CHAPTER 12

1.6K 78 14
                                    

Isang nakaka-binging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Nanatili akong nakatayo habang siya naman ay nasa pinto pa'rin. Nakatingin sa akin.

Hindi ako makagalaw. Feeling ko isang galaw ko lang sisigawan niya ako. Ang lakas na din ng kabog ng dibdib ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili pero hindi ko talaga magawa. Parang anytime sasabog na ang puso ko.

Kaming dalawa nalang ang nasa kwarto dahil umalis na si Vinny. Wrong timing. May tumawag kasi sa kanya kaya umalis T^T

Unti-unti siyang naglakad papunta sa gawi ko. Nanigas ako sa kinatatayuan. Baka sigawan na naman niya ako. Shemay. Pinagpapawisan at nanginginig na ako ng malala.

Juicecolored.

Napaatras naman ako kasi sobrang lapit na niya. Atras ako ng atras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil pader na ang nasa likod ko. Marahas na isinandal niya ako sa pader at ikinulong sa magkabilang braso niya.

Eto ba yung sinasabi nilang "He pinned me against the wall?"

Bakit kinikilig sila pag ginagawa ito? Dapat na ba akong kiligin? Ang sakit ng likod ko! Potek. Scam talaga. Sa libro na nababasa ko halos mangisay ako sa kilig. Iba pala pag nangyari sa totoong buhay. Masakit malala. Pramis.

Napangiwi ako. Sir baka nakalimutan mong ni-wrestling ako ng plastik mong ex girlfriend.

Hindi ko alam saan titingin. Sobrang lalim ng mga titig niya. Nakakalunod. Nahihirapan ako huminga. Eto ata ikakamatay ko.

Cause of death: Titig ni Sir Sandro XD

Hindi ko siya matingnan sa mata. Nakayuko lang ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang chin ko at dahan-dahang inangat ang mukha ko.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Look at me" bulong niya.

Tiningnan ko siya sa mata. Halos maduling ako sa sobrang lapit niya.

"Sorry" mahinang sabi niya ngunit sapat na para marinig ko.

Ramdam ko ang sincerity sa tono ng kaniyang pananalita. Sobrang lungkot din ng mata niya. Parang nagsisisi. Halata ding wala siyang tulog dahil sa eyebags ngunit  hindi ito nakaapekto sa kaniyang kagwapohan.

May panahon ka pang purihin siya. Halos nakalimutan mo na nga huminga -,- umayos ka Mandy.

Huminga ako ng malalim at matamis na ngumiti sa kanya.

"O-okay lang po Sir"

Oo. Marupok ako. Proud ako dun (ㆁωㆁ)

"I know you're not okay. I'm so sorry. Nadala lang ako ng galit kahapon. I shouldn't have said that. I shouldn't treat my girlfriend like that" pagpapaliwanag niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Girlfriend daw. Pft. Baka fake girlfriend.

"Fake girlfriend po sir" pagtatama ko.

Ngumisi siya at pinisil ang ilong ko.

"Silly. Come here. I want a hug from my FAKE girlfriend" diniinan niya talaga yung fake. Loko loko.

Binigyan ko naman siya ng isang napaka-higpit na yakap.

Mandy ang landi mo -,-

"I'm really sorry" bulong niya habang nakayakap sa'kin.

Sa ilang buwan ng pagiging personal assistant ko sa kanya. Talagang naging close na kami. Hindi siya mahirap pakisamahan. Kahit minsan di niya masakyan ang mga trip at kabaliwan ko. Hindi ko nga feel na boss ko siya. Para lang kaming magtropa. Lagi ba naman kami magkasama. Haha.

Kumalas siya sa pagkakayakap at matamang tiningnan ulit ang mukha ko. Parang sinusuri niya ang bawat sulok nito.

Nakaramdam siya ng awa siya nang makita ang mga sugat ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko at unti unting inilapit ang mukha niya.

Hala. Owemji.

Hahalikan niya ba ako? Siya ba ang magiging first kiss ko?

Natigilan ako sa naisip. Wait! Hindi pa ako nakakapag toothbrush! lol T^T

Napapikit ako at naghihintay sa susunod na mangyayari. Na-aamoy ko na din ang hininga niya sa sobrang lapit. Amoy fresh mint.

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Marahang hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ulit ng mahigpit.

Hindi ko alam bakit ganito siya. Bakit kung makaasta siya parang totoo talaga. Normal ba to? O talagang tama lang si Beatrix na nag i-ilusyon lang ako. Ayoko umasa. Baka ganito siya sa lahat. Sweet sa lahat.

Sir Sandro nahuhulog na ako sayo :(

Sasaluhin mo ba ako?

Kaya mo bang hawakan yung kamay ko?







O bibitaw ka lang din?




















Dahil hindi ito totoo...

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now