Chapter 17

36 7 0
                                    

Walang pumapasok sa utak ko. Parang walang nagsasalita sa harap dahil ang nasa isip ko lang ay 'yung mga sinabi ni Daevon at ang nangyari kanina.

My heart aches as I think that. Lalo na 'yung dinamay pa ng babae si Philine at Aya. I hate it. I want to slap myself to wake up to it. But I wish I was just dreaming. I don't want to think about that. Everything just comes back to me. I did everything to forget everything. That was the nightmare that I wish I had never experienced.

Muling nag-break nang wala akong nantindihan sa lesson. Wala akong balak na lumabas ng room. Tatapusin ko na lang ang oras dito bago pumunta sa sunod na klase.

"Huy, tara." Aerwyna sat down next to me.

Marami na ang naglabasan pero nanatili akong nakatingin sa harap. Rinig ko ang ingay sa labas at mga tunog ng mga sapatos, tawanan, sigawan, at mga asaran.

"Ano? Ayaw mo? Kanina ka pa hindi nakain. Tanghali na kaya. Tara na. Malalagot ako sa manliligaw mo kapag pinabayaan kita."

I shooked my head, hindi siya sineryoso.

"Ikaw na lang. Busog pa naman ako."

"Pwes ako, gutom na. Tara na. Akong bahala kapag may umaway sayo! Ano ka ba? Ako 'to, si Aerwyna, friend mo! Huwag kang mahiya!" Tumawa siya.

Nanatili akong seryoso at hindi inintindi ang sinabi niya. Tumayo ako at lumabas.

"Hoy! Bakit diyan ka dadaan? Sa cafeteria tayo, Asheirah!" Aerwyna shouted.

I continued to walk like a robot. Halos hindi ko na ikurap ang mga mata ko. I noticed others looking at me. Mabilis kumalat ang balita kaya hindi na ako magtataka lalo na't rinig ko rin ang mga sinasabi ng iba.

"What a disgusting person," I heard someone say.

Ikinuyom ko ang kamaong nasa loob ng bulsa ng palda ko at mabilis na naglakad. Rinig ko pa rin ang boses ni Aerwyna.

Tumigil ako sa harap ng abandonadong room sa building namin. Sa floor na 'to ay walang masiyadong tao. Pumasok ako at naghanap ng maayos-ayos na upuan. Naupo ako at humalumbaba.

"Dito ka lang? Gusto mo bang bilhan na lang kita ng pagkain? Dito mo na lang kainin?"

Tinitigan ko si Aerwyna na nakaluhod sa harap ko. Ang dalawang siko ay nasa hita niya. Nakatingala sa akin. She pouted as I just stared at her.

"H-huwag mo nga akong titigan, Asheirah! Totoo ako!" She smiled bitterly.

She knew everything that had happened before. All these years I know she knows me very well.

Kumibot ang labi niya bago niya kinusot ang ilong.

"Bakit kasi rito ka pa nagpunta? Ang dami kayang alikabok!" she complained but I knew that wasn't the reason. Malapit na siyang umiyak.

Hindi naman masiyadong maalikabok.

"Ano? Ibibili na lang kita? Ano bang gusto mong pagkain? Adobo? Sinigang? Caldereta? Itlog o hotdog? May sabaw ba? Juice? Coke o Sprite? Tubig? Marami bang kanin?" sunod-sunod niyang tanong.

Umiling lang ako. She pouts even more. The pain attacked my heart.

I sighed and whispered, "... Just chips. Kahit ano at... plus na lang."

She smiled.

"Iyan lang? Sige ba! Dadamihan ko na! Dito ka lang, babalik ako agad! Huwag kang aalis, okay? Bye, love yah!"

Habol lang ang tingin ko sa kaniya. Nang mawala siya sa paningin ko ay tahimik kong sinuklay ang dulo ng buhok. Alam kong medyo gulo na ang pagkaka tirintas ko ng buhok dahil sa pag-ub-ob ko kanina at nagagalaw ang buhok ko.

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon