choosy mo pa, di naman kagandahan"

"Siraulo ka ah. E kung kaltukan kita dyan nang maalog yang utak mo"

Namemersonal ang loko. Kainis. Don't judge the book by its cover. Kumbaga pangit man ako sa inyo paningin hindi kayo nagkakamali dyan. Jokenning. May kagandahan ako nakatago nga lang. Shy ako, e.

Hinipan ko ang bangs ko at inirapan siya. Ang lakas niya talaga mang asar. Pasabugin ko kaya bungo nito ng matahimik.

Tuloy parin ang asaran namin sa isa't isa. Nang biglang tumunog ang phone ni Yves.

"Yes Dad?....
"Okay I'm coming"- Yves

"Mandy di na kita masasamahan, urgent kasi"

"Ano ka ba. Ayos lang. Atsaka kaya ko naman"

"Okay sige. Basta ang bilin ko sayo wag puro chichirya, softdrinks at chocolates"

"Opo. Lakad na. Alis. Shoo!" pagtataboy ko sa kanya.

-------
Matapos ang ilang oras na paglilibot. Napagdesisyonan kong kumain muna sa food court. Di ko naman afford mga restaurant dito kaya dun tayo sa mura. Kuripot ako. Alam ko. Proud ako dun. Parehas lang naman na pagkain yun at nakakabusog. Ang kaso yung isa mahal tapos yung isa di ka niya mahal este mura.

Bumili ako ng siopao at pineapple juice. Nang makahanap ng upuan. Umupo ako at nagsimulang kumain.

Habang kumakain pinagmamasdan ko ang mga pamilya na dumadaan. Ang saya nila. Yung tipong kompleto sila tapos sabay namamasyal. Sabay kumakain. Mga bagay na never ko naranasan. Mahirap kasi ang buhay.

After kumain, umalis na ako. Baka matakam ako sa mga pagkain at maubos pera ko tsaka naiinggit ako sa mga mag jowa na dumadaan. Baka mabato ko sila nitong sauce ng siopao, e. Ang sakit nila sa mata. Mga salot sa lipunan. lol

Papalabas na ako ng mall bitbit ang dalawang malalaking plastic bags nang may tumawag sa pangalan ko. Ka-boses pa ni Sir Sandro.

"Ysabelle"

Tuloy tuloy parin ako sa paglalakad. Di ako lumingon kasi di ako feeler.

Kaya yung ibang feeler dyan, kung feel mo na mahal ka niya you're not feeling well.

Madaming Ysabelle sa mundo at baka kaboses lang ni Sir. Resulta ata to ng pagdadasal ko kanina. Kung ano ano na naririnig ko. Malay mo hindi pala ako yung tinatawag edi umasa ako.

Masakit pa naman umasa.

Napahinto ako ng may biglang humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakitang si Sir Sandro nga talaga.

Sinusundan niya ba ako? Owemji. Sir ha. Di ko alam stalker kita HAHAHAHA.

"Hi Sir Sandro, kayo po pala" bati ko sa kanya.

"Hey. What are you doing here?"

"Nangdedekwat ng mga paninda"

"Huh?"

Engot ka din sir e. Malamang nag grocery ako. Hindi ba obvious? May dala akong plastic bags oh. Mahirap lang ako pero hindi ako magnanakaw. Juicecolored. Buti nalang gwapo ka.

"Bumili ng groceries sir. Kayo po?"

"I'm with my family"

"Ah. Ganun po ba. Sige po. Enjoy kayo" pagpapaalam ko sa kanya.

Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako ulit. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Can you come with me first?" nag aalangan niyang sabi sa'kin.

"Ha? Baki--" hindi na ako nakapag-salita ng kunin niya sa isang kamay ko ang plastic bag at hinila ako.

Habang naglalakad, tiningnan ko ang mga kamay naming dalawa. Hindi lang simpleng holding hands. Naka intertwined yung kamay namin. Kalma Mandy. Kalmahan mo lang.

Para kaming bagong kasal na magkasama nag grocery kasi hawak niya sa isang kamay ang plastic bag tapos sa isang kamay naman hawak niya ang kamay ko.

Osige. Ilang krimstick ba nakain ko ngayon para imagination ko ang limit.

Pumasok kami sa isang restaurant. Nakita ko sina Vincent at Simon kasama ang parents nila. Grabe ang gaganda ng lahi nila. Gusto ko rin ng ganyan. Mwhehehe.

Nahagip ng mata ko ang isa ding magandang babae. Parang model. Ang sexy. Ang ganda din ng damit. Yayamanin din. Wow.

Sino kaya siya?

Nang makita kami biglang lumapit ang magandang babae. Niyakap at hinalikan sa cheeks si Sir Sandro.

My golly -,- girlfriend niya ata.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Sir Sandro sa kamay ko. Tiningnan ko siya at mukhang hindi maganda ang mood niya.

Ano bang meron?

Lumipat ang mata ng babae sa kamay naming dalawa. Bibitaw na sana ako pero mas lalo lang hinigpitan ni Sir Sandro ang pagkakahawak niya. Halos mabali na ang daliri ko sa higpit. Kumalma ka Sir. Hindi ako aalis.

"Who is she?" taas kilay na tanong ng babae. Ay attitude si ate.

Hindi siya sinagot ni Sir Sandro at sa halip humarap siya sa mga parents niya.

"Mom, Dad. She's Ysabelle. My girlfriend"

Halos mabingi ako sa sinabi ni Sir Sandro. Ano daw?

Girlfriend?

As in.. jowa?

Kabiyak?

Kapuso?

Kapamilya? lol

Kailangan ko ata mag linis ng tenga. Tama ba yung narinig ko?

Pilit kong ina-absorb ang sinabi niya.

My girlfriend..

My girlfriend..

My girlfriend...

OWEMJI.

WHAT'S HAPPENING IN THE WORLD?!

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now