Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. May iniisip akong maaaring dahilan pero... hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan doon?
Suminghap ako at tinapos ang pag-aayos ng sarili. Sobrang aga pa bago magsimula ang unang klase namin. Maglalakad ako papunta sa university para mas mahaba pa ang itagal. Ang alam ko ay si Drystan ang susundo kay Star kaya baka maya-maya pa 'yon makapasok. Kaya ko namang mag-isa pero mukhang hindi mangyayari iyon dahil nandito na si Aerwyna na malapad ang ngiti.
"Good morning! Good morning!" she greeted happily.
"Parang mas good pa sa good morning ang morning mo," I commented as I watched her.
Inayos niya ang pants na suot nang maupo sa sofa. She laughed and pout. She put her index finger to her lips and looked at me. She smiled widely. She seems to be thinking of something now that makes her happy like this and... creepy.
"Siyempre! Walang sama ng loob! Sinong hindi sasaya? Ang ganda mo today, huh? Excited ka bang makita ang suitor mo, cyst? Ako, oo." She giggled.
I shrugged it off. She told me that Huxley was courting with her.
"You know my answer to that," I said and finished braiding my hair. It was like a crown but just a thin braid. Marami pa rin ang nakalugay. Sana lang ay hindi magulo kapag nakarating ako sa university.
"Siyemore, hindi!" she answered and rolled her eyes. "Paano mo mami-miss 'yung taong nakasama mo lang noong isang araw at ka-chat hanggang kaninang madaling araw kung 'yung taong hindi mo nakasama ng ilang taon ay hindi mo na-miss?"
Hindi na ako umimik. Why would I miss... that person? Uh, nevermind.
"Aalis na tayo?! Ang aga pa, ah!" she exclaimed.
"Maglalakad ako," simple kong sagot at sinukbit ang bag.
Si papa ay nasa kanto at nagpapasada, si Lairus ay tulog pa, si lola naman ay kanina pang madaling araw umalis dahil may trabaho na siya sa palengke. Siya ang nagluluto ng mga ulam and kakilala rin naman 'yung may-ari, kumare ni papa.
Ginising ko muna si Lairus at hinabilinan sa gagawin at lumabas na.
"Bakit naman? Huwag na lang! Sakay na tayo! Libre ko pamasahe! Gagi 'to!"
I shooked my head.
"Mamaya nang pag-uwi. Kung gusto mo, pumunta ka muna kina Philine, sa kanila ka na lang sumabay."
She waved his hand to dismiss me.
"Oo na! Tara!"
I smiled secretly and continued walking.
"Hindi na ba masakit 'yang sa paa mo?" tukoy ko sa daliri niyang nagpaltos.
"Hindi na. May band aid na rin. Don't yah worrey, ceyst. Matatags yata 'tong prenny mo." She laughed.
I softly chuckled.
Wala si papa sa paradahan kaya nagdire-diretso na lang kami ni Aerwyna. May Jollibee pa sa papasok sa barangay ng San Ralleza at umakyat pa kami sa over pass. Nagkukwentuhan din kami habang naglalakad. Kahit paano ay nawala ang kaba ko.
Mabilis ang naging lakad namin dahil wala pang kalahating oras nang makarating kami. Pero ilang minuto pa bago magsimula ang unang klase.
Marami-rami ang tao sa labas. Medyo maingay din.
"Oh, look who's here. A slut future teacher, eh?"
Pareho kaming napatigil sa paglalakad ni Aerwyna nang may humarang na tatlong babae sa harap namin. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa bago nagkibit balikat.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomanceAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.