Chapter 46

27 6 0
                                    

"Hello, Teacher!"

Natigil ako sa pagtingin sa mga bata na pinapapasok ko sa room. May event na ginanap at ngayon lang natapos. Nakapila ang mga estudyante ko.

"Hello, Troilus. Bakit hindi ka pa napasok sa room niyo?"

Mula nang magpasukan ay bilang sa daliri ko kung ilang beses lang naihatid ni Apollo ang anak niya. Noong una ay nabigla pa talaga ako. Madalas na maghatid ay si Aeolos o si Star. May driver naman pero ayaw daw magpahatid ni Troilus sa iba kung hindi ang tito at tita niya.

"Hindi pa naman po papasok. And our classroom po is locked. I want to pee po, Teacher." He pouts his lips.

Tumango ako at inaya siyang pumasok sa room para mag-CR. Sinaway ko ang mga estudyante ko dahil nagsisigawan at nagkukulitan. Baka may bisitang dumaan at marinig sila.

Nang matapos ay hinatid ko pa palabas ng room. Natigilan ako nang makita si Aeolos na nakasandal sa harap ng classroom.

Luminga-linga pa ako sa paligid. Halos nakasara ang ibang pinto at mukhang hindi pa narating ang iba dahil tahimik naman sa hallway.

"Tío, why are you here?" Troilus asked. Hawak ko pa sa kamay dahil balak kong ihatid sa pila nila.

"I'm here for you," he replied, his eyes fixed on mine.

Kumalabog ang dibdib ko. Ewan ko ba sa kaniya! Halata namang gusto ako pero ayaw gumalaw! At of course, hindi ako ang gagawa ng unang hakbang. Kaya ko pa namang magtiis kahit na sobrang miss ko na siya.

"Ihahatid ko lang sa baba. Umihi lang," marahan kong sabi.

He nodded. Humalukipkip at mariing tumitig sa akin. Gusto ko siyang sungitan pero hindi ko naman magawa.

"Uh, gusto mo ikaw na lang ang sumama sa kaniya sa baba. I need to continue our lesson..."

He licked his lips. "Can we have lunch together, Ma'am?"

Napalunok ako sa biglaan niyang tanong. Nagsisimula na ba ulit siya? At bakit sa harap pa ng pamangkin niya?!

"U-uh..." Tumingin ako kay Troilus na nakangisi at parang may alam! Naningkit ang mga mata ko sa bata. Bumungisngis ang anak ni Apollo.

"Say yes na po, Teacher. He waited for this for a long time. Pagbigyan mo na po, Teacher."

Bakit feeling ko pagtutulungan nila ako rito? May magagawa pa ba ako? Ito naman ang gusto ko. Ang gulamaw si Aeolos.

"Sure!" Agad kong nakagat ang labi dahil parang sobrang excited ko!

Ang magtito ay sabay na natawa.

"I will wait for you here." Aeolos grinned. "See you later, Ma'am Zinnia."

Halos mawalan ako ng focus sa lesson na tinuturo ko dahil kay Aeolos! Kaya ang ginawa ko muna ay pinagsagot sila at mga naituro ko para malibang din ako. Nang mag-lunch ay ang iba ay sinundo ng mga magulang at ang iba ay sa room sinamahan kumain.

Kahit ang mga magulang ng mga bata at may mga asawa na ay parang kinikilig pa kay Aeolos! Maling desisyon yata na sa labas siya ng room naghintay!

Naghabilin pa ako sa mga magulang bago magpaalam na magla-lunch lang. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Aeolos na may kausap din na teacher. Si Ma'am Maeve. Mabait naman siya at sobrang hinhin.

Sabay silang tumingin sa akin nang makita ang pagbukas ng pinto. Naka-aircon kasi kaya kailangan palaging nakasara ang pinto para hindi lumabas ang lamig.

"Hello, Ma'am Asheirah!" Ngumiti si Ma'am Maeve sa akin.

I smiled back.

"Don't get us wrong. We were just talking. Hindi ko nilalandi si Aeolos!" Mahinhin siyang tumawa.

Rewriting Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon