Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ba ako. Para ba namang pagong 'tong nagmamaneho! Ang bagal-bagal ng patakbo niya sa motor! Baka abutin pa kami ng siyam-siyam bago makarating sa bahay!
Narinig ko ang busina ng ilang sasakyan sa likod namin. Iritado kong pinalo-palo ang ulo na may helmet sa likod ni Aeolos.
"Tang ina naman, Aeolos! Bilisan mo! Ang daming nagagalit!" iritado kong sabi at nanggigigil na.
Hindi ko narinig ang sagot niya at biglang bumilis ang motor. Napahiyaw ako sa gulat at napahigpit ang yakap sa kaniya.
Gusto ko siyang murahin nang murahin.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumagpas kami sa kanto ng purok namin.
"What the hell, Aeolos? Lumagpas ka na! Ibalik mo, Aeolos! Aeolos!" sigaw ko na dahil baka hindi niya ako marinig sa bilis nang pagpapatakbo niya.
He did not answer! I was even more irritated.
We are really okay. I mean sa akin may problema. I really ignored him but now, we’re not really okay! I'll punch him later!
Nasa kasunod na barangay na kami. Makakaya ko pa ring namang lakarin pauwi ito pero mas lalong nakakalayo na! Dumaan pa kami sa pataas na tulay at sa baba no'n ay parang gubat na. Sa sobrang tagal ko na rito, hindi pa ako nakapupunta rito. Kumunot ang noo ko nang sa pagbaba sa kabilang parte ay lumiko siya papasok sa medyo gubatan. Hindi naman marami ang mga puno at hindi rin malalaki.
May daanan talaga ng pansasakyan. Nakamasid na ako sa paligid at nakalimutan ang inis kay Aeolos.
Sariwa ang hangin. Malinis ang paligid. Maingay ang paligid dahil sa may ibang hayop dito, may kambing, kalabaw, baka at may kabayo...? Nakadagdag pa ang mga tunog ng pagdaan ng mga sasakyan.
Tumigil kami sa isang bahay. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Naunang bumaba si Aeolos. Inalis ko ang helmet at sinuklay ang buhok. Nakatitig na sa akin si Aeolos ng seryoso.
Tinaasan ko siya ng kilay at nilibot ang paningin. Nanatili akong nakaupo sa motor habang siya naman nakatitig lang sa akin.
"Kaninong bahay 'yan?" tukoy ko sa nasa likod niya.
"Rest house namin..."
Napatango ako. Inilahad niya ang palad sa akin. Nagtama ang tingin namin. Pinatong ko ang isang palad doon at ang isa ay sa balikat niya. Humawak din siya sa bewang ko at inalalayan ako sa pagbaba.
"Bakit dito mo ako dinala, Aeolos?" I asked.
He took a deep breath. "So we can talk properly."
Umikot ang mga mata ko. Hinarap ko siya at hindi ko talaga mapigilan na mahinang suntukin ang tiyan niya.
"Hey, what's that for?"
"That's for being an annoying driver! And for fucking ignoring me earlier while yelling at you!"
Napasinghap ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako.
I couldn't move. I just let him. My heart started pounded wildly inside of my chest.
"I'm sorry for what I did, Zinnia."
I scoffed. "Are you apologizing for ignoring me while I'm shouting or apologizing for something else, Aeolos?"
"I'm sorry for what I did so you ignored me, Zinnia. I don’t care if you yell at me but at least you noticed me."
"Whatever, Aeolos. Humiwalay ka na nga. Ang tagal na nga kitang yakap kanina, tapos yayakap ka na naman? Ang swerte mo naman, Jardeleza?"
He chuckled. Lumayo na siya sa akin. Isinumping niya ang buhok ko sa likod ng aking tainga. He smiled.
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
Roman d'amourAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.