Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Drystan. Nalunod na ako sa kaiisip at nakalimutan kong kasama ko siya.
"Oh?" mataman kong sabi.
Mahina siyang bumuntong hininga.
"Baka nakaklimutan mong marami akong kakilala sa mga ka-blockmates mo? Alam ko lahat ng mga pinaggagawa sayo sa loob ng klase niyo, Asheirah. Hinihintay kitang magsabi sa akin at dahil nga halos hindi na tayo magkita o mag-usap sa isang araw ay hindi kita magawang tanungin at kanina, puro ka tanggi. Ang hilig mo talagang magsolo ng problema," singhal niya.
Mahina akong bumuntong hininga. Iniwas ko na talaga ang tingin sa kaniya.
"It's just a simple problem, Drystan. I can handle myself. At sampal lang naman ang ginagawa nila. Malayo sa bituka."
"Oh, God, Asheirah. Do you fucking hear yourself? It's not just a simple fucking problem for heaven's sake! It's not just a fucking slap! Hindi ba sinabunutan ka rin?! And do you think it's fucking okay, huh? Ano nga kung malayo sa bituka? Paano kung sa sampal at pagsabunot sayo, tumama ang ulo mo sa matigas na bagay?"
Kung kaming dalawa lang sa isang lugar na walang tao at natutulog ay malamang kanina pa niya akong sinisigawan sa galit.
"Sino naman ang magsabi sayong hahayaan kong mangyari 'yan?"
"I know you won't let that happen but you fucking let them hurt you! At kung wala pa akong mga kakilala roon, edi hindi ka talaga magsasabi? Are you fucking out of your mind? This is bullshit, Asheirah! You are a woman! Hindi sa lahat ng pagkakataon, makakaya mong mag-isa! I know you are strong and sometimes you don’t care but we are in reality! Na kahit pa iwasan mo sila nang iwasan, masasaktan ka pa rin nila sa paraang gusto nila! Asking for help from others is not bad!"
His eyes were bloodshot. He clenched his jaw. Ginulo niya ang buhok at ilang beses na bumuntong hininga para maikalma ang sarili niya.
"I’ve been restraining myself these past few days but I’m done, Asheirah. Alam kong wala akong karapatan pero hindi ako natutuwa sa mga nangyayari sayo. Layuan mo na si Aeolos o kahit sinong malapit sa kaniya. Mga kapatid niya, mga kaibigan, lahat-lahat. Ayokong mas lumala pa ang nangyari sayo. And please, isipin mo si lola kapag nalaman niya ang mga 'to. Hindi papayag si lola na basta-basta na lang sasaktan ang apo niya. Magkakagulo, Asheirah. Magkakagulo. Kung hindi ka lalayo sa kanila, ako ang maglalayo sayo sa kanila."
Halos hindi na ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Drystan. Alam kong galit siya. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, magagalit din talaga ako. Lalo na't para na kaming magkapatid. Hindi ko rin naman hahayaan na saktan din siya.
Iritado akong bumangon sa kama at naglakad papunta sa sala. Alas tres pa lang. Ilang oras lang ang naitulog ko. Antok na antok pa ako pero hindi na rin naman ako makatulog. I turned off my phone. Drystan is right. I must be thinking of lola. Hindi ko kaya kapag nagagalit siya dahil alam kong mahirap siyang pigilan. Palagi na ngang pagod mula sa trabaho, tapos malalaman niya pang may ginagawa pa akong gulo.
Nagsuot ako ng jacket at ng jogging pants. Lumabas ako at nagsimulang mag-jogging papunta sa kanto. Habang ginagawa iyon ay iniisip ko kung paano umiwas.
Mas makakabuti pa nga ito.
Kalahating oras lang ay bumalik na ako sa bahay. Nagpahinga lang ng ilang sandali at naligo na. Mabilis ang naging kilos ko. Tapos na ako pero tulog pa rin si papa.
I tried to wake him up.
"Aalis na ako, papa. May kailangan pa kasi kaming gawin..." pagdadahilan ko.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomanceAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.