"Whoaah! Ang lakas ng hangin!" sigaw ni Aerwyna at nagpaikot-ikot.
Nandito na kami sa tambayan. Nakaupo kami ni Drystan sa ilalim ng puno.
"Sayang, hindi sumama 'yung dalawa," sabi pa niya.
"Mas gugustuhin pa nila na sa SOS tumambay," sabi ko naman habang nakatingin sa langit. Mamaya pa ang sunset.
"Oo nga. Pero mas maganda rito! Malawak at wala bihirang pumunta! Parang secret place natin 'to!"
Marami pa syang sinabi na hindi ko naman maintindinan dahil sa langit nakatuon ang atensiyon ko.
"Bakit parang hindi ka nagalit kahapon, Drys?" tanong ni Aerwyna nang makatabi sa amin.
Itinuwid ko ang mga paa ko. Naka-pants naman ako. Bumunot-bunot ako ng damo.
"Saan?" rinig kong tanong ni Drystan.
"Kina Apollo. 'Di ba ayaw mo silang lumapit kay Asheirah? Bakit parang wala lang sa 'yung paglapit-lapit nya kahapon kay Asheirah? Hindi ka pati nag-iimik!"
"Ah." Tumawa si Drystan. "Naisip ko na wala namang masama roon. Pati kay Sheirah na desisyon 'yon. Sya ang kusang lalayo kung ayaw nya sa kanila. Kasi hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon na pigilan ko sya sa mga gusto nya. Na ilayo sa mga taong gusto nya rin naman kaibiganin o mapalapit sa kaniya."
Napangiti ako sa narinig. Ang mahaba kong buhok ay nilipad ng hangin kaya sinikop ko iyon ay nilagay sa kanang balikat ko.
"Sabagay... pero anong masasabi mo kay Apollo?"
"Apollo? I don't know."
"Bakit hindi mo alam? Sa tingin mo pwede sya kay Asheirah?"
"Anong pwede? Kaibigan? I don't know. Ask Asheirah."
"Sira! I mean kung gang si Apollo ay manligaw kay Asheirah, ika'y ga'y papayag?"
"Ba't ako papayag? Ako ba ang liligawan?"
"Tamo 'to! Huwag mo nga akong pilosopohin! Nagtatanong nang maayos 'yung tao, oh? Oh?"
"Joke. Kay Asheirah din na desisyon 'yan. Kung ako ang masusunod walang pwedeng manligaw kay Asheirah."
"'Yan! Bakit naman wala?"
"Dahil kilala ko siya. Ang priority niya ay pamilya at pag-aaral. Ang mga lalaki ay magiging distraction lang sa kanya. At ayokong ma-distract siya sa kahit kanino o ano. Gusto kong... mag-focus siya sa priories niya at goals."
"Oo nga naman! Eh, sa akin?"
"What do mean sayo?"
"Pagong ka talaga! Siyempre, sa akin, ano sa tingin mo? Papayag ka ba na may manligaw sa akin?"
"Papayag ka ba?"
"Dipende..."
"Edi diepende rin sa akin."
"Ay, gano'n lang? Walang explain-explain? Unfair, huh? Grabe naman!"
"Sa inyo naka dipende ang desisyon. Kayo ang magpapaligaw, kayo ang liligawan. Sa akin naman ay walang kaso iyon kung gusto nyo pero kung ako talaga ang masusunod, walang pwedeng manligaw sa inyo. Gusto kong unahin nyo ang mga importante kaysa sa mga boyfriend-boyfriend na 'yan. Dahil minsan ay mas nagpapahirap pa iyan lalo na't kapag nasaktan kayo."
"Tama, tama! Paano kung ikaw na lang maging boyfriend ko, Drys? Masasaktan mo ba ako? Hindi naman siguro, 'no?"
Drystan chuckled. Ngumiwi naman ako.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomansaAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.