CHAPTER 28

1.6K 91 33
                                    

"Here"

Inabot niya sa'kin ang nakabukas ng coke. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon.

"Salamat"

Tipid siyang ngumiti habang binubuksan ang sariling inumin. Tumingala ako sa langit at dahan dahang inangat ang kamay ko na tila inaabot ang buwan at mga bituin.

Napapikit ako nang dumampi sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin.

"Beautiful" narinig kong sambit ng katabi ko.

"Sobra" sagot ko habang nakatingala parin.

Nandito kami ngayon sa isang mataas na lugar kung saan kitang kita ko ang buong syudad. Nakaupo lang kaming dalawa sa damuhan habang pinagmamasdan ang tanawin.

"Bakit ka pala nakipagkita?"

"How are you?"

Medyo nagulat pa ako sa tanong niya. Simpleng tanong pero alam mong grabe yung epekto sa buhay mo. Kamusta nga ba ako? Pati ako napapatanong sa sarili ko kung anong kalagayan ko.

"Okay lang naman ako. Ikaw kamusta ka na?"

"I'm okay because you are okay"  sagot niya nang may ngiti sa labi.

Napailing nalang ako sa kakornihan niya. Eto ba natutunan niya sa loob ng tatlong taon? Juicecolored.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"Korni mo HAHA" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ngapala diba may sasabihin ka?"

"That kiddo.. is he your son?"

Napangiti ako nang maalala si Alexis.

"Well sabihin nalang natin na anak ko siya"

"So he's not related to you by blood?"

Umiling ako.

Anak si Alexis nang naging kaibigan ko mula sa States. Unfortunately, yung nanay ni Alexis had an accident at namatay ito habang nasa sinapupunan pa si Alexis. Buti nalang at naisalba pa yung bata. Wala siyang kahit isang pamilya at tinakbuhan din siya nung tatay ni Alexis so ayun, inadopt ko na lamang ang bata.

"I thought anak mo siya."  hindi makapaniwalang saad niya sa'kin.

"Akala mo lang yun, Si. HAHAHA"

Yes. Si Simon ang kasama ko. Curious din kasi ako ano yung sasabihin niya kanina.

"You didn't tell Sandro?"

"Para saan pa? Hindi naman na yun importante sa kanya. Wala na siyang pakialam sa buhay ko at ganun din ako sa buhay niya. Ngapala bakit ba napunta na naman tayo sa kuya mo ha?"

"Do you still hate him?"

Napabuntong hininga ako. Ang kulit din nitong si Simon tapos may pagka marites din. HAHAHA

"I don't hate him. I just accepted the fact na hindi talaga ako pwede sa mundo niya. Kaya sinusubukan ko talaga na iwasan ang mga bagay na maaaring makapagpalapit sa aming dalawa. Besides hindi naman kami magtatagal dito sa Pilipinas. Okay na yung wala siyang alam sa buhay ko." kalmadong sagot ko sa kanya.

"Then why are you saying this to me right now?"

"Ewan ko din HAHAHA bakit? Magsusumbong ka ba sa kuya mo?"

Umiling naman siya.

"Masaya na siya, Si. Hayaan nalang natin ang kuya mo."

Huminga siya ng malalim bago tumayo at pumunta sa sasakyan niya. Bumalik ito na dala dala ang isang envelope.

"Look at this. It might change your mind"

Binigay niya sa'kin ang envelope. Pagkabukas ko pa lamang unang nakita ko ay isang picture. Kinuha ko ang papel na nasa loob nito at binasa.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.

Meisha Ysabelle..

Amanda Ysabelle..

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi makapaniwala. Totoo ba to?

"You and Ysa are one. You are Meisha Ysabelle. mahinang saad ni Simon sa akin.

"Hindi.. hindi to totoo" nanginginig na sagot ko.

Imposible talaga. Imposibleng ako si Ysa.

"Hindi to totoo, Si. Haha. Wag mo nga akong jinojoke time." pabirong sagot ko sa kanya. Pero ang totoo hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nalilito na ako sa pagkatao ko.

"It's true, Ysabelle or should I say Ysa." ngumiti siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"We finally found you"

Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang marinig iyon. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya yung tipong namiss niya talaga ako ng sobra. Sobrang gulo na ng utak ko. Bakit wala akong maalala. Bakit hindi ko sila maalala. Walang bahid na ano mang memorya na nakilala ko sila.

Marahang tinulak ko siya para kumalas siya sa pagkakayakap.

"N-nagkamali lang siguro kayo, Si. Hindi ako si Ysa." pagtatanggi ko.

"Why can't you believe it? Nandyan na lahat yung evidence."

"Pero hindi ko kayo maalala" malungkot na saad ko.

Tiningnan ko siya para makita ang reaksyon niya. Mas lalo lamang akong nanlumo ng makita ang lungkot sa mata niya.

Unti unti ng tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Kinagat ko ang pang ibabang labi.

"3 years ago.. that night, when Sandro called you. He wanted to tell you about Ysa. Pero hindi na natuloy because you didn't give him a chance. Then after that umalis ka na. When he knew that I found Ysa sobrang saya niya. He's been looking for you all his life. Only to find out na lalayo ka pa'rin sa amin. You can't even remember us.."

"Yun nga yung hindi ko maintindihan. Bakit wala akong maalala? Sa totoo lang hindi ko na alam talaga. Hindi ko na kilala kung sino ba talaga ako. Gulong gulo na yung utak ko.. I'm sorry" saad ko habang patuloy parin sa pag iyak.

"Shh. Don't be sorry. It's not your fault, hmm? It's okay. We understand naman e."

Niyakap niya ulit ako habang hinahaplos ang likod ko. Iyak lamang ako ng iyak. Nakakafrustrate kasi. Nalulungkot ako para sa kanila. Naaawa ako sa sarili ko. Ang tagal nilang hinahanap si Ysa pero hindi ko sila maalala. At ako naman nabuhay ako na hindi alam ang katotohanan.

"Sorry, Si. Kahit pinakita mo sa'kin yan wala paring nabago. Hindi ako makaalala. I can't be the same old, Ysa. Hindi na ako yung Ysa na kilala niyo. Sorry."

"It's okay, we can't force you. Atleast alam namin na buhay ka. We can wait for you until you can remember."

Tipid akong ngumiti sa kanya. Ngumiti din naman siya sa'kin.

"I told you this kasi I'm hoping it might change your mind and hindi ka na umalis. But I guess... I failed"

"I'm sorry"

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now