"What do you want to talk about, Asheirah?" Apollo asked. Nakangiti pa siya kaya iniwas ko ang tingin.
Nandito kami ngayon sa field sa lilim ng puno. Dahil maaga pa at umulan kahapon ay walang naglalaro at mga nakaupo sa bench naman ang iba.
Tumingala ako sa makulimlim na langit. Mga ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Mukhang uulan pa yata ulit.
Lumunok ako at mariing ikinuyom ang kamao. Sa mga lalaking na-basted ko, hindi ako nagdadalawang isip na gawin iyon. Pero ngayon kay Apollo... hindi ko agad magawa. Nakokonsensiya ako... dahil parang ginamit ko siya at ang nararamdaman niya. I took advantage of how he felt for me... para lang malaman kung sino ang gusto ko dahil ayoko nang naguguluhan ako. Ayokong puno ng mga katanungan ang isip ko... ilang araw na akong hindi makapag-isip nang maayos sa mga dapat gawin.
Accepting them into my life I never thought would happen. They are part of my life... And I know, I can't hurt them but Apollo...
"I'm sorry..." mahina kong sabi.
I swallowed the lump in my throat.
"Sorry? What for? I must be the one who apologizes to you for what I did last Saturday. I took advantage of you. Sorry, Asheirah, for kissing you."
Mariin akong pumikit nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko. I am so frustrated now. I blame myself for this. If I had just stayed away from them, this would never have happened.
"Sabi ko sayo na may epekto ka sa akin at hindi ko alam kung malalim... but sorry. Naguguluhan lang kasi ako sa nararamdaman ko nitong mga nagdaang araw. And I took advantage of your kindness to me. I'm sorry kung pinaasa kita sa wala... pero totoong may epekto ka sa akin pero nalinawagan na ako. I-i... like your... brother. Gusto ko si Aeolos... sobrang ibang-iba ang pinaparamdam niya sa akin... kahit na magtama lang ang tingin namin. Parang... ang sarap niyang alagaan... at mahalin..."
Aeolos's face entered my mind. Suminghap ako. Nilingon ko si Apollo at nakitang nakayuko siya na animong malalim ang iniisip.
"Ang sabi ko magugustuhan mo siya pero hindi ko naman aakalain na mamahalin mo rin." Mahina siyang tumawa pero alam kong pilit lang iyon.
"I'm sorry, Apollo..." mahina kong sabi.
Inangat niya ang tingin. Kita ko ang luha sa gilid ng mata niya.
"This is the first time I have felt this. The love. Dad told us never to hurt the woman who makes us feel this way. Dahil kapag nasaktan namin sila, mas doble ang sakit na mararamdaman namin. Asheirah, hindi naman kita nasaktan pero bakit hindi lang doble ang sakit na nararamdaman ko nang malamang kapatid ko... ang mahal mo? Pwede bang ako na lang?"
May bumagsak na luha galing sa mata niya.
"Simula noong mga bata pa kami ni Aeolos, nagbibigayan kami. Ayaw kasi ni Papa na mag-away kami at dapat minamahal ang isa't'-isa dahil magkapatid. Dapat palaging pantay. Pero may pagkakataon na nagiging makasarili kami... lalo na sa mga bagay na ayaw naming ihati sa iba... mga bagay na mahal namin at dapat sa amin lang. Hindi ko nai-magine na pati iisang babae, pag-aagawan pa namin. Minsan sinasabi ni Papa na dapat pagbigyan ko si Aeolos dahil mas matanda ako at hindi na dapat pang agawan ang nakakabunsong kapatid. Pero ngayon, alam ko sa sarili kong hindi kita basta-basta ibibigay sa kapatid ko. Na gusto kong maging makasarili... na dapat ako na lang... pero hindi naman natin natuturuan ang puso natin. Kung sana pwede lang, baka mapili akong mahalin... niyang puso mo. Asheirah, what did you do to hurt me like this? Parang kahapon lang, hindi ko maalis ang tingin sayo dahil namula ka. And I even thought you might like me. I don't know why but that time, I knew I liked you. Gusto na kitang makita at matitigan palagi. Hindi ka na mawala sa isip ko. Sobrang saya ng puso ko sa tuwing nakakausap na kita. Kung alam ko lang na... kapatid ko ang magugustuhan mo, baka nilayo ko na ang sarili ko sayo. Sana binalewala na lang din kita katulad ng mga ginagawa ko sa ibang tao. Palagi nilang sinasabi na ang sungit ko, snob pero ang mga 'yon, hindi ko nagawa sayo kahit noong unang araw na nagkita tayo sa cafeteria. I even tried to flirted with you in front of our friends. And now that I fall in love with you, baby, what should I do?"
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomanceAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.