Chapter 44

27 5 0
                                    

Mag-iisang taon na rin nang simulang gawin ang restaurant ni Drystan, hindi pa rin naman tapos. At isang buwan na rin nang grumaduate kami. Pahinga muna sunod ay review for LET.

Pumikit ako nang may pumatak na dahon sa mukha ko mula sa puno. Nandito ako sa Himalaya. Pansin ko na halos wala na talagang nagpupunta rito, wala na akong naabutang iba kaya minsan kampante akong gawin lahat ng gusto ko rito. Kahit pa matulog sa ilalim ng puno buong maghapon.

Ngumiti ako at tinanggal ang dahon sa mukha ko. Hinagis ko 'yon at hinayaang malipad ng hangin palayo. Nagpahatid lang ako kanina kay Lairus since busy na palagi si Drystan.

Madalas ako rito sa tuwing may oras. I really love this place. Sa rami ng lugar, dito at dito ko pa rin palagi natatagpuan ang sarili ko. Not just because of peace but because of memories. I closed my eyes again while there was a smile on my lips.

I couldn’t help but be happy. Ilang taon na pala noong naghiwalay kami ni Aeolos. Pero sa tuwing nandito ako, naaalala ko pa rin iyon na parang kahapon lang nangyari. Pero imbes na malungkot, masaya pa dahil mas lamang ang masasayang alaala kasama siya. I just focus on happy memories. Hindi na rin naman ako apektado sa paghihiwalay namin ni Aeolos. I realized it was the best decision I ever made. Hermielle Jardeleza is probably right. Para rin naman kay Aeolos iyon...

Naupo ako at sumandal sa puno. Hinawakan ko ang kwintas habang nakatanaw sa kalangitan. Palagi kong ginagawa ito. Nakasanayan ko na talaga. Lalo na kung walang ginagawa at nakatulala lang.

"Asheirah! Pahiram naman ng book mo. Tapos ka na sa pagre-review noong una mong binili?" Aerwyna asked.

Nameywang ako habang nakatingin sa mga yellow paper na nakasabit sa pader ng bahay namin. Mga drills ko at ang iba ay kay Aerwyna. May hati naman kaya kahit marami ay hindi kami nalilito sa inaaral at para rin mabalik-balikan. Nilingon ko si Aerwyna na nag-uunat.

"Nandiyan. Tapos ako naman pahiramin mo."

Hindi na rin kami nagtrabaho ni Aerwyna dahil mas nag-focus sa pagre-review. Mabuti nga ay marami kami rito sa bahay kaya kahit busy ako ay ang mga kapatid ko ang uutusan at hindi ako mawala sa focus.

Ilang buwan kaming nag-review ni Aerwyna. Kahit nga magkasama naman kami at magkatabi ay hindi pa makapag-usap sa sobrang focus. Practice nang practice. Ang ipon ko ay binili ko ng librong kailangan. At si Aerwyna ay ganoon din kaya minsan nagpapalitan kami kapag natapos na at nasagutan. Sa isang araw ay nagdi-drill ako. Ang goal ko ay maka-one hundred plus everyday. At nakikita ko namang nag-i-improve ako. Umaabot ng ako ng madaling araw sa pag-re-review.

"Asheirah, may nagpadala nito sayo."

Nag-angat ako ng tingin kay Aerwyna na may hawak na box. Galing sa labas at may binili.

"Huh? Wala naman akong ino-order na kung ano..." dahil hindi naman ako marunong. Kaya nagpupunta ako sa NBS para bumili ng mga librong kakailanganin. At hindi ako gumagastos sa kung ano-ano.

"Open it. Baka pagkain."

Ngumiwi ako. "Baka bomba 'yan, ah?"

Tumawa siya. "Ewan ko lang. Oh. Buksan mo na para malaman."

Kinuha ko 'yon habang nakakunot noo. Pinagmasdan ko ang box. Kulay dilaw ang box ngunit wala namang nakasulat na kung ano. Walang card.

"Sino nagbigay?"

"Ewan. Sabi noong rider, para kay Zinnia Castillan daw. Ikaw lang naman may pangalang ganoon dito. Buti nga ako na ang natanong." Sumalampak siya sa tabi ko.

Mabagal kong binuksan ang box. May lamang maliit pang box, kulay green naman. Napailing ako. Baka may box pa 'to at kulay blue naman. My lips parted when I saw what was inside the small box. Gold bracelets, rings, necklaces and earrings...

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon