CHAPTER 9

1.6K 85 11
                                    

Nakasunod lang ako kay Sir Sandro kung saan siya pupunta. Akala ko talaga sa sementeryo kami. Sa tapat pala ng sementeryo.

May isang playground doon. Ang weird kasi bakit may playground sa tapat mismo ng sementeryo. Ano yan? Palaruan para sa mga batang namatay? Creepy. Huhu.

Lumapit kami sa isang malaking puno. Nakatuon ang mata niya sa nakasulat sa katawan ng malaking puno. Hinawakan niya iyon. Tila inaalala ang mga nangyari noon.

Tiningnan ko siya at sobrang lungkot ng mata niya. Dumako ang tingin ko sa nakasulat.

Alexander x Ysa = <3

Wow. Halos hindi na mabasa ang nakasulat doon. Sobrang tagal na din siguro.

"It's been 15 years since she left us" pagku-kuwento ni Sir Sandro.

Sino ba tinutukoy niya? Hindi ko alam kailangan ko pa pala manghula. May pa-game ka sir? Pinoy henyo ba 'to? Tao? Hayop? Bagay? Bagay tayo? Charing.

Si Dora ba tinutukoy niya? As expected. Adventurist kasi si Dora. Baka nawala niya yung map niya kaya di na nakauwi.

"Ysa's our childhood friend. Dyan kami laging naglalaro" tinuro niya ang swing.

"We used to play hide and seek. It's funny nga, e. Kasi she would always use the same spot to hide kaya it's not hard for me to find her" mahina siyang tumawa.

Ang lakas din ng trip niyang si Ysa. Wala ba siyang ibang mapagtaguan? O sadyang engot lang siya. Nagpaturo sana siya kay the map para makahanap ng matataguan lol

Nakikinig lang ako sa kanya. Habang nakaupo kami sa ilalim ng puno. Patuloy parin siya sa pagku-kuwento tungkol kay Ysa.

Si Ysa pala ay anak ng close friend ng daddy ni Sir Sandro. Kumbaga a family friend. Lagi itong pumupunta sa bahay nila sir kaya naging magkalaro sila. Sobrang close nilang apat. Sina Sandro, Simon, Vincent at Ysa. Itinuring din siyang anak, kasi walang anak na babae sina Tita at Tito. But a tragedy happened. Nasunog daw yung bahay nila Ysa. Namatay ang mga magulang ni Ysa. They found their dead bodies but yung kay Ysa hindi nila makita. Kaya hanggang ngayon umaasa sila na buhay pa ito.

"I remember nga whenever I tease her about her bangs. She would always say.."

"I'm not Dora/ Hindi ako si Dora"

Napalingon kami sa isa't isa nang magsabay kami sa pagsasalita.

"H-how did you know?" tanong niya sa'kin.

"Ha? H-hindi ko alam sir. Lumabas nalang bigla sa bibig ko"

Pati ako nagulat sa sinabi ko.

"A-ano hula ko lang din yun. Kasi diba nabanggit niyo din na short hair siya tapos may bangs. Kaya po siguro ganun hehehe"

"Uhh yeah maybe you're right"

"Ang galing ko manghula diba sir?" tinaas-baba ko pa ang kilay ko.

Natawa naman siya sa ikinilos ko. Ganyan dapat tumawa ka lang. Dapat masaya ka sa'kin. Ako lang makakapagpa-saya sayo. Charing! HAHAHAHA

"Ganyan dapat sir. Mas lalo kang guma-gwapo kapag nakangiti ka" nakangiting saad ko sa kanya.

Amuse na amuse siya sa'kin. Naku! Delikado ka na sir ha.

"You really have that smile na alam mo yun it seems you're telling me that everything's going to be alright"

"Ang sabi nga ng bestfriend ko sa'kin sir ang galing ko daw mag comfort ng tao. Kapag nakikita lang nila mukha ko natatawa na daw sila. Mukha ba akong clown?"

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now