IKA-DUHA

2.9K 65 5
                                    

CHAPTER 2

"GOODMORNING Kuya guard."

Maligalig kong bati sa security guard ng New Ways Condominium hotel, wala naman itong naging reaksiyon sa pagbati ko. Ni hindi manlang ako nito tiningnan, street face lang at ganoon parin ang itsura nito. emotionless. It was Monday today, and this is my first day of being a secretary of chairman of New Ways Condominium hotel.

Nagkibit balikat nalang ako at nakangiting binabati ang mga nakakasalubong kung mga empleyado na bumabati rin sa akin.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor sa HRM office dahil pupunta ako doon para sa orientation na gagawin sa akin.

Pagkarating ko doon, agad akong kumatok sa Main office Ng HRM at nakita ko doon si Mr. Silveriou at isa pang babae na hindi ko kilala. Magkasabay na tumingin ang dalawa sa akin.

" Magandang Umaga po sa inyo. " Pumasok ako ng suminyas sa akin ang babae na tumuloy ako. Nakangiti ito at maganda ang bukas ng mukha nito, halatang mabait at, maganda ang babae kahit may katandaan na ito.

" Have a sit my dear. " Nakangiti parin ito. Ngumiti rin ako ditong nag pasalamat. Wala Namang reaksiyon si Mr. Silveriou. Nakaupo lang doon at busy na sa cellphone nito.

Nakaupo ang babae sa nag iisang office desk doon habang magkatapat naman kami ni Mr. Silveriou ng kina-uupoan.

" So, you must be Miss Dnayah Austen, right? "
Sinagot ko siya by nodding my head. Mas lumaki ang ngiti nito sa labi.

" Im Meline Silveriou and this is my son Maven. Siguro naman kilala mo na itong anak ko? Well, siya ang papalitan mo ng trabaho "

Dahil sa sinabi. Gulat akong napabaling ang tingin kay Mr. Silveriou na nakatingin na rin sa akin. So, Mr. Silveriou is the secretary of the chairman? and this is his mother? then bakit ito mag reresign sa pagiging secretary ng chairman? what his reason?

" You are very beautiful Miss Austen. Mr. Chairman will surely like you. "

Pumalakpak pa ito na parang tuwang-tuwa talaga. Naging ngiwi ang ngiti ko. Anong sinasabi nitong like me? eh sa pagkakalamn ko ang tanda na noon. Baka nga panot at may sunkod na. Kinilabutan ako sa mismong naisip.

" Stop it ma, Let's go Miss Austen the chairman want to meet his new secretary. "
Tumayo ito at inayos ang nagusot na damit tsaka lumapit kay Mrs. Silveriou para humalik sa pisngi nito.

" Let's go. "

" Nice to meet you again Dnayah, Welcome to the New Ways Condominium hotels and good luck to your new job. " Pahabol nitong sabi sa akin. Tumango lang ako dito saka dali- daling sumunod kay Mr. Silveriou na ang bilis mag lakad. Ang taas kasi ng biyas, sa tangkad ba naman ng lalaking to.

Sumakay kami ng elevator at pinindot nito ang pinakataas na numero sa palapag nato. walang umimik sa amin ng paakyat na ang sinasakyang elevator. Pagkarating sa palapag na iyon ang unang bumungad sa amin ay ang isang reception area na wala namang tao, at sa gilid nito ay isang sliding glass door na malaki. It must be the chairman's office.

Naglakad si Mr. Silveriou palapit sa reception area at may kinuha doon na parang journal? Tumingin ito sa akin, kaya agad akong lumapit dito. Ibinigay nito sa akin ang hawak nito.

" That's the list of the chairman's do's and don't and also his daily routine. "

Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin dito. So, anong ibig sabihin niya ng daily routine? At para nitong nabasa kong ano ang nasa isip ko.

" Yes, your not just his secretary but also his personal assistant and you need to do what he wants you do to. Understand? "

Bubuka palang ang bibig ko ng tinaas niya ang kamay niya sa harapan ko.
" No more buts. If you want this job no more questions. "

His Woman 1: Adam JohnsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon