"Woah, ang lamig!" si Aerwyna.
Humikab ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog pero may pasok naman.
"May fifteen minutes pa bago ang klase niyo. Sa cafeteria muna tayo?" tanong ni Drystan.
"Oo nga! May ilang minuto pa rin kami!" si Philine naman.
Sa cafeteria nga kami dumiretso. Imbes na makisali sa usapan nila ay umubob ako at pumikit. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit nang marinig ko na ang malakas na boses ni Aerwyna. Babalewalain ko na rin sana pero dahil narinig ko ang pangalan ni Apollo ay napaayos ako ng upo. Inayos ko pa ang aking itsura. Mapungay pa ang mga mata ko dahil sa antok.
Tumingin ako kina Apollo na naglalakad palapit sa table namin. Wala akong mai-react. Parang wala ako sa mood para entertain-in sila dahil inaantok talaga ako at matulog ang gusto ko. Ilang oras pa ang itatagal para makapag pahinga ako. Gusto ko na agad umuwi.
"Hi sa inyo! Good morning!" maligayang bati ni Aerwyna sa kanila.
Malaki ang table kaya kaming siyam ay kasya at kumuha lang ng ibang upuan si Huxley. Sa harapan namin nina Aerwyna, Drystan at Daevon ay si Philine, Aya, Apollo at Huxley. Sa kabisera'y si Aeolos.
"Good morning, Chantelle," bati ni Daevon kay Aerwyna.
"Wow! Ganiyan dapat!"
Daevon chuckled. "Good morning sa inyo. Good morning, Asheirah. Mas maganda ka pa sa umaga kahit nakabusangot mukha mo."
Hindi ko alam ang ire-react kaya tumango na lang ako. "Morning, Dae."
"Nice. May nickname sa akin. Bigyan na rin ba kita ng nickname o endearment na lang?"
Tipid akong tumawa sa walang kwenta nyang sinabi.
"Kumusta kayo? Dalawang araw tayong mga hindi nag kita," si Daevon pa rin.
"Ayos lang! Kayo?"
"Ayos lang din naman. Wala masyadong ginawa kaya gumala lang."
"Kami rin!"
Halos si Aerwyna at Daevon lang ang nag-uusap.
"Antok ka pa?" natatawang bulong ni Drystan.
Siniko ko sya at tinanguhan. "Sobra. Napuyat pa ako kagabi. Kainis. Gusto kong matulog buong maghapon."
He chuckled. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa, eh, sanay ka ngang hindi matulog ng isang araw, eh."
"Thanks, na-inspired akong mamatay nang maaga."
"Antok ka pa talaga."
Walang masyadong kumausap sa akin maliban kay Drystan na katabi ko dahil siguro pansin nila na wala ako sa mood o tamad makisabay sa kanila. Pero paminsan-minsan ay nakikitawa ako sa kanila.
Naunang magpaalam sina Philine at Aya na sinabayan naman ni Drystan. May five minutes na lang kami ni Aerwyna at ewan ko na lang sa apat na lalaking kasama namin.
"Okay ka lang?"
Tumango ako kay Huxley.
"Okay lang naman... bakit?"
He smiled. "Hindi ka mukhang okay, eh. Para kang pinagbagsakan ng lupa."
Napatawa ako. Unti-unti nang nawawala ang antok ko kapag tumatawa ako.
"Inaantok lang ako kaya ganito."
"Napuyat ka? May kabebe time ka siguro."
Sa sinabi niya ay napatingin ako kay Aeolos na kanina pa tahimik. Nakatingin siya sa amin. Naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko. Kakaiba rin 'to katulad nang naramdaman ko kay Apollo.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomanceAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.