TRANTAY-UNO

1.5K 36 1
                                    

CHAPTER 31











KANINA PA Si Dnayah nakapangalumbaba mula  ng sunduin siya ni mommy Anna sa condo nila ng asawa. Ni hindi nga niya magalaw galaw ang hinandang fruit salad na ginawa pa talaga nito. Nahihiya nga siya at kanina pa siya nitong inaliw-aliw nang makitang matamlay siya. Pero talagang wala siya sa mood. Kanina pa siyang bad trip.

Sighing while staring at the bowl full of different kind of fruits. She's thinking how the hell Adam don't want her to come in his company. Kinakahiya ba siya nito? Dahil ba ang laki-laki na niya ganoon ba?

Wala sa sariling kumibot ang labi niya. Naiinis siya sa mga pinagiisip niya. Gusto niya tuloy tawagan ang kaibigan. Pero alam niyang busy ito ng mga ganitong oras. Nasa trabaho. Naingit tuloy siya na nakakapagtrabaho pa ito. Samantalang siya. Palaging nababagot, Hindi naman kasi siya pinapayagan ni Adam na mag trabaho. Dnayah sighed again.

“Ang lalim naman no‘n.” napabaling ang tingin ni Dnayah mommy Anna. Nakangiti ito sa kanya.

“Pasensiya na po kayo kung hindi ko kayo napapansin. May iniisip lang po.”

“Halata nga. Kanina kapa napapabuntong-hininga e.” Nahihiya siyang nag baba ng tingin sa mangkok at binalik muli ang tingin dito.

“Nag-away ba kayo ng anak ko hija?” Mahinahon nitong tanong. Nandoon ang ingat sa tuno nito.
Umiling siya. Pero maya-maya ay tumango rin. Napabuga ng malalim na hininga. Pinatong niya ang baba sa dalawang kamay.“Nagalit po ako Mi. Ramdam ko kasi na ayaw niya na sumama ako sa kanya. Ayaw niyang bumisita ako sa Companya. Para bang.......para bang, palagi niyang iniiwasan na magkasama kami sa l-labas.” Napalabi siya. Hindi naman talaga sila palaging nag-aaway na mag asawa. Pag umaandar lang ang pagkapraning nito at ka oa-han. Lalo na pag binubuksan niya ang topiko na sasama sa trabaho nito, at alisin ang mga bantay na parang mga bato dahil hindi man lamang ngumingiti sa kanya. Ni tingnan man lamang ang mukha niya di magawa. Para ba itong mga takot na takot iwan kung mahuhuling nakatingin sa mukha niya. Mga baliw.

Tiningnan niya ang reaksiyon nito. Ngumiti lang ito sa kanya at tumango tango.
“Baka naman hija nag-aalala lang sayo kaya ayaw kang sinasama.”

Nalukot ang mukha niya. Umiling dito. Na nagpatawa dito. Naaliw sa reaksiyon niya. “Hindi Mi e. Nararamdaman kong may tinatago sa akin si Adam.” 

“Paano mo naman nasabi anak?”

Sinabi niya lahat ng rason ng magaling niyang asawa.

“May tanong ako hija.” Umayos ito ng upo at biglang naging seryoso ang bukas ng mukha. Kinabahan tuloy siyang tumango siya dito.

“May napapansin kaba kay Adam?” napapansin? Marami! Nagtatanong niya itong tiningnan. “I mean. Mga kakaibang ugali. May napapansin kaba?” Napaayos din tuloy siya ng upo. Inalala ang mga nagdaang buwan, at araw na kasama ito.

Kumunot ang noo niya. “M-minsan.... hindi, I mean mula ng lumuwas kami pauwi dito. Bigla ay naging m-mahigpit ito sa akin. Lalo na pag umaalis ako ng bahay at lalabas lang para maglakad-lakad. Iyon kasi ang bilin ng doctor ko sa akin. Mag lakad-lakad sa umaga. Kahit pa nasa iisang building lang naman pero grabe kung magalit. Mula no‘n hindi pwedeng lumabas na walang bantay na kasama, lalo pag hindi ito ang kasama. Okay lang sana kung isa o dalawa lang. Pero Lima e! Kaya mas pinipili ko nalang na hindi lumabas kung hindi rin lang ito ang kasama ko.”

Grabe ang ilang at hiya niya pag tinitingnan siya ng mga tao na para baga siyang importanteng tao dahil sa mga bodyguard na laging nakasunod sa kanya. Kaya nga kahit nandito siya sa mansion ng parents nito ay nakasunod parin ang mga tao nito.

His Woman 1: Adam JohnsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon