CHAPTER 6
APAT na paris ng mga mata ang nakatingin sa akin ngayon. Habang Tahimik lang akong nakaupo sa hapag kainan. Hindi ko kayang iangat ang ulo ko para tingnan ang mga taong kanina pa nakatingin sa akin.
Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa aking bawat galaw. Nakakailang. Para akong peste na cheni– check para sa eksperimento ginagawa nila.
Hindi ko halos magalaw ang mga pagkain sa aking pinggan ni ang malasahan ang pagkain ay hirap ko pang gawin dahil lubos akong naiilang sa mga nilalang na aking kaharap.
Hindi ko akalaing mapupunta ako sa sitwasyon na ganito, pumunta ako dito sa akala na may mabuting reason ang magaling kong boss kung bakit ako pinatawag at pinapunta dito sa mansion nito. Pero heto at ginawa lang pala akong fake girlfriend nito sa harapan nang mga magulang nito. Anak naman talaga ng demonyo ang isang iyon.
Sino ba ang hindi maiilang at maasiwa sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon kung kaharap ko lang naman ang pamilya ng pinakamayaman sa boung pinas.
“ Eh hemm. ” May tumikhim kaya napaangat ang ulo ko. Nakita kong lahat ng mga mata nang mga taong kaharap ko ay nasa akin nakatutok. Ibat– ibang reactions at emosyon ang nakikita ko sa mukha ng dalawang babae. Except sa dalawang lalaki na mag ama nga at cold lang ang expression ang bawat bukas sa mukha.
“ So, how old are you ija? ” Napatingin ako sa Donya na siyang nag tanong.
“ T–twenty one po. ”Marahang napatango– tango ito at saka kinuha ang baso harapan nito na may lamang tubig at ininom iyon na may poise ang pag galaw.
Napakaganda nito. Hindi ko nga akalain na Ina ito nang Chairman. Para lang itong nasa thirty's kung tutuusin. Ang bata pa nito tingnan. Hindi nga mapagkakamalan na may dalawang anak na pala ito. Ang kinis kinis din ng balat. Maliit lang din itong babae kung titingnan para lang itong nakatatandang kapatid sa mga anak nito. Elegant at graceful ang bawat kilos at galaw nito. Typical na mayaman talaga.
Pagkatapos uminom ay maingat nitong binaba ang baso sa tapat nito at mabining kinuha ang table napkin at nag pahid sa gilid nang labi nito, saka tumingin sa akin uli.
“ Actually, I was a little bit scared that my son cant find a woman whom to marry that's why I set him a date with my amigas daughters but this son of mine is a hardheaded. Hindi niya sinisipot ang mga ka date niya. Palaging tinatagaun. Kaya naman pala ganoon ay dahil may babae na pala. Hindi man lang nagssalita about you. ”
Mahabang sabi nito sabay tingin sa anak na walang pakialam at patuloy lang sa pagkain nito.
So, kaya ako nito ginawang fake girlfriend sa harap ng pamilya nito para hindi na ito kulitin ng kulitin nang Ina nito na makipagdate sa mga babaeng nirereto nito dito. Ang talino naman talaga ng demonyong ito.
Hindi ko alam kong ano ang isasagot sa sinabi nito kaya naman ibinaba ko ang kanang kamay ko sa ilalim nang mesa at palihim itong kinurot sa tagiliran.
Nakakunot– noo itong tumingin sa akin, Kaya pinandilatan ko Ito ng mukha. Umayos ito ng upo at iniangat nito ang kaliwang braso at pinatong sa uluhan nang kina-uupoan ko. Nagulat ako sa ginawa nito, at namula ang dalawang pisngi ko nang makitang nang– aasar na nakatingin sa amin ang kapatid at Ina nito habang ang ama nito ay tumaas lang ang sulok ng labi nito sa amin.
“ I didn't tell you about her mom because I know how persistent you are. Kukulitin mo lang si Dnayah. ”
Gulat akong napabaling dito nang marinig itong mag salita ng tagalog at ito rin ang unang besis kong narinig na tinawag nito ang pangalan ko. A–ang gwapo ng boses nito! Sa tatlong buwan kong nag tatrabaho sa Companya nito ngayon ko lang ito naring– gan na nagsalita ng tagalog. At pakshit lang, ang gwapo nang lalaking– lalaki nitong boses.
BINABASA MO ANG
His Woman 1: Adam Johnson
RomanceCONTENT WARNINGS: SPG | Mature content | Sit Back and Enjoy! *** Preface: A Heartless beast, that just one of those words they call him. Exclusive and a private freak, that is Adam Johnson a well-known HOT Multibillionaire in business world. H...