"Good bye, class!" paalam ko.
Halos hindi na sila magkandaugaga sa pag-aayos ng mga gamit. Pinapila ko muna para maayos silang makalabas at meron ding naglalabasan na.
"Hello, Ma'am."
Napatigil ako sa pagwawalis nang marinig ang boses ni Aeolos. Nakabukas ang pinto dahil patay na ang aircon. Nakasandal siya roon habang may naglalarong ngisi sa labi.
"Done with your work?" I asked. Sandali akong tumigil sa pagwawalis.
He nodded. Lumapit sa akin.
"I miss you..." He kissed my forehead.
Mabuti ay hindi ako pawisan dahil medyo may lamig pa sa loob ng silid.
"Kaninang umaga lang tayo huling nagkita," sambit ko.
He chuckled. "Palagi kitang nami-miss, Zinnia." Inagaw niya sa akin ang walis. "Ako na rito, Ma'am. You sit there and relax."
"Kagagaling mo lang sa trabaho, Aeolos. Ikaw ang magpahinga."
He smiled. "Ako na rito, Zinnia. I know you're tired, Ma'am."
Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kaniya kaya sumunod na lang din ako. Nag-retouch ako at nang matapos ay pinanood na siya. Inayos niya rin ang mga upuan. Naka-suot pa ng pang-opisina. Dumiretso na yata rito.
Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood siya na seryoso sa ginagawa. Who would have thought the CEO slash chairman was cleaning the room?
Alam na rin nina lola ang tungkol sa amin ni Aeolos. Tanggap pa rin nila si Aeolos at natutuwa sila. Well, who wouldn't? Ang isang Aeolos Jardeleza na hinahanggaan ng mga tao dahil sa angking kagwapuhan at pagiging successful ay muling bumalik sa akin. Hindi nawala ang pagmamahal. Pinagmamalaki namin ang isa't-isa.
"Pagod ka na?" tanong ko nang matapos siya. Humila ng isang upuan na nasa harap at nilapit sa table ko.
He's sweating. Nakaawang pa ang mapupulang labi.
"Drink." Inabot ko ang tubigan ko.
"I'm not tired. Hindi ako mapapagod hangga't nasa harap lang kita, Ma'am."
Umirap ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang tissue sa bag ko at pinunasan ang pawis niya. Kahit na pawis na ay nanunuot pa rin sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Ano bang pabango ng lalaking 'to?
"Malapit na ang birthday mo. Do you have a plan in mind, Jardeleza?"
Tumayo ako para maabot ko ang buhok niya at inayos.
"Plano kong pakasalan ka, Zinnia."
Napatigil ako sa ginagawa. Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya.
"Well, I haven’t proposed yet. I will first enjoy our relationship as girlfriend-boyfriend. I could wait. Sigurado na akong sa akin ka ikakasal."
Pinisil ko ang tungki ng ilong niya.
"You have my future, Aeolos. You are the only one I will choose."
He smiled. "I know, love." Hinuli niya ang kamay kamay dinala sa labi niya para mahalikan ang likod ng aking palad. "I love you so much, love..."
I smiled. "Mahal din kita, Jardeleza."
"Ehem! Ehem! Landi niyo naman po."
Sabay naming nilingon si Aerwyna.
"Hello, Aeolos. Gwapo mo naman. Saan ka ba pinaglihi?"
Inirapan ko si Aerwyna at tinago na ang mga iilang gamit ko.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomansaAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.