CHAPTER 26

1.7K 87 30
                                    

[MANDY'S POV]

"Is he mine?" pag uulit niyang tanong sa akin.

Nakagat ko ang pang ibabang labi at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"He's my child. That's all that matters"

"Just tell me the truth Ysabelle para matapos na 'to" inis na tugon niya sa'kin.

"Ano bang klaseng katotohanan ang gusto mong marinig?!"

Mahigpit na hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" nagpupumiglas ako pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

"Gusto kong malaman. Ngayon na!"

"Wala kang dapat malaman"

Marahas na tinulak ko siya dahilan para mapaatras siya at mabitawan ako.

"Just answer my question Ysabelle. I have the right to know. And it looks like that child's age is around 3 years old. We both know that we had a relationship 3 years ago. It's not impossible" malamig na saad niya.

Napasinghap ako at kumurap ng ilang beses bago siya sagutin.

"Hindi porket may nangyari sa'tin o kung may relasyon man tayo noon hindi parin yun dahilan para angkinin mo siya. Kasi wala kang karapatan sa kanya"

Huminga ako ng malalim at sinubukan pigilan ang mga luha ko. Tiningnan ko siya at nakita kong nasaktan din siya sa sinabi ko.

Bumaba ang paningin niya sa mga kamay ko. "You don't have a ring. You're not married?"

Sinubukan niyang abutin ako pero agad akong lumayo sa kanya. "Tell me.. that Yves, is he the father?"

Hindi ako nagsalita.

"If he's the father, hindi ka ba niya inalok magpakasal?"

"Inalok.." mahinang sambit ko.

Kasinungalingan. Gusto kong sapakin ang sarili sa mga pinagsasabi ko ngayon.

"But you turned him down? I can't believe this. Mahirap magpalaki ng bata lalo na kapag mag isa ka"

"Hindi naman ako nag-iisa. Besides kaya ko naman kahit wala siyang--"

"What the hell?! Are you saying that your son doesn't need a father? Pinagkakaitan mo siyang magkaroon ng kompletong pamilya. You're selfish!"

Walang pasabi na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

"Kung makapagsalita ka sa'kin parang alam mo ang nangyari sa loob ng tatlong taon. Wala ka paring pinagbago no?"

Mapait akong ngumiti sa kanya at tiningnan siya ng seryoso sa mata.

"Hindi mo parin ako kilala."

"Umalis ka na" malamig na sambit ko.

"Okay then" pilit siyang ngumiti sa'kin. "Congratulations"

Tumalikod siya at pumasok sa sasakyan. Nakatitig lang ako habang paalis siya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napaupo ako at tahimik na umiiyak.

"Sorry..  " bulong ko.

-------

10 AM.

Sabado ngayon at sinadya ko talaga na magpatanghali ng gising. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Alexis na naglalaro sa sala. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now