CHAPTER 30

2.1K 108 84
                                    

[MANDY'S POV]

"Tita dito po muna si Alexis may pupuntahan lang po ako" saad ko kay tita.

"Osige hija. Mag-iingat ka" habilin sa akin ni Tita Candy.

"Baby.. aalis muna si Mommy ha" paalam ko kay Alexis.

Tumango naman ito sa akin. Hinalikan ko siya sa pisnge bago tuluyang lumabas sa bahay.

Habang nakasakay sa taxi hindi ko maiwasang kabahan. Malapit na akong makarating sa company. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at huminga ng malalim. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na din ako. Bumaba at nagbayad kay kuya.

"Good morning, Kuya Guard" malumanay at nakangiting bati ko.

"Good morning--" natigilan si kuya guard ng makita ako at nakatitig lamang siya sa akin. Pinaliit niya ang mga mata niya at tila may inaalala.

"Ma'am Mandy?" gulat na saad niya. Nakangiting tumango tango naman ako sa kanya.

"Hala ma'am. Hindi ko kaya nakilala agad. Ang tagal niyo din po kasi nawala. Ang laki ng pinagbago niyo, gumanda po kayo"

Napasimangot naman ako sa narinig "Ah so hindi po talaga ako maganda noon?" tanong ko kay kuya guard.

Napakamot naman ito sa ulo niya at pilit na ngumiti.

"Na glow up po kayo ma'am. Hehe. Tsaka bumagay po sa inyo yung short hair"

"Kayo talaga. Anyway pumasok na po ba si Sir Sandro?"

Hindi ko mapigilan mapangiti sa isip ko. Nakakamiss din tawaging 'sir' si Sandro.

"Mukhang hindi pa po"

"Ah sige kuya guard. Aantayin ko nalang siya sa loob" saad ko bago pumasok sa building.

Habang papunta ako sa office niya hindi ko maiwasang kabahan. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nagkita kami?

Pinihit ko ang doorknob ng office niya at napagtantong nakabukas lang ito. Dahan dahan akong pumasok.

Bumungad sa akin ang tulog na si Sandro. Nakahiga ito sa sofa habang natatakpan ang mukha nito ng isang libro. Mukhang hindi siya umuwi sa bahay nila kaya pala hindi nakita ni kuya guard pumasok kasi hindi naman ito lumabas ng building.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Maliliit na hakbang lang ang ginagawa ko para hindi ako makagawa ng ingay at baka magising siya. Nang makalapit ako, maingat na inabot ko ang libro na nakatakip sa mukha niya at inangat ito ngunit laking gulat ko nang pag angat ko, nagising siya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako mapakali. Nalulunod ako sa titig niya.

Teka lang. Nakakalimutan ko na paano huminga.

"S-sorry San-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng hinila niya ako at napahiga ako sa ibabaw niya. Parang akong mannequin dahil hindi ako makagalaw habang siya ay nakayakap lang ng mahigpit sa akin.

"Ysa..."

Nanlaki ang mata ko ng bumulong siya sa tenga ko. Ramdam ko din ang init ng hininga niya sa leeg ko. Juicecolored. Sobrang lapit ng mga mukha namin isang maling lingon ko lang talagang maglalapat na ang mga labi namin.

Help.

"Hmm. S-sandro aalis na a-ako" sinubukan kong tumayo pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now