Chapter 25

39 6 0
                                    

Saka lang umalis si Drystan nang dumating si Aerwyna. Dinaldal ako nang dinaldal ni Aerwyna pero hindi ko naman maintindihan nang maayos dahil sobrang bilis niyang magsalita! Kung hindi pa dumating ang prof, malamang ay hindi pa siya titigil.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Ang bilis kasing lumipas ng oras at natapos na agad ang first period namin.

"Alam mo ba?! Gigil na gigil si Aeolos! Amputek, parang gustong magwala!" Humalakhak si Aerwyna.

Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad pero nakikinig naman sa kaniya.

"Tapos may lagnat pa! Pumunta rin si Apollo sa cafeteria para bigyan ng gamot si Aeolos pero hindi ko alam kung ininom 'yon ni Aeolos. Muntik pa ngang mag-away 'yung dalawa! Ayaw kasing inumin iyon ni Aeolos! Edi nagalit si Apollo! Maayos naman si Apollo pero itong si Aeolos ang hindi! Parang may problema! Nag-away ba kayo?"

I just shook my head and didn't speak.

"Tologo bo? Ba't feeling ko, nag-away kayo? At saan kayo nagpunta ni Drystan kanina? Ang aga mo raw umalis sabi ni tito sa akin."

Nanatili akong tahimik.

"Hoy! Bingibingihan lang, cyst? Grabe, huh? Grabe! Para akong tanga rito! Nasaan ba ang kausap ko? Para akong invisible sayo, ah? Wala ka man lang isasagot? Kanina ka pa tahimik! Nag-away talaga kayo ni Aeolos! Feeling ko!"

Muli akong umiling at nagsalita sa mababang boses.

"Hindi nga sabi."

"Eh! Totoo? Asheirah, hindi nga? Ni hindi mo nga pinansin kanina 'yon, eh! Aray! Ano ba? Ba't mo ba ako sinabunutan?"

"Sa ginawa mo kanina. Alam mo bang makakahiya 'yon, huh?"

Sumimangot siya.

"So what? Joke lang naman 'yon, eh. At huwag mong ibahin ang usapan. Tungkol sa inyo ni Aeolos ang sinasabi ko."

"Napansin ko kanina si Aeolos," sagot ko na lang.

"Alam ko! I mean is hindi mo man lang kinausap!"

"Paano? Hila-hila ako ni Drystan."

Pero kahit naman hindi ako hila ni Drystan, hindi ko talaga kakausapin si Aeolos.

"Oo nga? Bakit ka nga kasi hinila ni Drys? Dumiretso kayo sa room?! At mukhang bad trip din ang lalaking 'yon! Anong problema ng mga tao sa mundo ngayon?!"

Hindi ko na talaga siya pinansin at dumiretso sa pila para bumili ng makakain. Medyo busog pa ako dahil sa kinain kaninang umaga kaya burger at mismo na lang ang binili ko.

Mas una akong nakabalik kaysa kay Aerwyna kaya nagsimula na akong kumain ng tahimik. Nangangalahatian ko na ang kinakain nang may maupo sa harap ko. Mabilis ininom ni Drystan ang coke ko. Nag habol siya ng hininga bago pikit-matang nakatingin sa akin. Punong-puno ng pawis ang buong mukha.

"Problema mo? Ba't ganiyan ka? Nakipagkarera ka ba?" I asked.

Bahagya pang nakaawang ang labi niyang basa at mabilis pa ang paghinga.

"N-nagmadali ako sa pagpunta sa room mo tapos wala ka na pala roon." Muli siyang uminom hanggang maubos niya na.

"Kasama ko naman si Aerwyna, ah?" Sinulyapan ko si Aerwyna na busy sa cellphone niya.

Nag-angat ng tingin si Aerwyna nang mapansing nakatingin kami sa kaniya ni Drystan.

"Oh? Anong ginawa ko? Tahimik ako rito, huh. Huwag niyo akong sisihin," defensive niyang sinabi.

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon