DESI-NWEBE

1.8K 44 0
                                    

CHAPTER 19







“ ATE NAYAH! ” NAPALINGON SI Dnayah sa boses na tumawag sa pangalan niya. Nakahanda na ang malaking ngiti sa bibig niya na hinanap  ang taong iyon.

Kumakaway ang bunsong kapatid at sa tabi nito ay ang may katandaang babae na naluluhang nakatingin sa kanya.  Bagamat naluluha, nakangiti naman ito ng masaya sa kanya.

“ Nay! Bunso! ” dali dali si Dnayah na lumapit sa dalawa. Sinalubong naman siya ng Ina at bunso. Mahigpit na yakap ang binigay sa kanyang Ina at ng kapatid niya ng magkadaop palad sila. Ganoon din ang ibinalik niya. Nasasabik at mainit na yakap.

Nang mga sandaling iyon, lahat ng araw, gabi, buwan, taon ng pagtitiis niya sa manila,  para lang sa kanila ay napunan. Sa higpit palang ng mga yakap nilang ginagawad sa kanya ng mga sandaling iyon ay sapat na. “ Nay, miss na miss ko po kayo... ” Dnayah lips tremorlessly while saying it. Mas lalong humigpit lang ang mga yakap nito sa kanya. Hindi nila napigilan ang maging emosyonal doon. Natatawa nalang sila ng mag hiwalay sa pagkakayakap ng mapansin nilang pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa mala-drama nilang eksena. Nag papahid siya ng luha sa mukha ng haplosin ng Ina niya ang mukha niya. Napatitig siya sa mukha nito. Mas tumanda itong lalo, hindi katulad  noong luhi niyang nakita ito. May tumutubo na ditong puting buhok. Medyo  umitim din ito, at bahagyang pumayat.

“ Ate, Haman imong mga gamit? ” ( Nasaan ang mga gamit mo? ) Napangiti siya sa bunso niyang kapatid ng marinig iyon. Itinuro niya ang sinasakyang pandagat kanina. “ Akong ipa labor  ate... ” ( Ipapa-labor ko ate. ) tumango siya dito.

Binalik niya ang tingin sa Ina niya. “ Nay, hing niwang lage ka ” ( Pumayat po kayo. ) nag aalala niyang tanong dito. Ngumiti lang ito sa kanya. “ Okay ra ko. Nayah nak, Hing gwapa kag samut, di ko katoo na bata ka nahu. Mura kag artista. ” ( Okay lang ako. Gumanda kang lalo, Hindi ako makapaniwala na anak kita. Para kang artista. ) Dnayah giggled. Napangiti ang Ina niya sa naging reaksiyon niya.

“ Si nanay gajud, bolera! ” she chortled.

“ Lantawa ang mga tawo sa palibut, sigeg tan-aw nimu. Gipang gwapahan nimu. ” ( Tumingin ka sa mga tao sa paligid.  Palaging napapatingin sayo. Nagagandahan sayo. ) Wala sa sariling pinalibut ni Dnayah ang paningin sa paligid niya. Walang pakundangan na namula ang tig-kabilang pisngi niya ng masaksikan na halos lahat ng tao sa pier ay nakatingin sa kanya. Matanda man, mapababae o mapalalaki, bata o kaidaran niya ay nag bubulungan habang nakatingin sa kanya ng may paghanga . Napatawa ang Ina niya sa nakitang reaksiyon niya.

“ Oh tana, nakarga nag imung mga gamit sa traysikel . ” ( Halikana, nandoon na sa tricycle ang mga gamit mo. ) Inakay siya ng Ina niya papunta sa nag pipila na mga traysikel sa may unahan. Lumapit sila sa lumang traysikel na dilaw ang kulay. Nakita niya ang bunso na nakaupo na sa may likod ng sasakyan. “ Ate!.. ” Patili nitong tawag sa kanya.

“ Dina, Mao naba na si Nayah imong bata? Abay! Kagwapa ba lamang! ” ( Ito naba si Nayah ang anak mo? Talaga naman!  Napakagandang babae! ) Malaki ang boses nitong sabi, habang nababakasan ng paghanga ang lumalabas sa bibig nito. Tinawanan lang ito ng Ina niya habang naunang sumakay sa unahan at sumunod siya dito.

“ Oo. Diba murag artista ahung bata? ” ( Diba parang artista ang anak ko?) Pagmamalaki ng Ina  niya sa matanda. Tumatango lang ang matanda. Hudyat na sumasang-ayon sa sinabi ng Ina niya. Binuhay na nito ang sasakyan. Habang nasa daan,  Napapangiti na lamang siya sa palitan ng Ina niya at sa matanda ng salita. Ginawa ba naman siyang paksa. Akala mo wala siya do‘n. Sinuyud niya ng tingin ang paligid. Maraming nag bago. May mga bagong malaking establishment na itinayo.

Mula sa pier, dalawang baryo at ang lungsod ng socorro  ang madadaanan—baryo Marcis, at baryo Pomossa, ang Sentro bago makarating sa baryo nila. Ang ‘baryo Niligpag’.

His Woman 1: Adam JohnsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon