Nagngangalit ang mga bagang ni Silver na tumayo mula sa kan'yang kinauupuan. Matapang na tinitigan si Professor Slayer sa kan'yang mga mata.
"Nasaan ang dating Professor Slayer?" ang tanong ni Silver na siyang nagpagusot ng kilay ng propesor.
"Nagbago nga ang kalidad ng buhay mo sa kasalukuyan, pero kapalit ng karangyaan ay ang karuwagan mo!" asik ni Silver.
"Magkaiba ang taong naghahanap ng katahimikan, sa duwag. Alam mo dapat 'yan," ani Slayer.
"Ikaw lang ang nahihimbing dito sa komportable mong lugar. Pero marami sa mga tao ngayon ang natutulog sa takot na baka bukas lusubin sila ng mga rebeldeng lobo," ani Silver na pilit na kinakalma ang sarili.Napatayo naman si Fang mula sa kinauupuan. Kalmadong nginitian si Professor Slayer.
"Kailangan lang namin ng impormasyon tungkol sa mga bayani ng unang henerasyon. Pagkatapos ay aalis na kami," ani Fang na pinapanatili ang kan'yang huwad na ngiti.
"Hindi ba kayo nakikinig sa akin?" ang singhal ng propesor.Sa tingin pa ni Silver ay durugtungan pa nito ang kan'yang sasabihin ngunit itinaas ni Fang ang kan'yang kaliwang palad sa harapan niya, senyales na itigil na ng propesor ang kan'yang mga pagdadahilan.
"Hindi na kami kumukuha ng hero examination sa'yo. Wag mo kaming bigyan ng pagsubok kung gusto ba naming ituloy ang alyansa. Dahil oo lang ang isasagot namin sa'yo. Nakikipag-usap kami sa'yo ngayon, bayani sa bayani," ang saad ni Fang na napansin na ang pakikipaglaro sa kanila ng propesor.
Sumabog ang halakhak sa apat na sulok ng marangyang silid- mula iyon sa propesor na si Slayer.
Mabilis namang napatayo si Kick na bahagya pang natigilan nang marinig ang pahayag ni Fang.
"Teka, teka! Ano ba? Akala mo ba nakikipagbiruan pa kami sa'yo? Kahit kailan talaga," ang naibulalas ni Kick habang tuloy pa rin sa paghalakhak ang propesor.
"Gusto ko lang malaman kung talagang seryoso nga ba kayo na maging bayani," ang saad niya.
"Syempre seryoso kami! Ugok ka ba? Ano bang ipinunta namin dito? Sakit ng katawan? Siraulo ka!" ang saad ni Kick na bahagya pang hiningal sa bilis ng kan'yang pagsasalita.Ngunit muling sumilay ang kaseryosohan sa mukha ni Professor Slayer.
"Alam kong matitigas ang mga bungo ninyo at kahit anong sabihin ko sa inyo hindi kayo makikinig," ang saad ni Slayer.
Muli siyang naglakad pabalik sa komportable niyang upuan at itinaas ang kan'yang mga paa sa center table na nasa harapan nila.
"Kung gano'n pag-usapan na natin ang plano ninyo kahit kakarampot ang pag-asang meron tayo," aniya na nagpasilay ng ngiti sa kanilang mga labi.
Ang marinig ang salitang tayo mula sa kanilang adviser ay malaking bagay na para sa kanila. Malaking bagay na ang suporta ng adviser nila sa kahit anong paraan, malaki man o maliit.
"Ang next target namin ay ang Chimpan City," ang saad ni Silver.
"Sa totoo lang mahihirapan kayong kumbinsihin si Valin," ang nawika ni Professor Slayer nang marinig ang kanilang susunod na hakbang.
"Pero nagtungo na si Monkie sa Chimpan City," ang tugon ni Silver.
"Monkie?" ang tanong ni Professor Slayer na tumaas pa ang kaliwang kilay.
"Siya ang pamangkin ni Lady Valin," ani Fang.Sandaling napaisip si Slayer.
"Sa pagkakakilala ko kay Valin, siya ang klase ng taong kahit si Monkie ay hindi siya magagawang kumbinsihin," aniya.
"Ano bang pwede naming gawin para kumbinsihin siya?" ang tanong ni Silver na makikita sa mga mata niya na handa siyang gawin ang lahat mapapayag lamang ito sa alyansa.
"Ang kahinaan ni Valin?" ang patanong na saad ni Slayer habang nakaguhit ang isang ngiti- isang mala-demonyong ngiti.Napalunok naman ng laway sina Silver nang marinig nila ang kahinaan ng isang Valin Gamount. Naging detalyado rin ang propesor sa para sa ilang paraan para makuha ang tiwala ng iba pang mga bayani.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasyThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...