"Let's go," aya ko nang matapos na sa pag-aayos ng sarili.
Pupunta na kami sa lugar na... paborito niya. I'm excited and a little nervous. Sabi niya ay hindi naman malayo rito. Siguro kung lalakarin daw mga half hour lang... nandoon na.
Pumasok ako sa kotse at agad siyang sumakay sa driver's seat. He started the engine. Dahil wala naman akong sasabihin ay tinanaw ko na lang ang mga dinadaanan namin. Hindi naman siguro malapit sa Panelos since kayang lakarin. Kumaliwa ang sasakyan. Walang masiyadong bahay at hiwa-hiwalay. May mga taniman pa. May mga ginagawa ring bahay. Mahaba ang daan at akala ko sa pinakadulo ay kakanan pero lumiko pakaliwa. Noong una ay mga pader ang nasa gilid pero nang medyo malapit na sa gate at may paliko ulit, nakita ko ang nakalagay na pangalan sa gate. Zin's Flower Farm.
Flower farm?
May unang gate sa gilid naman. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob noon. May nagbukas sa harap na gate at pumasok ang sasakyan.
"We're here..."
Mas tinanaw ko ang nasa labas. Malawak at maganda. Kahit nasa loob pa ako ng sasakyan ay nakikita ko na ang iba't-ibang klase ng mga bulaklak. This is very beautiful. Is this his favorite place? No wonder.
Walang salitang lumabas si Aeolos at pinagbuksan ako ng pinto. May mga lalaki na nakabantay at nakatanaw sa amin.
"This is yours, Ma'am..." he said as his arms wrapped around my waist.
My lips parted. "What?!" gulantang kong sabi.
"This farm is yours... Sayo ko ipinangalan..."
Hindi ako nakapagsalita.
"This is my favorite place... because I built it while thinking of you... I built it for you, Zinnia..." he said.
Kinagat ko ang labi. Biglang nangilid ang luha ko. I don’t really know what I did to deserve him and... this! I was very lucky...
"I hope you like it, Ma'am..." dagdag niya. Ramdam ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.
Hindi ako makasagot dahil mahina akong humihikbi.
Nakita kong nagsitanguhan ang mga lalaki kanina bago umalis. Hindi ko magawang makaimik. Dinala ako ni Aeolos sa isang kubo. Tahimik kong tinanaw ang buong farm habang si Aeolos ay may kinakausap na lalaki.
Hindi ko magawang alisin ang tingin sa mga bulaklak. Sa kinauupuan ko ay kita ang iilang bulaklak. May sunflowers... roses... at ang pinaka nakaagaw ng atensiyon ko ay kulay pink na bulaklak, Zinnia...
"Thank you..." mahina kong sabi nang lumapit sa akin si Aeolos.
He smiled. "Anything, Zinnia... anything for you."
Niyakap ko siya.
"Mahal na mahal na mahal kita, Jardeleza... Hindi ko na nakikita ang future ko na mag-isa ako... dahil magkasama tayo... hanggang dulo..."
In his arms, I am at peace... with Aeolos, I am complete.
"Mas mahal kita, Zinnia. And I don't think I can afford to see you... without me in your life. I will not let that happen. We are... together... forever.. Wala nang makakasira pa sa atin."
Ginala ako ni Aeolos sa buong farm. Ang ibang mga bulaklak daw ay dinadala sa ibang bayan para ibenta.
"Ang pinakamabenta ay ang sunflowers and roses," aniya.
Hinawakan ko ang petals ng sunflower na kinuha niya. Hindi na rin naman kataka-taka.
Nang magtanghali ay bumalik kami sa kubo para kumain. Inaya ko rin ang mga trabahdor ng farm pero tumanggi sila at may gagawin pa raw sila pero napilit ko naman. Mainit ang panahon dahil summer na rin.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomanceAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.