BENTE-NWEBE

1.6K 30 4
                                    

CHAPTER 29

Belated happy birthday to my dearest Gaga Cecel. The thing was, nakalimutan ko talaga  na birthday pala niya kahapon haha. Hope that you were smiling reading this short message. Lab you sister♥️😘










FEAZED WAS Written on Dnayah‘s face when she saw the reaction on his husband and mother in-law.  Para itong mga nakakita ng dyamante sa mga gulat at mangha na kaukit sa mga mukha nila. Sa totoo lang ganoon rin ang naging reaction ni manang ng pumasok ito sa mini salon ng mommy.

Halos gusto niyang bumalik sa loob sa nakitang reaksiyon ng mga mukha nito. Hindi siya sanay ng ganoon, kahit  pa  palagi na niyang nakikita ang ganoong emosyon sa mga taong nakakaharap.

“Wow! You look magnificent Dnayah ija. Napakaganda mo. Mas lalo kang bumata.” binalingan nito si Adam na matiim lang na nakatitig sa kanya. “...Kaya naman pala ang isa diyan, parang baliw pag nalingat ka lang sa paningin nito.” Nagpaparinig nitong sabi, na kahit sinong makakarinig ay alam na kung sino ang pinaparinggan.

“Kaya nga Anna. Kayka gandang bata. Akalain mong nagdadalang tao sa lagay na iyan?” gatong pa ni manang Loide sa sinabi ng mommy Anna. 

Gustong takpan ni Dnayah ang mukha dahil alam niyang sa mga sandaling iyon ay namumula siya. Namumula sa hiya.

Parang walang narinig na patuya ang asawa na lumapit sa kanya habang walang humpay parin ang pagtitig nito sa kanya.

Agad na lumingkis ang malaki at maugat nitong mga braso sa kanya. Mainit na pinatakan nito ng halik ang ituktok ng ulo niya. Kaagad na naramdaman niya ang init ng katawan nito ng madikit ang balat niya sa braso sa bandang tiyan nito.

“Bakit nakahubad baro ka pa? Naka boxer short pa!” Mariin niya bulong dito.

“Wala kana sa tabi ko ng magising ako.” sagot nito na para bang iyon na ang sagot sa naging tanong niya dito. Kumunot ang noo ni Dnayah. “Ang himbing ng tulog mo kaya hindi na kita ginising.”

“Kahit na. Ginising mo sana ako. Ayaw kong magising na hindi ikaw ang unang bubungad sa akin.”

Napapikit nalang siya. Tumango dito. Hindi sila matatapos pag ipinilit nito ang gusto.

“Beautiful. My baby indeed.” Balik bulong nito sa ibabaw ng tainga niya. Nakikiliti si Dnayah sa init ng hininga nito na dumadampi sa balat niya do‘n.

Dnayah look at her body. She was a wearing  fitted white dress. Ang tabas nito ay hanggang sa ibabaw ng tuhod niya lamang. Kita rin ang dalawang braso niya dahil sa string lang ang sabutan nito do‘n. The color of the dress was well-fitted to her color. It gives more alluring to her beauty. No need to wear bra, because it has already a well belt-in. At dahil hindi pa talaga halata ang umbok ng tiyan niya. Kaya hindi talaga siya mapapagkamalan na buntis. Kitang kita ang hubog ng katawan niya.

Napatingin siya sa asawa ng pasimple nitong hinahaplos ang impis pa niyang tiyan. Nakababa ang tingin nito sa mukha niya. Kanina pa itong nakatitig. Na Hindi naman niya ikinakailang. Nasanay na siya na ganoon talaga ito. Palaging nakatitig ang malauwak nitong mata. At dahil ang tangkad nito, kaya mas lalo siyang lumiit pag tumatabi ito sa kanya.

Sinundan ni Dnayah ang mga mata nito ng bumaba sa paa niya. Gusto niya tuloy itago ang mga iyon. Tumaas ang sulok ng labi nito. Pahiwatig na naaaliw sa nakikita nito. Kahit ang kamay niya ay tiningnan nito.

Bumaba ulit ang bibig nito sa ibabaw ng tainga niya. Huminga siya do‘n na nag papakiliti sa kanya. Na atras ni Dnayah ng wala sa oras ang mukha dito. Ang pilyo talaga!

His Woman 1: Adam JohnsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon