CHAPTER 20

1.7K 94 54
                                    

"Sandro.." tawag ko sa kanya.

Hindi pa'rin siya nagsasalita hanggang makarating kami sa kwarto niya. Niluwagan niya ang suot na neck tie at in-unbotton ang suot na long sleeve. Tumalikod ako kanya. Nubayan. May pa live show ha.

Nang maramdaman na tapos na siyang magbihis, dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakaupo na siya ngayon sa kama niya at nag la-laptop.

"Sandro ano kasi.." mahinang saad ko. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama.

Bakit parang ako pa yung kinakabahan? Siya naman ang may atraso sa akin.

"Are you done flirting with my brother?" mariin na tanong niya. Tumigil siya sa ginagawa at seryosong tiningnan ako.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Una si Vinny, tapos ngayon si Simon naman? May Kaiden at Yves pa. Sinong susunod ha?"

"Hindi kita maintindihan Sands, bakit ganyan ka magsalita?"

"You think I didn't know? That you're just using me for money? Kaya pala lagi kang nagpapa-advance payment. Kung hindi pa sinabi ni Beatrix sa'kin hindi ko pa malalaman."

Nanghina ako nang marinig ang mga sinabi niya. Ano to? Another episode of him believing Beatrix's lies. Wow.

"At naniwala ka naman sa kanya?"

"Why?! Sino naman ang paniniwalaan ko? You? I don't even know you that much. I would prefer to believe her than you!" singhal niya.

Galit na galit siya sa'kin.

"I don't want to believe it at first kasi ikaw ang girlfriend ko. Pero look what I've seen. Ang aga aga nilalandi mo ang kapatid ko! Sa sariling bahay pa namin! Tell me.." unti unti siya lumapit sa akin. "Magkano ang nakuha mo galing sa kapatid ko? Mas magaling ba siya ha?!" sigaw niya sa'kin. Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko.

"S-sandro n-nasasaktan ako.."  pilit kong inaalis ang kamay niya pero masyado mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Tell me.. sino mas magaling? Me? Yves? Kaiden? Or one of my brothers?" mahina pero madiin niyang tanong. "Is that what your foster parents taught you?! Kaya ka siguro iniwan ng real parents mo kasi ganyan ka!"

"You're a slut. You disgust me"

Tila may sariling utak ang kamay ko at dumapo ito sa pisngi niya. Nagulat naman siya sa pagsampal ko pero hindi ko na talaga kaya. Diretsong tiningnan ko siya. Nanginginig ako sa galit. Umiiyak.

"Anong sinabi mo? Alam kong mukha akong pera Sandro pero never kitang pinerahan. Advance payment? Pasensya ka na ha! Hindi kasi ako mayaman katulad niyo. Nangungupahan lang ako at yung kinikita ko kulang pa nga para sa pang araw-araw ko. Nilalandi ko ang mga kapatid mo? Sila lang naman ang tumulong sa akin nung mga panahon na mas pinaniwalaan mo yung sinungaling mong ex girlfriend!

Pinunasan ko ang luha ngunit patuloy pa'rin ito sa pag agos. Akala ko naubos na kagabi pero mukhang unlimited to. Bwiset.

"Hindi mo alam diba? Kasi nga ang sabi mo HINDI. MO. AKO. KILALA. Baka nga hindi ka maniwala sa sinasabi ko ngayon, e. Nung unang beses na si Beatrix ang pinili mong paniwalaan pinalampas ko yun. Pero ngayon sobrang sakit na. Buong pagkatao ko nilait mo! Matitiis ko pa sana kung ako lang pero pati mga magulang ko na matagal nang patay dinamay mo!

Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya.

"I'm s-sorry"

"Mahirap ako. Oo. Pero hindi ako aabot sa point na magpapaka pokpok para magkapera. Dapat nga ako yung magalit sayo ngayon kasi hindi mo ako sinipot sa date natin. Birthday ko, Sandro! Pero mas pinili mong sumama sa kanya. Pero nakarinig ka ba sa akin kahit isang salita?! Wala diba?! Hindi ako nagreklamo! Hindi kita sinumbatan! Kasi mas pinili kong unawain ka kahit ako mismo hindi na maintindihan ang nangyayari!

"Alam mo..wala na talagang patutunguhan to" pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumingin ng diretso sa kanya.

"Let's break up" saad ko.

Nagulat siya sa sinabi ko.

"N-no..Ysabelle I didn't mean to say that. Nadala lang ako ng galit"

Sinusubukan niyang hawakan ang kamay ko pero lumayo ako sa kanya. Parang natauhan ata sa mga pinagsasasabi niya.

"No Sands, kahit anong pilit natin hindi talaga tayo pwede. Magkaiba ang mundong ginagalawan natin. Mas mabuting itigil nalang natin to."

"N-no.. love please. I'm sorry. Nadala lang talaga ako ng galit. Hmm. I'm just jealous"

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"I love you. P-please don't leave me. I'm sorry.. sorry.." niyakap niya ako ng mahigpit habang binibigyan ako ng mumunting halik sa ulo. Mga bagay na mamimiss ko.

"I promise. I will not hurt you anymore.. I will believe in you." bulong niya.

"Ayoko na, Sandro." pagmamatigas ko habang tinutulak siya palayo.

"You can't do this to me" umiling-iling siya.

"Mas okay nang ganito. Masyadong mabilis ang lahat. Baka nga tama yung sinabi mo. Hindi pa natin kilala ang isa't isa."

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "My love for you was real, Sands. Masyado nga siguro nating minadali ang lahat. Now tatanungin kita. Minahal mo ba talaga ako?

Hindi tumakas sa paningin ko ang luhang pumatak sa mata niya. He's crying.

"Of course. I love you. I love you so much, Ysabelle"

"Then bakit sobrang dali lang lang para sayo na saktan ako?! Magbitaw ng mga masasakit na salita na parang hindi mo ako girlfriend"

"Please stop it.. Ysabelle. Don't leave me.. I-its my fault. Slap me if you want. Punch me. Saktan mo ko. Just please don't leave me." pagmamakaawa niya.

Hindi ko siya maintindihan kanina lang sinusumbatan ako na parang ako na ang pinaka-makasalanang tao sa mundo tapos ngayon nagmamakaawa siyang huwag kong iwan.

Kinagat ko ang labi at huminga ng malalim.

"Ang sakit mong mahalin, Sandro"

Saad ko bago pihitin ang doorknob at lumabas sa kwarto niya.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now