Mabilis ang pagtibok ng puso ni Fang ng mga oras na iyon.
"Buhay pa siya." Ang sabi ni Ferro ng marinig ang tibok ng puso ng lalaki. Kung nasa normal na kapaligiran pa siya ay wala na sanang buhay ang lalaking iyon. Ngunit iba ang mundong iyon. Kailangan niyang mamuhay katulad ng isang normal na tao. Taong may batas na sinusunod. Sanay ang kanyang sarili na kumikitil ng buhay. Mula pagkabata ay iyon ang kanilang dapat gawin, ang kumitil ng buhay ano man ang edad nito o naging buhay nito sa labas. Wala silang pakialam kung magmakaawa ito sa kanila dahil iyon ang nararapat. Buhay ng iba o buhay nila ang nakataya sa araw- araw.
Sandalang init ang naramdaman niya ng hawakan siya ng bata. Init na tila kumakayap patungo sa kanyang puso.
"Kuya salamat sa pagtatanggol." Ang sabi ng batang si Samson na sa tingin niya ay nasa edad sampung taong gulang na. Natulala siya dahil imahe ng nakababata niyang kapatid ang rumehistro sa inla ng kanyang mga. Iyon ang bunsong kapatid nila ni Kill. Gusto niya ulit makita ang kapatid nilang iyon ngunit mukhang malabo na, dahil matagal na siyang sumakabilang buhay. Mabilis na ginulo ni Fang ang buhok ng batang si Samson at saka ngumiti. "Kung gusto mong magpasalamat, ituro mo sa amin kung saan kami makakakita ng repair shop para sa gadget." Ang sabi ni Fang na ikinangiti ng batang si Samson.May ngiting binuksan ng mga guwardya ang tarangkahan ng Clock City para sa ikalabingpitong henerasyon ng mga bayani. Bukod roon ay kilala ng mga guwardya ang batang si Samson, ang kilalang apo ng pinakamatanda at beteranong manggagawa at taga- kumpuni ng orasan sa Clock City.
Sa pagbubukas pa lamang ng tarangkahan ay bumungad na kaagad sa kanila ang kagandahan ng syudad na may lapat ng Gothic Revival Architecture ang bawat imprastraktura. Ang mga gusali ay nagtataasan at halatang maganda ang materyales na ginamit sa pagtatayo nito. Gawa ang ilang gusali sa red-brown stone na mas nagpa-engrande sa hitsura ng lugar. Mula pa lamang sa tarangkahan ay makikita na kaagad ang pinakamataas at pinakamatandang clock tower ng Clock City, ang Rouxben. Makasaysayan raw iyon at minsan ay mapaghimala, ayon kay Samson. Nadaanan rin nila ang isang mahabang tulay na malapit sa Rouxben, ang Dordon Tower bridge. Marami pang napakagandang tanawin sa Clock City. Halos mabusog ang kanilang mga mata sa kagandahan ng lugar. Mapayapa rin ang bayan na may masunuring mga mamamayan.
Nilibot nila ang lugar upang maghanap ng magkukumpuni ng kanilang mga cellphone. Halos susuko na sila sa paghahanap ng repairshop hanggang sa matagpuan nila ang nag-iisang shop na iyon. Si Fang ang nakipag-usap ngunit malungkot siyang lumabas ng shop na sinabing mga dalawa o tatlong linggo pa bago magawa ang kanilang mga cellphones dahil marami rin silang nakapilang mga customer. Bukod roon ay tinataga sila sa presyo ng malamang hindi sila taga-roon. Nalumbay sila sa balitang iyon ni Fang ngunit sa kabila ng pagkabigo na makahanap ng repair shop ay naghanap muna sila ng makakainan para sa kanilang mga kumukulong sikmura. Ganadong- ganadong kumain si Samson na sinabayan naman ni Kick na kahit nalulungkot sa kanilang sitwasyon ay hindi naman nagpapa-apekto.
"Paano 'yan, wala tayong cellphone. Paano natin mako-kontak ang kaharian?" Ang tanong ni Radar na iniisip rin kung paano niya makokontak si Tempest.
Napabuntong-hininga naman si Woodrow. Kung hindi nga lang sana nasagad ang kan'yang kapangyarihan sa pakikipaglaban sa mga rebelde at ganoon na rin sa pag-sasa-ayos ng kabahayan ng Owl City ay may magagawa pa sana siya. Ngunit may isang buong maghapon pa bago mag-regenerate ang kapangyarihan niya na inihingi niya ng pasensya sa mga kasamahan. Naiintindihan iyon ng mga kasama. Isa pa ay naging maganda ang misyon nila dahil naroroon ito.
"Kung gusto ninyo, sumama kayo sa shop ni Lolo Kairos. Itatanong ko at baka may kakilala siyang manggagawa ng gan'yang klase ng gamit." ang sabi ni Samson na halos puno pa ang bibig sa pagkain, " Kung hindi ninyo naitatanong ay kilala dito sa syudad si Lolo." ang dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2
FantasíaThe world is changing. The werewolves are howling. The chaos has started, but the heroes are coming! Seventeenth-generation heroes are ready to take down the rebels to give them their biggest downfall. Sylvester Del Grande, who receives the renowne...