Tahimik kami habang kumakain. Si Philine at Aya ay siguro dahil sa sinabi ni Aerwyna at si Aerwyna naman ay dahil sa sagutan nila ni Daevon.
Seriously, wala naman akong kinakampihan o pinapanigan kina Aerwyna at Daevon. Parang kasalanan ko pa nga dahil alam kong dahil sa akin kaya sila pumunta sa room namin. Hindi rin naman masama 'yung mga ginawa kanina ng mga babae, mga nakaharang nga lang at medyo maingay. Mabilis lang mainis si Aerwyna at hindi niya mapipigilan ang sarili na huwag ilabas iyon. I understand them. I just hate it when people around me fight.
Dahil wala akong nagagawa. Manonood lang at sinasarili ang gustong sabihin o gawin. Ayoko laging makisali. Let’s just say I’m just afraid to be in between of them. Parang mas lalaki pa kung makikisali ako. Hindi naman sa dahil sa kanila pero sa sarili ko. Kung si Aerwyna nga ay hindi kayang pigilan ang sarili kaya niya nasasabi iyon, paano pa kaya ako kapag napuno? Hanggang kaya ko ay pinipigilan ko ang sarili dahil takot ako sa mga maaari kong gawin o sabihin. Ayoko namang makasakit ng damdamin ng dahil sa naubos ang pasensiya ko. I might get angry with myself again. And I don't want it. Magagalit na nga sa akin ang mga tao, kagagalitan ko pa ang sarili ko.
"Sama kayo sa akin," pagbabasag ko sa katahimikan.
Hindi ko ginagawa ito kung hindi lang sa guilt. Dahil kaya kong tiisin ang katahimikan namin pero dahil ngayong sa dami ng iniisip, nagawa ko.
Hindi ko naman gusto na umabot pa 'to ng ilang araw.
"Saan?" si Aerwyna na ang tingin ay nasa pinggan. Pinagmasdan ko sila.
Nakain si Aerwyna pero nakikinig naman, si Aya ay nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko, si Philine na nakayuko at nakatingin sa phone niya.
I gulped. "Palengke. Mamaya. May pinabibili si lola," sagot ko.
"May gagawin ako mamaya, sa susunod na lang. Sorry," si Philine, nanatili ang tingin sa phone.
"Maglalaba ako mamaya. Wala pating tao sa bahay," si Aya.
I nodded and looked at Aerwyna. I thought she would be busy like the other two but when she looked at me and nodded, I lost all my thoughts.
"May bibilhin din ako. Tayong dalawa lang ba o kasama si Drystan?"
I smiled slightly. "Baka sumama 'yon..."
Natahimik ulit kami.
Tapos na si Aya at Philine pero nasa cellphone ang atensiyon, si Aerwyna ay mabagal ang pagsubo at ako naman ay patapos na. Hindi na siguro bababa si Drystan dahil wala pa rin.
"Can I sit?"
Halos sabay-sabay kaming tumingin sa nagsalita. It was Apollo. Nakatingin ito sa akin at medyo nakangiti pa. I didn't know what I would react so I nodded. Makikiupo lang naman. Napatingin ako sa direksiyon nina Aeolos, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Blangko ang mukha. Katabi niya si Daevon na kausap si Huxley. Saka lang ako nag-iwas ng tingin nang maramdaman na naupo na si Apollo.
"Kanina pa pala kayo," Apollo commented.
"Oo," Philine answered and smiled. Ang cellphone ay nakataob na sa lamesa.
"Can I sit here with you guys again? Tomorrow and next day?"
I shrugged. I want to ask him why he wants to sit with us? Mas maganda sana kung kina Aeolos na lang.
"Hindi kaya magalit sa amin ang mga fan girls mo?" si Aerwyna. Apollo chuckled because of that.
"Oh, no, of course. Why would they be angry?"
BINABASA MO ANG
Rewriting Destiny (COMPLETED)
RomanceAsheirah's quiet world would change in an instant as if it had suddenly been blown away by the wind. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.