Chapter 18

38 6 0
                                    

"Nakausap mo ba?" Malakas ang boses ni Aerwyna kahit na magkatabi lang naman kami.

Akala ko ay nasa cafeteria siya kasama si Huxley pero nang pumasok ako sa sunod na klase ay nasa labas sila ng room. Mukhang nag hihintay sa akin.

"Sino?" tanong ko at gumilid.

"Siyempre si Aeolos! Ano ka ba? Ayaw ko nga sanang siya pa ang magdala dahil baka ma-issue na naman pero makulit! Dinagdagan pa ang pagkain na binili ko. Kinain mo ba lahat?"

I shrugged. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Lumaki ang mata ko nang ilapit ni Aerwyna ang mukha niya.

"Aerwyna!" gulat kong sabi at napalayo.

"Wait... umiyak ka, 'no? Pinaiyak ka ni Aeolos? Aba, ang gago niya, ah! Bakit ka pinaiyak? Patay siya sa akin mamaya! Dapat talaga hindi ko na sinabi kung nasaan ka!"

I hush her. "Hindi ako umiyak. Maalikabok at napuwing mata ko. Nagpunta ako sa banyo at naghilamos kaya namula. Bakit kayo nandito?"

Pinigilan ko ang sarili na kagatin ang labi dahil sa pagsisinungaling. Malalaman kasi ni Aerwyna kapag ginawa ko iyon.

Tinaasan niya ako ng kilay at mas pinagkatitigan. Nilabanan ko lang ang tingin niya at hindi nag paapektado.

"Totoo? Oo na. Gusto ko lang masiguro na makakabalik ka nang ligtas. Bakit hindi mo kasama si Aeolos? Hinayaan ka niyang bumalik dito ng mag-isa?"

Tinignan ko muna si Daevon at Huxley. Si Huxley na nasa likod ni Aerwyna na parang handang pigilan si Aerwyna sa agresibong gagawin. Si Daevon na magkadikit ang kilay at halatang iritado. Nang magtama ang tingin namin ay umigting ang panga at nagsimulang maglakad palayo. Selos?

Hindi ko na 'yon pinansin at muling binalingan si Aerwyna.

"Ibabalik niya pa 'yung tray sa cafeteria... hindi ko pati naubos ang pagkain. Marami, eh. Papasok na ako. Pumasok na rin kayo."

Hindi pa tapos ang klase namin ay napalingon ako sa labas dahil biglang umulan nang malakas. Kaya siguro makulimlim kanina. Wala pa naman akong dalang payong at balak ko muling maglakad pauwi.

Nakaramdam ako ng antok. Nakakailang hikab pa ako habang nagf-focus sa lesson. Kahit paano ay may pumapasok na sa isip ko. Magpapahuli ako sa paglabas ng room dahil halos magsiksikan na sa labas at madulas pa. Hindi pa naman din kaagad aalis ang prof ko ngayon. Inayos ko ang gamit at pati ang suot kong medyas. Dapat pala hindi na ako nag uniporme.

Nilabas ko ang cellphone at tinignan ang oras. Masiyado pang maaga para magdilim pero dahil naulan ay parang mag gagabi na agad. Nag scroll ako ng ilan sandali sa facebook nang mag pop ang message ni... Aeolos.

Wala akong balak basahin iyon pero nabuksan ko na.

Aeolos Jardeleza: Do you have no plans to go out? Look outside, love.

Napasinghap ako at tumingin sa labas. I saw him leaning against the door of our classroom. Nang magtama ang tingin namin ay tumayo siya ng tuwid. Kaya pala parang umingay na hindi ko pinansin dahil sanay na rin naman.

I replied to his message.

Asheirah Castillan: Why are you here? Are you stupid?

I also opened Apollo's message. Kagabi pa 'yon pero hindi naman ako nag-online kagabi dahil wala akong load at ayaw mag bukas ng facebook ko.

Sinabi niya lang sa akin na hindi siya papasok at may gagawin.

Asheirah Castillan: Ngayon ko lang nakita, sorry. Btw, take care, Apollo. See you tomorrow.

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon