Chapter 37

28 6 0
                                    

"I'm sorry..." mahina kong sabi.

Nagkatinginan kami. He didn't say anything.

I know it's my fault. Alam ko na hindi naman lahat ay dapat kong sarilihin at ilihim sa kanila... sa kaniya. Alam kong mali ako sa ginagawa ko. Na ang itinatago ko ay masama... na dapat malaman ng pamilya ko... dahil maaaring maapektuhan ako kung palagi kong sasarilihin. Baka hindi kayanin ng utak ko at bumigay ang puso ko. Na maapektuhan ng sobra.

Sandali akong pumikit ng mariin. Knowing I hurt Aeolos, it hurts me too. Am I this stupid? How... selfish.

Napadilat ako nang maramdaman ang kamay niya.

"It's okay... don't think about it too much. I understand... I understand, Zinnia..." He smiled to assured me.

Umiling ako dahil hindi ako naniniwala. How could I believe him if I saw the pain in his eyes? Paano magiging maayos kung nasasaktan siya? Alam kong naiintindihan niya kaya siya nasasaktan! Dahil pinaparamdam ko sa kaniya na... parang wala siyang kwentang boyfriend! Parang walang pakinabang sa akin! Dahil hindi ko siya kayang pagkatiwalaan!

"I'm really sorry..." My voice broke.

"Hush. It's okay."

Pinisil niya ang kamay ko.

"You don’t have to apologize. It is your choice. No one can control your mind but you. The most important thing now is how you feel. What you feel. My priority is you, your feelings..."

"Pero may mali ako!" Hindi ko napigilan na magtaas ng boses.

He blinked but didn't answer.

"Palagi ka na lang naiintindihan! Palagi mo na lang akong naiintidihan! Come on, Aeolos! Say what's on your mind! Hindi 'yung palagi mo na lang naiintindihan ang sitwasyon at ako! Magalit ka sa akin dahil sa pinaparamdam ko sayo! Magalit ka dahil sa tingin mo wala kang kwentang boyfriend sa akin! Hurt me like I always hurt you! Make me feel guilty!"

Nanginig ang labi ko. That’s all I know to push his botton. Ayokong palagi niya akong naiintidihan dahil baka sa huli ay masaktan lang kami pareho at masabi niya lahat ng ayaw niya sa akin. Ayokong mas masaktan ako kapag dumating ang oras na iyon.

"Dahil sa lahat ng nagawa ko, hindi ko na alam kung totoo pa ba 'yang nararamaman mo para sa akin."

His jaw clenched. "Then what do you want me to say? Na napapagod na ako? Na nakakasawa ka? Na hindi ko na talaga kaya pang manatili sa relasyong 'to?"

Tumayo siya at tinalikuran ako. Nang lingunin o ay ginugulo ang sariling buhok habang nakatingin sa kawalan.

Tumayo ako ngunit hindi siya nilapitan.

What did I just do?

In our five months relationship, we just had a fight like this.

Napahilot ako ng sintido. Damn it.

"I... just want to know..." hindi ko matuloy ang sinasabi.

Nilingon niya ako.

"Tang ina! Mali ba na naiintindihan kita palagi, Zinnia? Is it wrong to understand you?! Is it wrong to love you too much and I can't be angry with you?! What do you want?! Kahit hindi ko gusto, sasabihin ko lang para matuwa ka dahil alam mo na deserve mo 'yon dahil sa mga tinatago mo?!" His eyes are bloodshot now.

Napalunok ako at iniwas ang tingin.

Akala ko... gagaan ang pakiramdam ko pero dahil pinalala ko ang sitwasyon, ako pa ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon