CHAPTER 13

1.6K 88 11
                                    

Bitbit ang dalawang malalaking boxes. Ingat na ingat akong naglakad patungo sa likod ng stage. Medyo may kabigatan at may kalakihan din kaya mahirap buhatin. Pero dahil pabida ako nag offer na akong tumulong sa kanila.

May event kasi ngayon at guest speaker si Sir Sandro. Nauna na siya sa'kin kasi kinidnap agad siya ng mga staffs. Kaya eto ako ngayon mag isa at naging instant kargador. lol

Di ko na makita yung dinadaan ko dahil sa dala ko. Natatabunan na kasi. Kaya todo ingat ako. Hindi ko alam ang laman ng box. Baka bomba, kapag nahulog ko ito edi sasabog kaming lahat dito. Hehe joke.

Saktong pagliko ko sa isang hallway may nakasalubong ako. Nagkabanggaan kaming dalawa kaya muntikan ng mahulog yung mga boxes. Buti nalang at mabilis ang reflexes niya kaya napigilan niya itong mahulog.

"Oppssiee sorry" aniya.

"Sorry din" sagot ko kahit hindi ko nakikita kung sino iyon.

Hindi ko kita ang mukha niya ganun din siya sa'kin dahil nahaharangan ito ng dala ko.

"Tulungan na kita" narinig ko ulit siyang nagsalita.

Kinuha niya ang isang box at dun ko nakita ang mukha niya.

Ang gwapo. Chinito. Maputi. Mukhang rockstar kasi may dalang gitara sa likod. Tapos yung pormahan din mas lalong nakadagdag sa kapogian niya. Kahit ang suot niya lang ay isang plain black shirt at black pants. May suot din siya chain necklace at hikaw na cross ang design.

Ngumiti siya sa'kin at lumabas yung dimple niya. Ang gwapo talaga pwede na siyang pang model ng toothpaste sa puti ng ngipin niya.

"Uh.. salamat"

"Saan to dadalhin?"

"Sa likod ng stage"

Nauna siyang maglakad sa akin. Nakasunod lang ako sa kanya. Nang makarating kami ibinaba na namin ang box doon.

"Salamat ulit" saad ko sa kanya ng nakangiti.

"Parang nakita na kita" sabi niya habang nilalagay ang kamay sa chin niya na parang may inaalala.

Luh.

Hinipan ko ang bangs ko at napangiwi. Nang makita niya naman ang reaksyon ko parang may pumasok sa utak niya.

"Aha! Ikaw si Mandy diba? The 'Rise and Shine people in the Philippines beautiful Mandy is here'!"

Ginaya niya pa ang tono ng pananalita ko. Agad naman kumunot ang noo ko. Bakit niya alam yun? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pinaliit ko pa ang mga mata ko. Pilit inaalala kong sino siya.

"Kaiden?" saad ko sa kanya.

Tumango tango naman siya at malapad na ngumiti sa akin.

"Hala! Kai! Ikaw nga!" excited na saad ko nang maalala ko siya

"Oo Mandy! Ako nga!"

Para kaming tangang dalawa. Nagsisigawan at nagtatalon sa tuwa.

Kaiden Sy. Anak ng isang Chinese business tycoon. Classmate ko siya nung college. Nasa iisang club lang kami noon which is ang music club. Magkasama kaming tumutugtog sa mga school events at minsan ini-invite din kami sa mga ganitong kasiyahan.

"Oy grabe. Nagba-banda ka parin hanggang ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Yup! Pinush ko talaga kahit ayaw ni Dad. Alam mo na kapag gusto maraming paraan" pilyong ngisi niya.

Pinalo ko naman siya sa braso habang tumatawa. Pilyo talaga. Naalala ko nga ang dami niyang naging girlfriend sa school. Iba-ibang babae yung dinadala kapag may gig kami. Famous din kasi siya sa school. Gwapo e. Literal na maraming babae ang nakapalibot. Amp.

"Anyway anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa'kin.

"Secret. Bakit ko sasabihin sayo close ba tayo?" pagbibiro ko sa kanya.

"Haha. Ang kulit mo pa'rin Amanda" mahinang pinitik niya ang noo ko at ngumuso.

Masaya kaming nag uusap tungkol sa mga buhay namin nang may marinig akong tumikhim sa likod ko.

"Ehem!"

Nakita ko si Sir Sandro na ang talim ng mga tingin kay Kaiden.

[SANDRO'S POV]

Where the heck did that woman go?

Umalis lang ako saglit, nawala na siya sa paningin ko. I was too occupied in listening to the staffs that's why I didn't notice that she's not on my side anymore.

Oh god.

"Hey miss, have you seen a girl? She's petite, has a cute face. She's wearing a loose white shirt and pants"

She immediately shook her head saying that she didn't saw Ysabelle.

Damn. Nasaan na ba yun? Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Baka may nangyari na sa kanya.

I went back to the car assuming that she's there waiting for me. Baka bored na yun. Pero wala siya doon.

I run my fingers through my hair and breath heavily. I'm losing my patience. Bumalik ako sa venue at nagtanong ulit. May nakapagsabi na nakita niya si Ysabelle sa backstage.

I immediately walk towards the backstage. I scanned the area and there I saw her with some guy. She's fucking smiling and laughing with him.

What the hell?!



~~~~~~~
AUTHOR'S NOTE!

RISE AND SHINE PEOPLE OF THE PHILIPPINES! BEAUTIFUL AUTHOR IS HERE! HAHA!

THANK YOU FOR READING MY STORY! TO MY SILENT READERS AND SA MGA NAG CO-COMMENTS THANK YOU SO MUCH! I APPRECIATE YOU AND I LOVE YOU ALL.

SANA BASAHIN NIYO HANGGANG DULO ANG KABALIWAN NI AMANDA YSABELLE!

ENJOY READING!

P.S. In-unpublish ko 'to kasi nakalimutan ko ilagay yung author's note. Sensya na. Ulyanin na kasi. Haha!

P.P.S. BBM-SARA FOR 2022!

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now