Chapter 10

49 7 0
                                    

Nanatili ang tingin ko sa bubong habang iniisip 'yung mga sinabi ni Aeolos. He likes me... how? Parang ang labo naman. Wala pa ngang isang buwan nang magkakilala kami, tapos noong unang week ay hindi pa siya namamansin. Hinahayaan niya lang ako minsan na magsalita nang magsalita... hindi kaya dahil doon?

Pinikit ko ang mata at napailing. Ang kapal naman ng mukha ko?

Pero baka nga dahil doon. Baka nahulog? Well, ano bang ginawa ko? Dumaldal lang naman nang dumaldal. Baka kasi maganda talaga ako? Maganda naman talaga ako at alam ko sa sarili iyon pero parang sumobra naman si Apollo at Huxley doon sa parang isang dyosa?

Dumapa ako sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Kanina ko pa iniisip 'yung mga sinabi ni Aeolos at mga ginagawa ni Apollo. Naguguluhan ako sa kanila. Noong una, masasabi ko na si Apollo, may nararamdaman talaga o kaya trip niya lang ako. Pero kay Aeolos ay hindi. Napaka sungit niya sa akin kaya malay ko ba kung totoo?

Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa sala. Naka-charge roon at dito sa kwarto ay wala nang masaksakan. Alas nuebe pa lang naman pala. Hindi pa ako inaantok. Si papa nasa kabilang kwarto at natutulog na. Ang kapatid ko ay wala pa, nasa bilyaran na naman siguro. Si lola ay natutulog din.

Nagugutom ako kahit kakakain ko pa lang naman kanina. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pagkain. Mabuti na lang hindi ako tumataba dahil sa tuwing bored ako o kaya ay maraming iniisip, kumakain ako. Kahit ano at kahit gaano karami.

Nagpa-init pa ako ng tubig dahil malamig na 'yung nasa thermos. Bumalik ako sa sala at nahiga sa sofa. Nagsuot ako ng earphone at nag-facebook. Dumiretso ako sa video at nanood. Hindi ko pinansin 'yung notification sa messenger dahil tinatamad akong buksan at basahin iyon. Ayoko nang may kausap muna at baka kapag nag-reply ako sa kanila ay magtuloy-tuloy.

Nang kumulo 'yung tubig ay nilagyan ko ang tasa bago pati sa thermos. Wala pala akong tinapay. Wala na ring ulam. Ngumuso ako at hinayaan na lang iyon. Ayoko namang lumabas, ayoko rin gumastos, dagdag baon na iyon para bukas.

"Good morning!"

Natigil ako sa pagsubo ng sopas dahil sa narinig. Ang aga naman nito? Excited?

"Wow, mukhang masarap iyan, ah, babi? Patikim nga." Inagaw sa akin ni Drystan ang kutsara. Mabilis ko namang sinuntok ang tiyan niya, mahina lang naman iyon pero napadaing siya.

"Ang bayolente mo, babi! Ang aga-aga, sinasaktan mo ako! Hindi 'yan makatarungan!"

Nakailang subo na agad siya parang hindi man lang nainitan.

"Gago, pwede namang kumuha ka ng ibang kutsara," singhal ko.

He chuckled. Patuloy sa pagsubo. Umirap na lang ako at hinayaan siya.

"Kukuha pa kung pwede namang 'yung sayo na, 'di ba? At baka pagbalik ko, ubos mo na."

I scoffed. "Para namang sobrang layo nang kukuhanan mo, Faurus? Kahit kalahating minuto ay makakabalik ka rin kaagad pati mainit iyan, hindi ko agad makakain."

His eyes widened. "Mainit?" Sumubo ulit siya. "Hindi, ah? Tikman mo, hindi." Tinapat niya pa sa bibig ko iyon.

"Ang baboy mo, Faurus! Galing na sa bibig mo 'yan!"

Nagkamot siya ng ulo. "Sorry na. High blood agad, ang aga-aga."

Naupo na siya sa tabi ko. Mabilis naman ako umayos ng upo.

"Babi..." he called.

I hummed while combing my hair. Mahaba na iyon, hanggang bewang na o itaas ng pang-upo ko. Noong May pa yata ito nagupitan ni lola pero sobrang ikli lang, mga two inches, 'yung dulo. Gusto ko kasing mahaba ang buhok ko. Nasanay na ako kaya parang kapag sobrang ikli ay papangit at hindi na bagay sa akin.

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon