CHAPTER 8

1.6K 72 11
                                    

Tulalang nakatingin ako kay Sir Sandro. Binigyan naman niya ako ng "sumabay ka nalang" look.

Gulat naman ang mga magulang niya sa narinig. Syempre ganito ba naman ka-exotic ang mukha ng girlfriend na pinakilala hindi ba sila magugulat.

Hindi ata sila makapaniwala na ako yung girlfriend. Ako din, e. Unbelievable.

"Hello, iha. How are you?" Lumapit sa'kin ang mommy ni sir.

Ang ganda niya. Sa kanya pala nagmana si sir. Parang siya yung girl version ni Sir Sandro.

"H-hello p-po Ma'am Marcos" nauutal kong sagot sa kanya.

Shutabells.

Nanginginig ako sa kaba. Niyakap niya ako na siyang ikinabigla ko. "Kamusta ka na? Ang laki laki mo na"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Mom, she's not Ysa" sagot ni Sir Sandro sa kanya.

"Oh. I'm so sorry. I thought you're someone we know"

Ayan na naman si Ysa. Dumagdag na naman sa palaisipan ko. Hays. Ang hirap talaga pag maganda. Madaming inaalala.

"Yeah right, tita. Ysa is dead" sabat naman nung attitude na babae.

"Beatrix" mahinahong suway ni Sir Sandro sa kanya.

Kitang kita ko ang pagpipigil ni Sir Sandro. Konti nalang at mukhang sasabog na siya. Eto naman kasi si ateng maganda pero ma-attitude sabat ng sabat. Yan tuloy nagagalit si sir. Pag yang kamao niya lumapat sa mukha mo, mapapaaga pagkikita niyo ni satanas.

Sino ba kasi yang si Ysa at napagkakamalan na ako. Kalahi ko ba siya? Rare din ata beauty niya.

"Anyway, don't call me Ma'am Marcos. Call me Tita. Tita Liza. Okay?"

Tumango tango naman ako sa kanya.

"And call me Tito Bong or Pops, if you want"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang daddy ni Sir Sandro. Para sa isang daddy super haAaWwttt niya. Ang dami sigurong chix ang nabighani nung kabataan niya pa. May pinagmanahan talaga silang magkakapatid.

Mahinang tumango din ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot kasi alam ko namang hindi ito totoo lahat. Pero masaya kasi tanggap ako ng pamilya niya kahit ganito lang ako.

"Guys? Let's eat" napalingon kaming lahat kay Vincent.

Eto talaga si Vincent kain is life kagaya ko e. Magkakasundo talaga kaming dalawa.

-------
I've never been so embarrassed in my whole pakenning existence. Char. English yun. Alam kong makapal ang mukha ko pero hindi ako makapagsalita sa buong oras na kumakain kami. Tila naging bulag, pipi at bingi ako. lol

Ano ba 'tong pinasok ko?

Wala akong maalala na nag apply ako bilang girlfriend ni Sir Sandro. Ang bilis ng pangyayari.

Kasalukuyan akong nasa CR. Bumuntong hininga ako. Finally nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi halos di ako makahinga. Hindi ko rin malasahan yung pagkain kahit gaano sila kasarap tingnan. Hays.

Naghilamos ako at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Ang haggard.

Biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle at iniluwa yung babaeng ma-attitude.

Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay. Nag retouch din siya. Aalis na sana ako nang bigla siya magsalita.

"Ysabelle right?" taas kilay na sabi niya.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now