CHAPTER 15

1.8K 80 12
                                    

Ngiting ngiti ako habang naghuhugas ng plato. Halos mapunit na labi ko habang inaalala yung sinabi ni Sir Sandro.

"Let's have a date"

Napatili na naman ako sa naalala ngunit napasigaw sa sakit nang may tumama sa likod ko. Tangna. Napakasakit.

"Hoy! Para kang tanga dyan"

Sinamaan ko ng tingin si Yves. Binato ba naman ako ng sandok.

Sa sobrang inis kinuha ko ang binato niya at pinukpok iyon sa ulo niya.

"Bwiset ka. Nakikikain ka na nga lang nananakit ka pa. Hmmp! Eto pa!"

Binato ko naman siya ngayon ng sponge na hawak ko. Para kaming tanga dalawa naghahabulan sa kusina. Kaasar talaga.

"Okay. Sorry na. Sorry" tawang tawang saad niya. Hindi pa'rin siya makalapit kasi alam niyang ipupukpok ko talaga tong sandok sa kanya.

Itinaas niya ang kamay bilang pagsuko. Habol habol ang hininga naming dalawa. Sinamaan ko ulit siya ng tingin bago bumalik sa lababo.

"Kanina mo pa sinasabunan yang plato" komento niya.

Hindi ko namalayan sa sobrang kilig ko kanina ko pa paulit ulit na hinuhugasan ito. Kahit malinis na sinasabunan ko ulit tapos huhugasan. Lutang yarn? (≧▽≦)

Epekto ng isang Sandro Marcos. Hehe.

Alam niyo yung feeling na nakalutang kayo sa ulap? Ako kasi hindi e. Charing. Grabe yung kilig ko kanina ng ayain niya ako. Pati plato, kutsara, tinidor kinausap ko. Mga bagay na walang buhay at walang alam nadamay. Haha.

Nakakaexcite lang kasi may nag-ayang makipagdate at isang Sandro Marcos pa. Ready na ako magpasabit sa windmill hehe. Syempre pumayag ako. Hello? Aarte pa ba, kahit simpleng friendly date lang yun talagang aarangkada ako. Haha.

Pumasok ako sa kwarto at nag ayos. Suot ko ay isang black tank top, high waist jeans at white sneakers. Naglagay na din ako ng light make up. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok at naglagay ng hair clip sa magkabilang side nito. Tiningnan ko ang itsura sa salamin. Umikot-ikot na parang prinsesa. Haha. Ganda ka ghourl?

Paglabas ko ng kwarto wala na si Yves. Talagang wala siyang ginawa kundi pagtripan at ubusin ang pagkain ko -,-

Nilingon ko ang cellphone dahil umilaw ito. Binasa ko ang text message at nakitang galing kay Sir Sandro iyon.

Halos madapa pa ako sa pagmamadali. Juicecolored. Nang makalabas ng bahay nakita ko siya na nakasandal sa kotse niya.

Namula naman ako nang magtama ang tingin naming dalawa at ngumiti siya sa'kin. Ang gwapo. Shet!

Nakasuot siya ng itim na long sleeves, nakatupi ito hanggang siko. Mas lalo nakadagdag sa kapogian niya ang sunglasses niya.

Talagang agaw pansin ang katulad niya. Bukod sa pananamit, mahahalata mo na may kaya siya sa buhay dahil sa magara niyang kotse na nakaparada sa lubak lubak naming daan. Haha.

Ayun ang mga marites kong kabit-bahay nagsilabasan. May bagong topic na naman sila -,-

Lumapit ako sa kaniya at binati siya. Nginitian niya ako at pinag-buksan ng pinto. Aw. Gentleman.

"Where do you want to go?" saad niya habang nagd'drive.

Nilingon ko siya at hindi ko mapigilan pagmasdan ang mukha. Hindi ako magsasawang titigan siya. Napaka perfect ng mukha niya. Halatang pinaglaanan ng oras ni Lord para likhain ito.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now