Chapter 1

91 9 0
                                    

"Babi! Ayos ka lang?"

Napakurap ako nang marinig ang pangit na boses ni Drystan.

Naupo siya sa tabi ko at nakinood.

"Ano? Ayos ka lang? Para kang tangang nakatulala sa TV."

Kinagat ko ang labi. Hindi naman na mahalaga sa akin kung nawala ang first kiss ko. Hindi lang ako mapakali sa kakaisip sa magnanakaw. Nakakasigurado talaga akong anak iyon ni gob.

Umakbay sa akin si Drystan at ginulo ang buhok ko.

"Para ka talagang tanga. Itigil mo nga 'yan. Ilang araw ka nang ganiyan."

Siniko ko siya at umalis sa kinauupuan. Wala naman si Papa at namamasada, si lola at namamalengke kasama ang kapatid ko para sa tanghalian namin.

I sighed. Nakatitig lang sa akin si Drystan at parang naguguluhan sa inaakto ko. Naupo ulit ako.

"'Yung first kiss ko..."

Tumaas ang kilay niya. "Oh? Pake ko sa first kiss mo?"

I rolled my eyes. Nakurot ko siya. Hindi talaga ako mapakali. Isang linggo ko na itong naiisip at sa tingin ko, sabihin ko sa kaibigan ko.

"Tangina mo ka ba?"

He smirked. I rolled my eyes.

"Hindi naman. Ikaw baka oo?"

I raised my middle finger. "Talk to this."

"Sorry, me no english, babi."

Tumawa siya. Umirap ulit ako at kinagat-kagat ang kuko. Huminga ako ng malalim.

"'Yung first kiss ko..."

"Pake ko nga sa first kiss mo?"

Iritado ko syang sinipa. "Tangina mo ka talaga! Patapusin mo nga ako!"

Mas lalo akong naiirita

Tumawa ulit siya. "Okay, sige. Hindi lang talaga ako sanay na makita kang ganitong kainis... Tapusin mo na sinasabi mo. Anong meron sa first kiss mo?"

I licked my lips and touched it.

"Wala na... ninakaw."

Lumaki ang mga mata niya. "Ano?! Bakit mo pinanakaw?! May boyfriend ka na ba, huh? Kilala mo? Anong pangalan? Susugurin ko!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Manahimik ka. Hindi pa ako tapos."

"Oo na."

"Literal na magnanakaw ang nagnakaw—"

"Ano? Anong literal? Walang permiso?!"

"Siyempre! Sira ulo ka ba? May magnanakaw ba na ng hihingi ng permiso, gago ka?!"

"Lutong, ah. Sorry na. Parang 'di kaibigan."

Umirap ako.

"Noong Lunes. Hindi ka sumama kasi ang sarap ng tulog mong hayop ka kaya kami na lang ni Lola ang namalengke—"

"Makahayop, parang 'di talaga kaibigan."

"Tapos biglang may nanghablot ng cellphone ko—"

"Bakit ka naman kasi nagc-cellphone sa maraming ta—"

"Hinabol ko at natakid siya doon sa short cut-an— kasi may nakaharang malaking lubid— na dinadaanan natin. Tapos nag-usap kami ng kaonti kasi na hipnostismo ako sa maganda nyang mata—"

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon