THIRD PERSON POV
NAGISING si Sapphire sa isang malambot na higaan at katahimikan na bumabalot sa paligid niya. Dahan-dahan niyang sinubukang tumayo sa pag kakahiga ngunit nabigo siya.Nanakit ang kanyang katawan kaya wala siyang nagawa kung hindi ang mahigang muli. Pinag-masdan niya ang paligid at napag tantong siya ay nasa kanyang sariling silid. Nilingon niya ang direksyon kung nasaan nanggagaling ang liwanag na araw at pilit inalala ang nangyari noong gabing iyon.
Napakunot noo niyang binalingan ng tingin ang pintuan ng silid ng maramdamang bumukas ito.
Isang babaeng manggagamot pala ang pumasok. "Mahal na Prinsesa!" gulat na sabi ng manggagamot. "Mabuti po at nag kamalay na kayo!" may galak na sabi nito.
'Seryoso? Uso ba dito ang malalim na salita?' tanong ni Sapphire sa kanyang sarili.
'Baka oo? Obvious naman diba?' sarkastikong sagot naman ng inner brain niya.
"Sige ho kamahalan, tatawagin ko lang po ang mahal na hari't reyna!" paalam na sabi ng manggagamot saka lumabas ng kanyang silid.
Lumipas lang ang ilang minuto at bumalik narin ang manggagamot kasa-kasama nito ang hari at reyna pati narin ang mga kapatid ni Sapphire at ang mga royalties.
"Sapphire! Anak, tunay nga't gising kana!" may galak na saad ng kanilang inang reyna ng makalapit ito.
Nakakunot noo lang siya habang pinag mamasdan ang mga ito. "Anong... Nangyari?" takang tanong niya sa mga ito.
Tumabi sa kanya ang kanilang amang hari at lumingon pa sa mga kasama nilang nasa silid.
"Sapphire anak? Ano ba talaga ang nangyari sa iyo at sino ang tumulong sa'yo na makauwi rito sa palasyo?" tanong ng kanyang ama.
"Oo nga, noong makabalik na kami sabi nila ay nauna ka pa raw dito sa palasyong nakabalik? Inakala pa namin noon ay may kumuha sa'yong iba pa," may pag aalalang tinig ng kanyang kuya Garzon.
"Tapos, nakasakay ka pa daw sa itim na dragon ng dyosang Áplistos," sabi naman ng kanyang ina.
Dahil sa sinabi ng mga ito ay doon nalang bumalik sa kanya ang mga nangyari. Simula noong nasa karuwahe sila ng kanyang kapatid hanggang sa masakyan niya ang itim na dragon.
"Ahhh... m-may t-tumulong n-nga s-sakin," pag-dadahilan niya saka kunyaring napaubo.
"Alam mo bang sobra aang aming pag aalala sa iyo? Lalo na't ilang araw karing naakatulog," malumanay na sabi ng kanyang ina habang hinihimas ang kanyang buhok.
"Sige na, tayo na't mag agahan diba't ngayon ang ranking battle?" patanong na sabi ng kanyang ama.
"Sige, mauna na ako," may pagka cold na paalam ng kanya kapatid na si Prince Lance.
'Kahit wag ka nang bumalik!' mataray na sabi ni Sapphire sa kanyang isipan.
Nang matapos si Sapphire sa pagaayos ay bumaba na siya para sa agahan.
Naka suot siya ng white tube na pinatungan ng purple long sleeve plaid shirt at purple skirt naka rubber shoes din siya na kulay white.

BINABASA MO ANG
The Reincarnation
FantastikSi Allisha ay isang simpleng dalaga lang na may maayos na pamumuhay ngunit dahil sa isang aksidente ay biglang mag babago ang kaniyang buhay at mapupunta sa katawan ng isang Prinsesa na si Sapphire Adion Maliofe-isang babaeng may weird na ugali at p...