CHAPTER 33
DAHAN-DAHANG Binuka ni Dnayah ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ang kulay de-creamang kisame. Pinikit niya muli ang dalawang mga mata ng hindi gaanong kaliwanag ang nakikita.
She felt dizzy. Mahinang-mahina rin ang pakiramdam niya. Para siyang binugbug na trinang-kaso na iwan. Kumunot ang noo niya ng makaamoy ng kakaibang amoy na nanuot sa ilong niya.
Nang ma-adjust ang paningin. Malaya niyang ipinalibut ang mga mata sa apat na sulok na kinalalagyan. Isang malaking kama na siyang kinahihigaan niya, at isang katamtamang laki ng center table at isang single sofa lang ang gamit na naroon. Mas lalong kumunot ang noo niya ng hindi familiar sa kanya ang lugar. Siya rin lang ang tao do‘n. Nasaan ang asawa niya? si mommy Anna? Si Annalese?! Bakit siya lang nag-iisa do‘n?!
Inalala niya kung bakit siya naroon. Sa pagkakaalala niya nakasak—Nag panic bigla ang loob niya ng maalala ang nangyari! Juice maryosep! Ang anak ko! Kaagad niyang kinapa ang sariling tiyan. Napabuga siya ng malalim na hininga ng maramdaman ligtas ang anak niya. Wala sa sariling napahikbi siya. Parang may sariling isip ang mga luha niya na patuloy na nag ambakan sa mata niya. Malabo ang mga mata niyang patuloy na sinusuyod ang paligid. Nasaan si Adam? Bakit wala ito sa tabi niya. Mas lalo siyang naiyak sa isiping wala ito sa tabi niya.
She's alone.
Alone.
Kinakapos na siya ng hininga dahil sa kakaiyak, ng biglang bumukas ang nagiisang nakasarang pintuan na naroon. Kaagad na dumapo ang mga mata niya do‘n. Pumasok do‘n ang hindi niya inaasahan na makikita. Umurong bigla ang mga luha niya. Pagtataka ang nakabakas sa mukha ni Dnayah ng mga sandaling iyon. Bumukas sara ang bibig niya.
A-anong?!—
“Feeling better?” tumaas ang sulok ng labi nito. Maamo ang bukas ng mukha. Kita mo talagang nag-aalala sa kalagayan niya.
“A–anong?—bakit ka nandito.” kinabahan siya bigla. Tumingin siya sa nakasarang pinto na nasa likuran nito.
“Ows? Don't you miss me? That hurt, Dnayah.”
Naglakad ito palapit sa kanya. Nanginig ang katawan niya. No! Sigaw ng isip niya. Pinilit niyang maupo kahit pa walang lakas ang katawan niya. Akma pa siya nitong tutulungan ng itinaas niya ang kamay dito. Matalim pa niya itong tiningnan. Ngumisi lamang ito. Hindi na aapektuhan sa pinapakita niya ditong kawalang gana.
“Bakit ka nandito? Nasaan ang asawa ko? Adam!?” Kahit nanghihina ang boses ay nagawa pa niyang isigaw ang pangalan ng asawa.
He chortled lowly. Namulsa ito at tinagilid pa ang ulo. Dahil sa ginawa kita niya ang pagkatangos ng ilong nito at adams apple nito. Hindi niya alam pero natatakot talaga siya sa presensiya nito.
“Wala dito ang asawa mo Dnayah. Ibinigay ka na niya sa akin.” tumawa na naman ito.
Parang lumaki yata ang ulo ni Dnayah sa narinig mula dito. Huminga siya ng malalim. Alam niyang ginagago lang siya nito. At kung magpapa-apekto siya sa mga lumalabas sa bibig nito. Siya lang ang talo. At iyon ang hindi niya papayagan.
“Buang naka Laycon! Hae manko nimu gidala!” Hindi niya pinansin ang pagkunot noo nito sa sinabi niya. Wala siyang pakialam kahit pa hindi nito naintindihan ang sinabi niya.
“What?”
“Buang ka!”
Nawala ang pagiging maamo nitong anyo. Bigla ay nawalan ito ng emosyon sa mukha. Humarap ito sa kanya ng maayos at matalim ang matang tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
His Woman 1: Adam Johnson
RomanceCONTENT WARNINGS: SPG | Mature content | Sit Back and Enjoy! *** Preface: A Heartless beast, that just one of those words they call him. Exclusive and a private freak, that is Adam Johnson a well-known HOT Multibillionaire in business world. H...