CHAPTER 17

1.6K 79 11
                                    

"Ang panget mo"

Tiningnan ko mula sa salamin si Yves. Nakasandal ito sa pinto ng kwarto ko at nakatingin sa'kin.

"Pumunta ka lang ba dito para laitin ako? Nakakasira ka ng mood. Alam mo yun?" inis na saad ko.

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay binato ako ng paper bag. Tumama ito sa ulo ko.

"Oh!"

Bwiset talaga. Napakasama ng ugali. Sinamaan ko siya ng tingin bago kunin ang paper bag.

"Ano to?!"

"Bomba. Gamitin mo para pasabugin yang bungo mo"

Tiningnan ko ang laman. Isang box. Binuksan ko at namangha sa nakita.

Wow. Bomba nga. Charing HAHAHAHAHA

Isang diamond necklace. Ang ganda. Kumikinang-kinang pa ito.

"Para kanino to?" Tanong ko.

"Siguro para sa'kin. Malamang para sayo yan. Tanga" sarkastikong sagot niya.

"Para saan to?"

"Try mo kainin yan. Update mo'ko kung masarap"

"Try ko din kayang sapakin mukha mo tapos update mo'ko kung masakit"

"Bigay ni mommy. Birthday gift daw"

Aww. Ang sweet naman ni Tita. Bakit kaya hindi to na-mana ni Yves? Napakasama kasi ng ugali. Duda talaga ako. Ampon siguro to HAHAHAHAHA

"Sure? Baka galing sayo to. Tapos pinalabas mo lang na galing kay tita. Ikaw ha. Crush mo talaga ako 'no?

Umacting pa siya na parang nasusuka -,-

"Eww. Over my precious dead body hindi kita papatulan. Ang pangit mo kaya"

Binato ko siya ng suklay. Sinamaan niya ako ng tingin dahil sapul talaga sa mukha niya. Haha. Deserve.

"Tangina mo Amanda" inis na saad niya habang hinihimas ang mukha.

"Ikaw? Wala kang birthday gift para sa'kin?"

"Neknek mo. Kota ka na sa birthday gift ni mommy. Ang mahal kaya niyan. Parang ikaw pa yung anak kesa sa'kin."

Natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi sobrang spoiled ko sa parents niya. Pinapatira nga ako sa bahay nila pero tinanggihan ko. Okay na sa'kin na binigyan nila ako ng trabaho sa coffee shop. Sila yung nagbibigay ng allowance sakin kaya nag volunteer ako na magtrabaho sa coffee shop nila.

Masasabi kong swerte ako na nakilala ko si Yves kahit mukha siyang kampon ng kadiliman. lol. Classmate ko siya simula high school at naging mag bestfriends kami. Siya tumulong sa'kin nung walang wala ako. Nang mamatay ang mga kumopkop sa'kin, family niya ang tumulong. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila.

"Kuripot ka lang talaga" pang aasar ko sa kanya.

"Oh!" binato na naman niya ako.

"Grabe ha! Kung makabato wagas! Hindi ba pwedeng ibigay mo ng maayos?!" singhal ko sa kanya.

Pinulot ko ang paper bag at binuksan iyon.

Isang necklace din. Heart shape ang pendant. Nabubuksan iyon. Binuksan ko at nakita ang picture naming dalawa. Napangisi ako sa nakita.

"Ikaw ha. Umamin ka nalang kasi. Kunwari wala kang gift meron pala. Effort yarn?"

"Gago ka ba? Wala akong ibang maisip e. Yan nalang. Kung ayaw mo edi akin na"

Tinangka niyang kunin ito pero agad ko itong inilayo sa kanya. Sayang pwede ko to isangla kapag nagkagipitan. Haha.

"Akin na 'to. Hehe. Salamat!"

Nagpatuloy ako sa pag-aayos. Magce-celebrate kami ngayon ni Sandro ng birthday ko. Kaya eto ako ngayon at ayos na ayos. Hindi pa'rin ako makapaniwala na kami na. Feeling ko panaginip lang lahat. Mas naging sweet at clingy siya sa'kin. Kahit sa trabaho. Sobrang maalaga din. Protective. Seloso pero cute. Hihi.

"Hatid na kita" nilingon ko si Yves na ngayon ay nakaupo na sa sofa habang ako naman ay sinusuot ang aking heels.

Tumango naman ako sa kanya kasi kakatext lang ni Sandro na hindi niya ako masusundo. Sa mall na lang daw kami magkita.

-------
7:00 pm.

"Pakisabi kay tita, thank you sa gift. At salamat din sa paghatid" saad ko kay Yves bago bumaba sa kotse.

"Ingat ka. Tawag ka lang kung may problema. Ciao!" sagot niya bago umalis.

Tiningnan ko ang cellphone kung may text ba si Sandro pero wala. Nagtext ako sa kanya na dumating na ako. Pumasok ako sa mall at umupo muna sa mga upuan doon. Palagi kong chinecheck ang cellphone ko kung may message ba galing sa kanya.

8:00 pm.

Wala parin siya. Ang huling message niya ay yung sinabi niya na hindi niya ako masusundo. Medyo nag-aalala na ako baka ano nang nangyari sa kanya.

9:30 pm.

Ilang beses na akong tumawag kay Sandro pero hindi niya ako sinasagot. Wala akong choice kaya tinawagan ko ang kapatid niya.

"Hello?"

"H-hello Simon. M-magkasama ba k-kayo ni Sandro ngayon?" nanginginig na boses ko kasi naiiyak na ako.

"No. Umalis siya kanina pa. I thought magcecelebrate kayo ng birthday mo together? Wala pa'rin ba siya?"

"Wala pa, e. B-baka na t-traffic siguro. Hehe."

"Did you call him?"

"Oo. Pero hindi siya sumasagot."

Kinagat ko ang dila para pigilan ang hikbi ko.

"I'll try to call him. Gusto mo puntahan kita dyan?"

"W-wag na Si. Hihintayin ko nalang siya dito. T-thank you."

Pinunasan ko ang luha sa pisnge at muling nilibot ang paningin. Nagawi ang paningin ko sa labas ng mall. May katapat na restaurant doon. Lumabas ang dalawang pamilyar na pigura. Kinusot kusot ko pa ang mata ko. Baka namamalik-mata lang ako. Naglakad ako palabas ng mall. Halos manlumo ako sa nakita. Nanlalambot ang tuhod na tiningnan ko silang dalawa. Masayang naglalakad. Nakahawak pa ang babae sa braso ng lalake. Mukhang katatapos lang nila kumain samantalang ako eto gutom na gutom kakahintay. Nagtago ako sa likod ng poste nang mapalingon sa gawi ko ang lalaki. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang pag-iyak ko.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Yves.

"Yves? Sunduin mo ako dito.. please"

Sinisinok na ako kakaiyak. Happy birthday to me. Ibang klaseng surprise yung nakita ko.

"Hello?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata at tiningnan ang screen. Juicecolored. Si Simon pala yung nasa recent calls ko.

"Ysabelle? Are you crying? What happened?"

"H-ha? H-hindi a-ah! Okay lang n-naman ako" pilit kong inaayos ang boses.

"S-sige Si, wrong n-number p-pala"

Agad kong binaba ang tawag. In-off ko ang cellphone at naglakad palayo.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now