CHAPTER 11

1.6K 76 16
                                    

Umaga nang magising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nilibot ko ang paningin at napagtantong wala ako sa aking kwarto.

Teka? Nasaan ako? Kaninong kwarto ito? Tiningnan ko ang suot kong damit at iba na ito. May nakita akong maliit na palanggana at bimpo sa lamesa. May mga bulak din na nakakalat at panlinis ng sugat.

Nang maalala ko ang nangyari kagabi. Nalungkot ako. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Sandro. Baka tanggalin na niya ako sa trabaho.

Bwiset na Beatrix kasi yun. Dati ba siyang artista sa past life niya? Ang galing kasi umarte e. O baka action star. Ang sakit pa nga ng katawan pati anit ko. Para akong ni-wrestling.

Ang sakit lang isipin na ako na nga yung nasaktan physically, mentally, emotionally, spiritually. Charing. Ako na yung naapi pero ako pa'rin yung may kasalanan. Ang mas malala hindi ako pinaniwalaan.

Nahagip ng mata ko ang isang picture frame. Dahan dahan akong tumayo at nilapitan iyon. Kinuha ko ito at tinitigan. Litrato ng apat na bata. Tatlong lalaki at nasa gitna naman yung batang babae.

Napagtanto kong sina Sir Sandro, Simon at Vincent ang nasa picture. So andito ako sa bahay ng pamilyang Marcos.

Sino kaya yung kasama nila? Ngiting ngiti silang tatlo habang yung batang babae parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Bakit hindi siya nakangiti? Bungi ba siya?

Naramdaman kong bumukas ang pintuan at may pumasok.

"Oh you're awake. I bought some food and medicine for you" bumungad sa'kin ang nakangiting si Vincent. Nilagay niya ang dala sa table.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang noo ko. "Let's see if your fever is gone"

Napa-aray naman ako ng may masagi siya sa noo ko.

"What? Where does it hurt?" nagpa-panic na siya. Hindi niya alam ang gagawin.

Mahina akong tumawa dahil sa reaksyon niya. "Kumalma ka nga sir"

"Don't call me sir. Vinny nalang" nakanguso niyang saad.

Ang cuteeee ( ╹▽╹ )

Hinawi niya ang bangs ko at nakitang may pasa ako sa may noo ko.

"You have so many bruises. Not just in your face but also in your body. What happened ba?" tanong niya habang ginagamot ang pasa ko.

Nanatili akong tahimik. Mas pinili kong hindi magsalita tungkol doon.

Tumigil siya sa ginagawa ng mapansing hindi ako nagsasalita. "Don't be afraid to tell me kung may naka-away ka. Gusto mo samahan pa kita. I'll cheer for you" pagbibiro niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang cute niya talaga. Sarap iuwi. (≧▽≦)

"Thank you pala kagabi"

"No worries. Buti nalang nakita kita baka kung ano pa nangyari sayo"

Nalipat naman ang tingin niya sa picture frame na hanggang ngayon ay hawak ko pa'rin.

"She's beautiful right? Kamukha mo siya" saad niya.

"Ha?"

"The girl in the picture"

Tiningnan ko naman ito ulit. "Alam ko parehas kaming beautiful. Pero bakit hindi siya nakangiti?  Bungi ba siya?"

Tumawa siya ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko? -,-

"What did you say? Haha."

"Sabi ko baka bungi siya. Ako kasi kapag bungi ako hindi ako nangiti kapag may picture"

Humagalpak na naman siya kakatawa. Engot din to si Vinny. Ayaw pa sagutin yung tanong ko inuna pa tumawa. Buti nalang cute siya.

"Hindi naman. She rarely smile. But when she smiles you'll be captivated by it. Para kang mahi-hypnotize. She has the most beautiful smile" sinasabi niya iyon ng may kislap sa mga mata habang pinagmamasdan ang picture.

Halatang special sa kanila itong babae.

"Siya ba si Meisha Ysabelle?" tanong ko.

Tumango naman siya.

Oh. Si Ysa nga. Tama pala yung sinabi ni Sir Sandro. May pagka seryoso si Ysa. Literal na walang emosyon. Pft.

Ang swerte niya kasi may tatlong lalaki na nagmamahal sa kaniya. Bonus na mga gwapo pa.

ISANG MALAKING SANA ALL!

"V-vinny nandito ba Kuya Sandro mo?"

"Hmm? I don't know. I think hindi siya umuwi kagabi"

Tumango naman ako sa kanya. Buti naman. Ayoko pa siya makaharap. Siguro magkasama sila nung demonyitang Beatrix.

"Why? Why are you looking for me?"

Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Nakasandal si Sir Sandro sa pinto at naka cross arms. Seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa.

Kakasabi ko pa lang na ayaw ko siya makita.

Huhu.

Help.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now