Pinagmasdang mabuti ni Silver ang mga kalabang rebelde, lalo na ang babaeng magsasalita sana ngunit pinigilan ng lalaking kasamahan nito. Napakunot ang kan'yang noo dahil tila pamilyar ang tinig niya. Nang mapadako ang kan'yang mga mata sa likuran ng palad ng babae. At doon ay nakita niya ang simbolo ng yin at yang. Napaisip siya. Binalikan niya ang araw na magkasama sila ng High Priestess. Katulad iyon ng tattoo sa kamay ni Seren. Tila naguluhan ang kan'yang isipan.
"Seren?"ang naitanong na lamang niya sa kan'yang isipan.Ngunit bago pa man niya maisambulat ang nasa isipan ay bigla namang sumugod si Zorro na mabilis na nagpalabas ng kan'yang halo, ang Witch Haze! Kasunod ng pagpapalit niya ng anyo.
Nakigulo na rin si Ferro sa sagupaan upang sumuporta sa kaibigan. Ganoon na rin si Radar na binigkas ang kan'yang mahiwagang salita, "Reperio!"
Nagkagulo na ang dalawang grupo. Ngunit si Silver ay sa babaeng nakasuot ng cloak itinuon ang atensyon. Mabilis siyang tumakbo papunta sa direksyon niya ngunit nagulat na lamang siya nang may kung anong nagliparang origami ang pumalibot sa kan'ya at bigla na lang siyang pinaglaho.
"Ikaw na ang bahala sa Binibini!" ang naisambulat ng binatang biglang naging pula ang mga mata.
"Carta!" ang isinigaw niya at isang libro ang bigla na lamang lumitaw sa harapan niya, kasunod ng mabilis na paglipat ng mga pahina."Fervidus tigris!" ang sigaw niya at mula sa libro ay lumabas ang isang nagliliwanag na tigre na yari sa kulay asul na apoy.
"Tyga! Ikaw na ang bahala sa kanila," ang utos niya na mabilis na hinarap ang isang malaking puno na naglalabas ng kakaibang hangin.
"Ignis!" ang sigaw niya at mula sa kan'yang libro ay kumawala ang isang kulay itim na apoy na siyang tumupok sa isang malaking puno.
Dahan- dahan iyong naging abo sa paningin niya. Mula sa tumpok ng kulay itim na alikabok ay dinukot niya ang isang bagay na talagang pakay nila sa simula pa lamang.
Isa iyong emerald stone na halos nagniningning pa ang salamangkang bumabalot roon. Mainit man ang abo at ang hiyas ay tila hindi iyon nararamdaman ng kan'yang kamay. Marahil ay artipisyal na iyon. Hindi nakararamdam ng kahit na anong sakit at init.
"Ito lamang ang pakay namin. Wala kaming balak na lusubin ang bayang ito tulad ng iniisip ninyo," ang sabi niya na napangisi na lamang habang pinagmamasdan ang mga kalabang nahihirapan sa pagpuksa sa kan'yang alagang tigre.
Ngunit nabigla na lamang siya nang maamoy niya ang presensya ng kung sino mula sa kanang bahagi niya. Mabuti na lamang at nasalag niya ito dahil sa kan'yang enhance na pang-amoy. Kung hindi ay napabagsak sana siya ng lalaking nagtangka siyang suntukin."Silver Grandeur," ang nasambit niya sa kan'yang isipan nang makita ang mukha nito.
"Ano bang dahilan ng panggugulo ninyo? Bakit kailangang umabot sa pagkitil ng mga buhay?" ang tanong ni Silver na nagngingitngit sa galit sa kaharap.
"Hindi mo maiintindihan kung hindi mo naranasang manirahan sa kadiliman," ang sabi niya at saka tinanggal ang cloak niya na ikinagulat niya.
Halos ang kalahating katawan nito ay tila mga pyesa sa iba't ibang klase ng mga bagay. Pinagdugtong-dugtong upang mabuo ang kalahati ng mukha at katawan niya. Tila pyesa ng orasan na kapag nagbabanggaan ay nakagagawa ng kakaibang ingay.
Kalahating tao, kalahating pyesa. Pero siguradong ganap na lobo mula sa Grandeur Clan.
"Ikinagagalak ko ang unang beses na pagkikita natin. Ako si Loki," ang pagbati niya kasabay nang pagsilay a
ng pangil sa taong bahagi niya, sa pag-ngiti niya.
"Alam ko kung paano mamuhay sa dilim. Alam ko kung ano ang kalakaran ng mundo. Pero hindi ko piniling maging masama katulad ng ginagawa ninyo," ang matapang na sagot ni Silver.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasyThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...